Deny
"Kakayanin mo bang lumaban sa championship?" tanong ni Kuya Trey sa kaniya at bumuntong hininga na lamang ito. "That fucker, pakiramdam ko kasi may balak talaga siyang ganyan, kaya ginawa niya sa 'yo."
"Kakayanin ko pa naman, kaunting pahinga pa siguro 'to."
"Huwag mo na lang pilitin ang sarili mo, kami na lang ang bahala."
"If you want to take revenge, dapat mas hurtful kaysa sa ginawa niya kay Ram," sagot ko at nag-apir naman kami ni Jane.
"Malapit na lang pala bahay ko, hatid niyo na ako gwapings boys."
"Nambola ka pa." Sagot pa ni Kuya Trey.
"Ehe, talaga namang gwapo ka..." ngumuso na lamang ako. Tumingin ako sa bintana, nagulat ako nang may nagtext sa akin. It's unknown number, I dunno. Pinindot ko 'yun at nagtaka, wala naman akong pinagbibigyan ng number ah?
Kanino kaya ito?
"Save my number so that I will contact you." Sabay tingin kay Ram, tumaas naman ang aking kilay sa kaniya.
"Paano mo nalaman number ko?"
"Hmmm... ninakaw ko sa faculty, nag log in ka 'ron kanina so---"
"Jerk."
Ngumisi na lamang ito at halos mamula ako sa inis, trip niya ba talagang inisin ako ngayon? Ewan ko ba, ang dami dami na ngang nanyari sa kaniya, ganyan pa rin at nakuha pa ngang magbiro.
Nagmaniobra si Kuya Trey para maihatid na si Jane dahil kanina pa siya inaantok, kaya inuna na namin siyang ihatid bago si Ram.
"Dito na lang, maglalakad na lang ako.."
"Ihahatid ka na namin dun sa papasok, mahirap na madilim ang daan..." sagot nito at tumango na lang siya. Kinikilig na naman si Jane, hindi niya lang pinapakita pero nararamdaman ko.
"Sus, aminin mo na kasi na nag-aalala ka sa akin oh..." she teased my Kuya kaya napairap naman siya.
"Mahal piyansa, mas mahirap naman humanap ng pera."
"Ang sama!"
Napatawa na lang ako dahil sa pagpapalitan nila nang salita, parang aso't pusa lang eh.
"Oh dito na lang," sagot nito at nagstop si Kuya at itinapat muna sa bahay. Infairness, maganda ang bahay niya like her.
"Ganda ba ng bahay, Trey? Soon tayo na titira rito..." sambit nito at ngumisi pa siya nang nakakaloko.
"Duh! Patulan ka niyan!"
"Oo naman, ikaw ninang, Lola Xy."
"Yuck."
Sumandal na lang ako matapos magpaalam at nagpaalam na rin sila Kuya. Natulog na lang din ako nang makauwi na kami, wala naman akong gagawin ngayon kaya magpapahinga na lang muna siguro. Tommorow is Saturday so I will spend my time in my room.
Ganun lang din naman.
"Baby..." sabay yakap ni Mommy sa akin at kaagad nama akong sumalubong sa kaniya para yumakap din.
I'm excited! Syempre meron na naman akong pasalubong galing sa kaniya, it's pure make ups, I know mommy knows I love that stuff and Daddy knows it too. Hindi naman din siya nagagalit sa amin dahil mabait si Dad lalo na kay Kuya Trey.
"Mom, kailan po ulit balik niyo sa work?"
"I think tommorow, but don't worry we have celebration in company, so dapat kasama ka!"
"Kailan po?"
"Next week, Saturday." Ngumuso ako, hindi ako makakaattend dahil may online class kami nun.
YOU ARE READING
Young Love #1: It's Unexpected
RomantikXyrille Del Montulero is the spoiled daughter of Glendel and Hosefano DM. She has no taste in boys because she was left by her ex-boyfriend. Because of that, she met Evan Ramiro Selguero, and as time passed, he also fell for her. Even if Xyrille doe...