Chapter 25

23 1 0
                                    

Wala sa choice

"What do you want to discuss?" tipid na tanong ko sa kaniya. Tumingin ito sa akin, hindi ako nagpatalo at tumingin din sa kaniya. I even crossed my arms while him his face is full of annoyment.

Naiinis ako.

"About my offer? Wala pa nga tayong contrata, kailangan non para may ebidensya."

"Kailangan pa ba 'non?" pwede naman kahit wala na. Pero naalala ko nga pala na seryoso si Ram sa buhay, kailangan lahat may patunay. Hindi ko alam kung nanggagago lang siya o baka gusto niya talaga ng kontrata.

"You know me, Xyrille. Hindi ako pwedeng makipagkasundo ng walang contrata." his smiled more. Prente pa itong umupo at sumandal sa upuan, nakacrossed din ang braso niya. Inayos ko na lang ang aking pwesto.

"Iyan lang ba ang pinunta mo rito?"

"Syempre hindi. Tiningnan ko lang ang ambiance ng lugar." sagot pa nito, umirap na lang ako.

"O baka sinadya mo lang pumunta rito para makita ako, Mr. Selguero." asik ko sa kaniya at mas lalo itong natawa puno naman ng sarkastiko ang tawa niya.

"Grabe ah, pumunta ako rito para makipagkasundo." laban niya pa. Gusto ko siyang suplakin, pare-parehas sila! Akala ko graduate na siya sa pagiging immature. Ganon pa rin, mas malala pa yata siya kay Kuya Trey.

"Imposibleng aksidente lahat ng 'to, pati nga sa pagiging kapitbahay mo ko ginawa mo na rin yata. Hindi ko alam na ganito ka pa rin pala... hindi ka pa rin ba nakamove on? Ako kasi totally moved on na."

Nanatili itong tahimik.

"Kaya kung pakkipagnegotiate lang..." kinuha ko ang sticky notes ko sa bag at sinulat ko ang number ko at ibinaba sa lamesa. "Tawagan mo na lang 'yan, pwede tayong mag-usap sa phone, hindi naman ako busy minsan."

Kinuha niya ang notes at tiningnan ko kung kukunin niya ba.

Pero nagulat ako nang pilasin niya ito. Ngumisi lamang ito at ibinigay sa akin ang pira-pirasong papel na pinunit niya kanina lang. Nanatili akong tigagal dahil sa nangyayari ngayon. Tinikom ko ang aking kamao, gusto kong sungalngalin itong papel sa kaniya at palabasin pero mabait ako kaya hindi ko gagawin 'yon.

"I don't want to call you, gusto ko harapan." nilapit nito ang kaniyang mukha sa akin. "Hindi ko gustong hilingin na sana hindi na lang ako nag-offer sa 'yo, pero kung ayaw mo naman. Then fine, madali akong kausap."

Nanlaban ang tingin ko.

"Kung ganoon, wala na pala tayong pag-uusapan? Pwede na ba akong umalis? Marami pa akong trabaho rito." mawalang galang na sambit ko at nagngiting aso lang siya sa akin at parang nanunuya pa.

Nambubwisit na naman siya.

"And hindi ibig sabihin, wala na agad."

Damn! Wala na bang ibang pupuntahan itong usapan namin? Puro trabaho na lang! Umirap na lang ako at nangingisi siyang umayos ng upo habang nakacrosslegs pa ito, nanghingi siya ng isang tasang kape binigyan naman ni Etel.

Hindi man lang hinintay na alukin.

At kung sa usapan lang naman ng trabaho, ayos lang din naman sa akin. Wala na 'yong ibang pag-uusapan puro walang katuturan din naman. Ano bang gusto kong mangyari? Mag-usap kami ng tungkol sa amin, for god sake! Meron ng fiancee ang lalaki.

Hindi ko hiniling na maging third party kahit gustong gusto ko siya noon! May dignidad ako at kayang kaya kong lumugar, hindi na ako kailangang paalisin pa.

"Kamusta ang trabaho?" tanong ni Jane sa akin.

"Kung trabaho lang ang tatanungin mo, hindi maayos ang benta. Ganon pa rin." sagot ko sa kaniya habang naghuhubad ng stilletos ko, nagshower na ako at after ay nagskin care, sinuot ko na lang ang sando ni Jane na nakalagay sa drawer ko.

Young Love #1: It's Unexpected Where stories live. Discover now