Why do you hate boys?
"Nineteen ka na, hindi ka pa rin pwede mag bf?" curious na tanong ni Jane sa akin. Ngumuso ako, may bf ako pero nasa malayo eh. Di ko alam kung break na ba kami, pero babalik naman siya.
"Hindi ako pwede, tyaka study first muna..." sabay higop ng iced coffee.
"Teh, pwede naman pagsabayin ang landi at pag aaral eh."
"Ayoko pa muna, hintayin ko na lang muna siya bago ako lumandi..." sabay inom. Hindi na rin naman ako nagtagal at umalis na, hindi naman din ako mahilig lumabas labas, aalukim nila ako ng kape sa labas duon lang ako mauuto tapos pag naubos balik ulit.
Habang inaayos ko naman ang bag ko, muntikan ko pang makalimutang magsalamin. Hello, ayokong magmukhang haggard kapag nakita ako ng mga tao hano.
Maarte na kung maarte.
Iyon naman ang moto ko, maganda naman ako, sexy, maputi, at iyon nga lang mid ang talino ko at higit sa lahat mabait in different ways nga lang. Siyempre hindi mawawala ag pagiging maarte ko, minsan kasi napupuna na rin ako bakit daw ang arte ko.
Ayoko kasi maging dugyot everyday.
Next month, bakasyon na. Malapit na akong mag second year college! Makakapagshopping na rin hayst!
Pagkadating ko sa bahay ay wala na naman sila mommy and daddy. Nandon na naman sa business trip nila, always naman ganun at wala namabg nagbago.
Si Kuya Trey naman, minsan lang umuuwi dahil may condo siya kaya nandito na lang ako sa bahay, minsan naman binubully ko 'yung girl bestfriend kuno ni Kuya na dito na rin nagtatrabaho. Oo mabait siya pero iba kasi 'yung kutob ko.
Mataray ako, pero mabait naman.
"Yaya Loris, pahanda na lang nung dinner natin, sabay na po kayo kumain." pautos ko.
"Sige maam.."
"Padagdag din po pala ng coffee ko, you know naman po na favorite ko ang kape."
"Yes maam."
This is my routine everyday, minsan lang lumabas kapag magjojogging lang. Ayaw ko kasi nang exposure ng tao, iyon at iyon lang naman ang maririnig ko sa kanila. Na maarte ako, eh totoo naman.
"Maam, hindi po ba kayo maglalagay ng sugar?"
"No just milk lang po tas coffee," sagot ko naman sabay ngiti.
Nag open naman ako ng social media, I just posted my selfies in my instagram, 2k na rin ang likes niya, it's just 2minutes huh? Cute selfies lang naman, hindi naman bikini. Sa susunod na lang kapag pinayagan na ako ng OA kong Kuya Trey.
May nag comment din sa selfies ko, si Drey na kaibigan ni Jane. Type niya yata ako, pero sorry. Hindi ko type 'yun, mukhang dugyot.
Hindi na rin naman ako nagtagala t natulog na lang, wala naman din akong magagawa kaya hindi ko na lang inistress ang sarili ko. Pagkagising ko, nag ayos na lang ng sarili at umalis na. Sa cafeteria na lang ako mag aalmusal.
May chocolates din dun.
"Kuya Henry, dito na lang po thank you so much po!" sagot ko sabay alis na. Hindi na rin ako nagtagal at kumain na lang, this is life of being single. Wala man lang kalampungan, akala naman ng sarili ko na experience ko na 'to bago pa mawala si Ivan.
Naputol na kasi communication namin simula nuon at hindi na nagparamdam, ngayon lang din hinahanap hanap ko ang buhay na may boyfriend.
Mabait siya, pero ngayon kaya? may girlfriend na kaya siya? ako kasi wala pa dahil nagbabakasakali na sana bumalik na siya. Paglabas ng canteen ay hindi ko namalayan na nabunggo na pala ako.
YOU ARE READING
Young Love #1: It's Unexpected
Storie d'amoreXyrille Del Montulero is the spoiled daughter of Glendel and Hosefano DM. She has no taste in boys because she was left by her ex-boyfriend. Because of that, she met Evan Ramiro Selguero, and as time passed, he also fell for her. Even if Xyrille doe...