Chapter 14

20 1 0
                                    

Alpas

Warning: SPG


"Hindi masakit sa singit?" tanong ni Jane. Umirap lang ako habang inaayos ang bikini ko, kanina pa kasi siya nagrereklamo na masakit ang singit niya dahil sa bikining binili niya. Sa akin ay hindi naman hanggang singit, totally sa legs lang siya.

"Ganda naman ng legs mo..."

"Oo made in japan 'yan..."

"Ha dapat blurred!"

"Ano!" suway na tanong ko sa kaniya habang naghahabulan kami sa dagat. Bastos talaga e kahit kailan.

Hindi sumama sila Dwight and Rory, at iba pang kapatid ni Ram na sila Zayden, nandito naman lahat ng pinsan niya pero 'yung babae ni Dwight wala na, umuwi na siya ng Manila dahil nainip na rin.

Ewan ko kung bakit hindi na sila sumama, ang ganda ng view rito ng dagat. Nagbabasaan kami ni Jane nang lumapit si Kuya Trey sa akin at ihagis sa tubig. Basang basa ako.

"Kuya!" sigaw ko. Tawang tawa naman ang mokong, kaya ang ginawa ko ay binasa basa na rin siya. Buti na lang hindi ko pa suot ang cover up lace ko.

Naligo na muna kaming tatlo bago pumanhik sa taas para magtanghalian. I am enjoying the view right now, si Ramiro naman ay nasa loob saglit at nagluluto. Walang katulong ang pinsan nila.

Kaya tumulong na muna sila Ram at Ivan doon, kinuha ko muna ang aking cover up para hindi naman lantad. Si Jane din ay nakasuot na rin non at sabay kaming pumunta sa taas para mananghalian.

Lumapit kaagad ako kay Ramiro na nagpapaypay habang si Karina naman ay nandoon na sa barbeque at tinitira na rin ang ibang pagkain. Topless si Ramiro ngayon kaya kitang kita ko ang hubog ng katawan nito. Ngumisi ako at nakita ko si Karina na patingin tingin sa kaibigan niya.

Lumapit ako kay Ramiro at kunot na tumingin sa akin, ang kaniyang ilong ay may kaunting uling kaya natatawa ako.

"Why are you laughing?" nagtatakang tanong nito. Pinunasan nito ang kaniyang mukha. Bumaba naman ang tingin niya sa akin at umiwas ng tingin nang makita ang kabuuan ko. "Ganyan lang ba ang cover up lace mo? Visible pa rin 'yung bikini mo..." alalang sita nito sa akin.

"I am comfortable wearing this, Ram..."

"Ah ayos lang sa akin, kung komportable ka..." segunda rin naman nito. Medyo lantad nga ang dibdib ko, pero hindi masyadong malaki like Karina. Karina have a good size of boobs sa akin middle lang ang boobies ko.

Tumingin naman ako kay Karina ulit, nagulat ako nang magtanggal ng cover up lace si Karina, napaubo ako at nakita ko ang pagtingin ni Ram sa akin. Karina have a good size of body, I mean a good coca cola body. Grabe rin talaga ang kaibigan ni Ram.

"Ram, do you want to swim?" aya ni Karina sa kaniya at tumingin si Ram sa kaibigan.

"Mamaya na lang ako, kasabay ko si Xyrille." Sagot lang nito, tumingin si Karina sa akin nang may pagtataka.

Hindi ko alam kung matatawa ako, but I find it funny. Sinusubukan ni Karina De Leon na iseduce si Ramiro, I mean maganda naman si Karina. Hindi ko alam kung anong nilaklak ni Ram, bakit hindi siya nagkakagusto sa kaibigan niya?

Halata naman e. Manhid lang si Ram.

"Bakit hindi mo samahan si Karina?" tanong ko lang sa kaniya. Binigay ni Ramiro sa akin ang barbecue na kanina niya pa niluluto. Natatawa ako, ang cute cute kasi niya.

"Ha?"

"Ang sabi ko, inaaya ka ni Karina ron, bakit ayaw mo?" mahinang sagot ko na lang.

"Gusto ko ikaw."

Young Love #1: It's Unexpected Where stories live. Discover now