Chapter 26

26 0 0
                                    

Robust

Pagkagising ko ay wala nang tumambad na lalaki sa sala, umalis na rin siguro siya nung tulog ako. O baka naman pinuntahan niya si Belle dahil hindi niya na gusto ang lugar dito. Bumuntong ako ng hininga at tumingin ako sa ref, pikit mata kong hinanap ang tubig.

"Nagsawa na siguro..." bulong ko na lang.

"What?" tanong niya sa likod. Halos mapaiktad ako nang makita ko na naman siya sa likod. This time nakashirt na siya and thank God! Hindi na ito nakahubad.

"W-what are you doing here? Akala ko umalis ka na?"

"Bakit ako aalis?" sabay kunot ng noo.

"Hindi ba naghihintay si Belinda sa 'yo? May fiancee ka na Mr. Selguero." asik ko sa kaniya. "Hindi naman magandang tingnan na dito ka maglalagi kahit may condo ka, baka mamaya maissuehan pa akong kabit."

Lumapit ako sa kaniya at nakapamewang na dinuro ito.

"At isa pa ha, hindi ako mahuhulog diyan sa paluto luto mong 'yan. Kinuha mo na naman 'yung stocks ko sa cab."

Kumunot ang noo nito.

"Kinuha ko 'to sa condo, naglagay din ako ng ibang stocks sa cab mo." sagot nito at uminit lalo ang aking pisngi. Tumingin ako sa cab at napuno nga ito ng groceries, binuksan ko pa ang ref at may mga dairy milk din 'don.

Punong puno.

"Hindi ka ba nawawalan ng stocks sa condo mo?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. Tiningnan ko ang niluluto niyan sunny side up, and omelet ang niluto niya, may special pan cake pa.

"Hindi uso sa akin 'yon."

Inirapan ko na lang siya.

"Do you have work?"

"Hindi muna, day off na lang kami."

"E 'di magkasama tayo rito?" sabay ngiti.

He continued cooking, while I did nothing and just sat at the dining table. The whole place was quiet, and I watched him in silence. Then I heard Ram's phone ring.

I picked it up and handed it to him.

Tiningnan ko kung sino ang tumatawag, si Karina?

"Who's that?"

"Ewan." sabay irap. Hindi ko alam pero parang may sumipa sa aking sistema, si Karina pa rin hanggang ngayon. Walang special sa kanila pero namumutawi sa akin ang selos sa tuwing naririnig ko ang pangalan na 'yan.

Sinagot naman niya ito.

"Damn, Ram! Why did you take so long to answer my call? What are you doing there?" she asked out of nowhere. Napalunok ako at nakita ko ang naninimbang na tingin ni Ram sa akin at umirap na lang ako.

"Sabihin mo nasa kompanya ka..." bulong ko na lang.

"Uh, nasa kompanya ako." sambit niya na lang. I glared at him, sinabi niya pa talaga? Inis kong ibinato ang masamang tingin sa kaniya, halata naman sa kaniya ang pagtataka. Nakakainis na nakakabwisit.

Magsisinungaling talaga?

"Huh? Nandito ako sa choda, wala ka naman daw? Si Dwight lang ang nandito. Sinabi niya sa akin abala ka na naman sa ibang projects, nag-aalala na ako sa 'yo puro ka na lang trabaho." halata naman ang sinseridad sa boses niya

"Alam mo namang miss na kita." dagdag pa niya.

Dumagundong ang inis ko, natahimik ako lalo. Mukha na naman akong nanliit, ewan ko pero ito ang nararamdaman ko sa tuwing magkausap silang dalawa. Feeling ko walang akong binatbat sa kaniya.

Young Love #1: It's Unexpected Where stories live. Discover now