Chapter 06

27 1 0
                                    

Kiss

"Are you sure, you okay?" alalang tanong ni Kuya Trey sa akin at tumango na lamang ako sa kanila. Lumapit si Jane sa akin at niyakap ako, hindi ko na rin mapigilan ang aking luha at kusa na itong tumulo.

"It's okay... marami pa namang ibang lalaki diyan," pag-aalo sa akin ni Jane.

"Jane..."

"I will talk to him once na may vacant time siya," sagot naman ni Kuya Trey at umiling na lamang ako sa kaniya.

"Matutulog na ako Kuya..." paalam ko at humiga na lang.

That's my fucking whole week, nakahilata lang sa kwarto ko, kung hindi pa ako bibigyan ng pagkain ni Kuya Trey hindi rin naman ako kakain. And nagdecide na rin ako na magmove kay Ivan. Wala naman na akong magagawa kung ganun naman talaga, right?

Nagsunog na rin ako ng picture kasama siya, ibinaba ko na rin ang lahat at nakita ko pa sila Ram and Kuya Trey na nag-ML sa sofa. Umirap na lamang ako sa kanila at deretso na lang bumaba.

"You forgot your lunch again, Xy." Babala ni Kuya Trey at tumango ako. I avoid my gaze to them at nagpatuloy sa pag-akyat.

"Hindi naman ako mamamatay sa simpleng hindi lang pagkain," sagot ko agad at kaagad namang tumayo si Kuya Trey. I know, Kuya Trey. Iba rin kasi siya magalit compare sa mom and dad. Tumingin ulit ako sa kanila. Lumapit si Kuya Trey sa akin at hinila ang kamay ko papuntang kitchen.

"Kumain ka," sagot nito at hindi na lang din ako nakapalag nang lagyan ng plates sa harapan ko. Ngumuso na lamang ako.

"Oh, gusto mo pa ba subuan kita?" umiling ako. "Kain na."

"Wala akong gana kuya," I pouted. Umiling na lamang ito at ngumuso na lang ako.

"Ang pangit mo na, sa tingin mo babalik 'yun sa 'yo? Kamukha mo na si chuckie."

"It's not funny!"

"Oh eh hindi naman ako nagpapatawa, Ram. Look at her, kamukha niya na si chuckie 'di ba?" tanong niya at natatawa naman si Ram sa tanong niya.

"Don't make funny of me! Palibhasa gurang na kayo!" I fired back. Natahimik naman sila dahil naoffend sa sinabi ko at hinila na lang ni Kuya Trey ang aking buhok.

"Atleast hindi kami nagiging tanga," sagot ni Kuya at lumapit ako sa kaniya at sinapaksapak siya. Si Ramiro naman ay tawa nang tawa dahil naiinis na naman ako. Magkaibigan nga kayo! Nakakainis, may condo naman kasi si Kuya Trey bakit hindi sila magstay 'dun!

Bumalik na lang ako sa hapag, nang marinig kong panay mura si Kuya and Ram.

"Tanga naman ito, sabi ko lord e." sabay kamot ni Ramiro.

"Tangina naman, lose streak na naman! May balat ka ba sa pwet?" si Kuya.

"Ikaw yata may balat sa pwet, talo na naman ako..." Ram said. Masarap naman ang sinigang na niluto ni Kuya Trey kaya naparami na ako ng kain. Inisip ko tuloy kung anong naramdaman ni Jane nung hindi ako nakikipag-usap sa kaniya.

I suddenly felt guilty.

"Kuya, ikaw nagluto nito?" tanong ko.

"Masarap ba?"

Tumango ako.

"Hindi ako si Ram." Tumingin si Ram habang pumipindot ng cellphone niya, ngumiti naman ito nang parang tanga.

"Masarap ba? Ako nagluto niyan e."

"It's not masarap, matabang and kulang nga sa asim." Sabay pa silang natawa nang bawiin ko ang sinabi ko, itunuon ko na lang ang sarili ko sa pagkain ng sinigang kaysa naman mainis ako sa kanila, ang aga aga eh.

Young Love #1: It's Unexpected Where stories live. Discover now