Chapter 11

20 1 0
                                    

Sagot

"Xyrille..." tawag ni Ivan sa akin. I looked at him and turned my gaze, lumapit siya sa akin at nagulat nang yakapin ako. Hindi ko alam kung magugulat ba ako o ano. "Hinintay kita rito kahapon pa, I know sasama ka sa Kuya Trey mo..." sagot nito sa akin.

Lumipat ang tingin ko kay Ramiro na nag-aayos na ng bagahe, I don't know if naririnig niya 'yung sinasabi ni Ivan.

"Hmmm, yep. Sumama ako kila Kuya Trey. Boring kasi si bahay," sagot ko nalang. Hindi ako magiging bitter dahil lang doon sa nakita ko noon. He smiled at me nang marinig niya ang sagot ko.

Tumingin ako sa likod ng van at nagsibabaan na rin ang iba pang pinsan nila, nagulat ako nang tumingin ang iba sa akin at ngumiti.

"Xy... right?" tanong ng lalaki. They are the real cousin of selguero, naghuhumapaw rin ang presensya nila.

Pinakilala ni Ivan ang iba pang cousin nila dahil hindi ko kabisado pa ang mukha, they are kind too, I think. Madali naman silang makasundo. They have two boys. They are good though, mukhang mayayaman din dahil ofcourse! They are Selguero.

Hindi rin naman ako nagbabase kung mayaman ang gusto kong kaibiganin oo hindi.

"You're from ateneo right? Balita ko madalas kayong nagkikita ni Ramiro..." Floris said at tumango ako.

Ano nga ba ang sasabihin ko? He's courting me kaya nagkikita kami for these past few days.

"Alam mo, sayang lang kasi si Ivan but hindi naman natuloy ang kasal niya kay Bernadett so pwede pa kayo hindi ba?"

"Floris, may barbecue na..." pag-aaya ni Sandy at tumango lamang ito sa akin. Maddeline is serious, hindi ko naman mabasa ang nasa utak niya kaya nangangapa ako. I felt my the hands encircling my waist kaagad naman akong tumingin.

Lumayo ako ng kaunti. That's Ivan. What brought him here? Nararamdaman niya naman sana na hindi na ganun sa dati ang pagsasama namin. Everything is changed, nagbago na rin ako.

"Ramiro, come here... ikaw naman ang magluto ng barbecue! Kuhanin mo 'yung wine natin diyan, Dwight." Utos ni Sandy at tumango na lamang ito habang nilalantakan na rin ang mga pagkain.

"Damn you, Dwight! Hindi pa nga natatapos iluto ang ibang dishes, inuubos na agad! Tinawa ka talaga." Singhal ni Redd at binatukan nito ang kaniyang kapatid.

"Oh, nandito rin pala 'yung kaibigan ni Ramiro?" tanong ni Dwight at kumaway lang si Karina.

"Hello, Karina. Bagay na bagay kayo ni Ram!" someone teased. Pinamulahan naman ng mukha si Karina, ang alam ko ay hindi siya ganito sa iba. Why she is suddenly changed? Masyadong pabebe. Like me.

Hindi talaga ako matitigil kakaoverthink. May isang babae rin na tumulong sa amin, nagulat pa nga ako nang ngumiti ito.

"Who is she?" tanong naman ng isang babae na kasa kasama ni Dwight.

"Kasambahay dito, pinapatulong daw ni yaya Doris." Sagot naman ni Sandy at tumango ang iba.

"What's your name?" tanong ng isa pa.

"Uhmmm... Rory po," sagot niya at tumango naman sila. Siya na ang pinagluto sa kabilang side, I looked at her, she is cute though at ang ganda ganda niya, basta may kakaiba kapag nakatingin ako.

Umiba ako nang tingin at nakita ko si Dwight na nakatitig sa babaeng 'yun, kumunot ang noo ko. What's with him. I think this girl is around 16 to 18. Don't tell me papatusin niya rin 'yon? Gosh, ang likot likot naman ng imagination ko.

"Ang ganda mo naman Rory..." Mavis teased. Nakita ko ang pagsama ng timpla ng mukha ni Dwight dito.

"Why? Nakatulala ka diyan?" tanong ni Jane.

Young Love #1: It's Unexpected Where stories live. Discover now