Chapter 23

13 0 0
                                    

Reak



Sa huli si Zane na ang naghatid sa akin, ayaw din naman nila Kuya Trey. Kahit na lasing sila, sinabihan nila ito na si Zane na lang ang maghahatid, mukha naman silang nakahinga nang maluwag.

"Ang bigat ah," reklamo ni Zane sa akin, ginaya niya ako papuntang kama at nang makahiga ay inayos niya ang aking suot, she removed my stilletos. "Kailan ka pa ba natutong mag-inom? Alam mo naman na dapat iiwas ka sa alchohol, mababa pa naman ang tolerance mo riyan."

"Susunod naman sila rito. Pupunta pa ako sa bar, magmemeet-up lang kami ng dating blockmates ko, nandito naman sila Kuya Ram kaya safe ka rito." inayos niya rin ang kurtina.

"Hindi ka ba magtatagal?" tanong ko.

"Hindi naman, makikipagchismisan lang ako sa kanila, hindi ako iinom ng marami para makauwi ako ng maayos." si Zane at tumango na lang ako. "Matulog ka na, alam kong marami kang nainom..."

Umalis na rin ito at hindi na siya nagtagal, tahimik ang buong condo ko, nasa guestroom ang dalawa at sila Jane at Kuya Trey, maayos naman na nakabalik sa condo ni Kuya Trey. Duon na lang daw sila magpapalipas ng gabi.

At ano namang naisip ni Zane, dito pa talaga nila pinalipas ng gabi ang dalawa.

Kinalikot ko ang phone ko, I receive a lot of message napukaw naman ng tingin ko ang message ni Jaren sa akin, inaaya niya ako night swimming na naman daw. Medyo hindi ako sigurado dahil na rin hectic ang sched ko ngayon.

Gumegewang akong naglakad papuntang kusina, hindi masyadong malaki ang condo ko. Ayos naman siguro sa kanila at komportable sila. Gusto kong kumain muna ng dinner, tapos maligo na.

But my head feels so dizzy now, hindi ko kayang maglakad nang hindi humahawak sa may pader. Muntik pa nga akong mapatid pero may pumulupot sa aking bewang para suportahan ang bigat ko.

Siguro si Ivan ito, imposibleng si Ram.

"Ivan, I'm okay... medyo nahihilo lang ako ng kaunti." bulong ko sa kaniya. Hindi ito nagsalita, walang bumukas na bibig sa amin ng sabihin ko 'yon. Hindi niya ako binitawan hanggang sa kusina na hawak ang ulo ko, masyado yata akong nalasing.

Hindi ko nakontrol ang limit sa pag-inom ko ng alchohol, dapat sinunod ko si Zane na huwag masyadong madami ang inom.

"Palagi mong kasama si Ivan?"

Nanlaki ang mata ko at halos nakita ko ang mukha ng lalaking pinaka-iiwasan ko, at sa lahat pa talaga ng pwedeng humawak sa akin bakit siya pa! Agresibo ko siyang tinulak pero matigas ang katawan niya kaya hindi ako nagtagumpay.

"Dapat natutulog ka na..."

"Nakatulog ako kanina kaya medyo gising ako ngayon..." sagot na lang nito. Iginaya niya ako papuntang kusina, may nilagay siya sa plato ko at ulam ito.

"Nakikialam ka rin ba? Pati gamit ko sa kusina, pinakikialaman mo..." matabang na sagot ko. Hindi niya na lang ako pinansin at nagsasandok na lang ito ng pagkain, ibinigay niya sa akin ito.

Hindi na lang ako nagreklamo, kinain ko na lang iyon para mabilis na akong makaalis sa harapan niya. Namumula ang mukha ko matapos niyang titigan ako, mas lalo akong kinakabahan.

"Kayo na ba? Kaya ba kayo naghahalikan kanina, Xy?" may pait sa tono nito. At ano naman sa kaniya kung nakikipaghalikan ako sa lalaki.

"Hindi naman tayo, kaya ayos lang na makipaghalikan ako sa ibang lalaki."

"Hindi ako pumayag na makipaghiwalay sa 'yo, hindi ako pumayag." matigas na sagot nito sa akin.

"Bakit, nagsasawa ka na ba sa fiancee mo at ako naman ang ginugulo mo ngayon?" natatawang tanong ko na lang. Sabay kain.

Young Love #1: It's Unexpected Where stories live. Discover now