Chapter 4

36 3 0
                                    

SI GABRIEL ay perpektong patunay sa depinisyong tall, dark and handsome.

Bagay sa kaniya ang suot na button-up shirt na may kasamang vest, jeans at boots- giving him a cowboy vibe na akma sa personality nito bilang may-ari ng rantsong kinaroroonan niya ngayon. Kung ang pisikal na anyo nito ang kaniyang pagbabasehan ay wala siyang pagdadalawang-isip. He is really likeable. Iyong tipong mapapalingon ka If you happen to cross paths with him. O 'di kaya ay hindi ka magsasawang titigan ang mukha nito sa buong maghapon.

Tingin niya ay ito ang most attractive man na nakilala niya sa buong buhay. Bukod pa'y mabait din ito, maginoo at mabilis makagaanan ng loob. Usually ay nahihiya siyang makipag-usap sa opposite sex lalo na kung bagong kakilala, pero pagdating kay Gabriel ay tila nagbago ang lahat. She can easily joke around him, and she can laugh comfortably with Gabriel.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang ngiting nais kumawala. Nauna siyang magbawi ng tingin at naagaw ang kaniyang atensyon ng kumikislap na mga luntiang damo dahil sa sinag ng araw na natatanaw niya sa labas mula sa nakabukas na pintuan.

"Kamusta naman ang buhay dito sa rancho?" pagkuwa'y naisipan niyang itanong.

Si Gabriel ay napatukod ng mga kamay sa kitchen Island. "Simple't maayos, pero mahirap din dahil sa dami ng trabahong kailangan gawin. Tulad na lang ng pagpapastol at pag-aalaga ng mga kabayo."

Napatango siya ng ulo kasunod ng muling paglingon niya rito. Sa totoo'y hindi naman nito kailangan pang e-justify kung gaano kahirap ang trabaho sa rancho dahil nakikita naman iyon ni Eleonor sa hitsura ni Gabriel. Sapat nang ebidensya ang bawat guhit sa noo nito sa tuwing magtataas at magtatagpo ang kaniyang mga kilay, ang kulay ng balat nito na sa wari niya ay nabilad sa araw, ang mga kalyo nito sa kamay. Lahat iyon ay patunay ng kaniyang hirap at pagpapagal na siyang lubos na hinahangaan ni Eleonor dahil sa kabila noon ay nababakas niya ang fulfillment sa anyo ni Gabriel na siyang nais niyang maranasan at makamtan din pagdating ng araw.

"Ilang mga kabayo ba ang narito sa rancho?"

"Noon ay isa lang. Pero ngayon ay umabot na sa dalawampu ang bilang."

Napasinghap siya sa pagkamangha. "That's a lot! How do you manage to take care all of them?" kuryusong tanong niya na hindi naman napagtuunan ng malalim na pansin nang mula naman sa isang dako ay natanaw niya ang isang kulay chestnut na kabayo.

"Sa iyo rin ba ang kabayong iyon?" nakuha niyang itanong. Magkaiba kasi ito roon sa kabayong kasama ni Gabriel nang magkita sila sa gubat kahapon.

"Ah, oo. Gusto mo bang subukang sakyan?"

Mabilis siyang lumingon dito at parang hindi makapaniwala sa narinig na sinabi. "S-Sigurado ka? Pero hindi ako marunong."

Ngumisi naman si Gabriel. "Walang problema! Aalalayan kita. Kung gusto mo turuan na rin kita kung paano mangabayo."

"T-Talaga?" nakangiti na ring tanong niya at bakas ang pagkasabik sa kaniyang hitsura. Ito ang unang beses na pag-aaralan niya kung paano sumakay ng kabayo. Matagal na niyang nais matuto kung hindi lamang iyon hinaharangan ng kaniyang papa sa takot nitong siya ay madisgrasya.

Mas lalo pa siyang nagalak nang tumango si Gabriel at pagkatapos ay kinuha ang kamay niya at hinila siya sa labas.

DAHAN-DAHAN at puno ng pag-iingat siyang lumapit sa kabayo. Ayaw niyang gumawa ng isang bagay na maaari nitong ikagulat at maging dahilan upang ito ay magwala. Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ng kaniyang labi nang magawa niya itong hawakan. Hinimas niya ang bandang leeg nito.

"Anong pangalan niya?" baling na tanong niya kay Gabriel na kasalukuyang tinatanggal ang pagkakagapos ng tali ng kabayo mula sa kahoy na bakod.

"Siya si Rusty," lingon naman nitong sagot.

Heredera Series: Langit Sa Piling MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon