Chapter 29

17 0 0
                                    

Survive

"Kritical ang kalagayan nya ngayon," sagot ni Zane sa akin. "Flor, huwag mong sisihin si Xy dito dahil wala siyang kasalanan! Utang na loob nag-aagaw buhay na si Kuya Ramiro huwag na nating palalain!"

"Siya ang dahilan! Kung ayaw niya si Kuya Ramiro dapat lumayo na siya! Hindi 'yong paasahin niya pa!" sigaw ni Floris.

Umiling na lang ako kasabay nang aking paghikbi, dalawa sila ni Ram and Karina na nag-aagaw buhay ngayon, wala akong alam sa nangyayari sa kanila pero isa lang ang sigurado ako. Ako ang dahilan kung bakit siya nandito sa hospital.

"We don't need to blame her, Flor. Si Karina ang sisihin dito at dapat siya lang!" tanggol ni Zane ngunit umiling ako.

Nagsidatingan na rin sila Sir Vicente at Tita Catherine at iba pang mga tao.

"Kamusta na ang anak ko..." garalgal na tanong ni Maam Cath. Humikbi na lang ako kasabay nang pagyakap sa akin ni Zane.

"Shhhh... wala kang kasalanan, hmmm?" alo ni Zane sa akin ngunit mas lalo lang akong napaiyak. Lugmok ako ngayon habang padagdag nang padagdag ang mga tao sa paligid, at inaalo ni Zane ngayon.

"Anong nangyari sa kaniya?" tanong ulit ni Tita Cath. "W-why are you all crying! Walang mangyayaring masama sa anak ko!" sigaw nito sa amin. Umiling na lang ito at nagpumilit na pumasok sa operating room pero pinagbawalan na ito nang iba pang mga doktor.

"Karina..." tawag nang isa sa mga magulang niya.

Halos nagkagulo gulo kaming lahat sa labas, may mga umiiyak at nagsisigawan habang ako tahimik lang.

"Walang ibang sisisihin dito kung hindi itong babaeng 'yan!" sigaw ng Mommy ni Karina. HIndi ako makapagsalita at napayuko ako. "Kung hindi mo inaagaw sa anak ko ang karapatang mahalin hindi sana mangyayari 'to!"

"No, you shut up! Si Karina lang naman ang may gawa nito sa anak ko! Huwag mo siyang idamay Dani!" laban ni Tita Cath.

"Sa oras na may mangyari sa anak ko, idedemanda ko kayo!" sigaw pa nito. Humihikbi akong nakatingin habang patuloy ang pag-agos ng luha ko sa aking pisngi, garalgal akong tumingin sa kanila.

"Magpahinga ka na muna, Xy. Kailangan mo nang lakas..."

"Bakit nandito pa 'yan? Paalisin niyo 'yan!" asik ni Floris. Umawat naman sila Sandy at Tyson sa amin nang akmang susugod ito.

"Flor, that's enough..."

"No! You shut it up, Kuya Ty!" sigaw nito sa kaniya dinuro niya ito at hindi na ito nakapagsalita. "Alam nating lahat ang nangyayari kay Kuya Ram pero wala tayong reklamo ron pero sana naman kahit ngayon lang..."

"Flor, Kuya Ram wants that." sambit ni Dwight.

Humikbi si Flor nang kuhanin ni Sandy ang braso niya. Kinalas niya naman nag pagkakahawak sa kaniyang braso at nagwalk out na lang ito. Bumuntong hininga na lang sila.

"Stress na rin kasi 'yon dahil sa dami nang problema niya, Xy. Pagpasensyahan mo na lang..." sabay ngiti ni Dwight sa akin at ngumiti na lang ako at tumango. "Masyado kasing spoiled 'yan kay Kuya kaya 'yan sinanay niya."

Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Floris ngayon, lalo pa't mahal na mahal niya ang Kuya Ram niya.

"It's okay, hihintayin ko na lang siyang magising..." sambit ko sabay ngiti. Pasado alas-dos nandito pa rin kami habang hininhintay ang update sa amin nang doctor kung ano ang lagay niya.

"Maam, Sir. Ligtas na ho ang pasyente..."

"Oh God, salamat..." nabuhayan din ako non dahil na rin ligtas siya. Ngumiti na lang ako at napabuntong hininga.

Young Love #1: It's Unexpected Where stories live. Discover now