Chpater 10

39 4 0
                                    

TUMULOY sila sa mall at sa isang fast food chain doon ay kumain sila. Umorder siya ng fried chicken, isang cup ng rice at may kasama na iyong inumin at french fries. Si Gabriel ay ganoon din, iyon nga lang ay imbes na fries, burger ang kinuha nito.

Panay ang subo niya at hindi niya napapansin ang parang natutuwang panonood sa kaniya ni Gabriel habang tinutusok niya ng gamit na tinidor ang french fries. Hanggang sa narinig niya ang mahina nitong tawa na siyang nagpaangat ng tingin niya rito.

"Why?" kunot agad ang noo niyang tanong.

"Wala," iiling-iling naman ang ulo ni Gabriel na sagot at pasimpleng uminon ng sarili nitong inumin.

Pabiro niya itong inirapan. "Come on, sabihin mo na sa akin. Imposibleng walang dahilan ang iyong pagtawa."

Hindi naman ito abnormal o baliw sa paningin niya para tumawa na lang bigla ng walang dahilan. Kaya niya ito pinilit. Pero si Gabriel ay nakangiting naningkit ang mga mata at tila tinatansya siya.

"Talagang ganyan ka kumain ng french fries? Tinitinidor mo?" nagawa nitong itanong.

Sa pagkakataon ito ay si Eleonor ang napakunot ng noo. "Yeah," tumatangong aniya. "I enjoyed eating mg fries this way. Bakit? Mali ba ang paraan ko nang pagkain?" inosente niyang tanong.

"Hindi. Hindi naman. Medyo nanibago lang ako kasi ngayon lang ako nakakita ng tinitinidor ang french fries. Ako kasi kinakamay ko lang," sabi nito.

"Oh!" nasabi niya.

Napangisi naman agad si Gabriel nang bitawan niya ang tinidor dahil gusto niya ay hindi ito manibago o mailang. Kaya imbes na tinidurin niya ang fries ay sumubo siya nito gamit lamang ang kamay niya. Hindi niya alam kung ano ang ipinagkaiba noon ngunit tingin niya ay mas naeenjoy niya ang ganitong paraan habang nakangiti sa kaniya si Gabriel at tila tuwang-tuwa sa panonood sa kaniya.

Nang matapos silang kumain ay namasyal sila sa mall. Tapos naalala niya ang pinag-usapan nila ni Lope tungkol sa nalalapit na kaarawan ni Gabriel. Sa susunod na araw na iyon kaya naisipan niyang hilahin ito sa isang boutique. Nagtataka man ay walang tanong na nagpahila naman si Gabriel. Nakasunod lamang ito sa kaniya at pinanood ang pamimili niya ng damit.

"How about this one? Bagay ba sa akin?" itinapat niya sa katawan ang kulay asul na bestida tapos ay ipinakita kay Gabriel. Nga lang lumukot ang mukha nito sabay pag-iling ng ulo na tila sinasabing hindi.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya at bagsak ang balikat na ibinalik ang bestida. Tipo pa naman sana niya iyong suotin sa kaarawan nito pero hindi nito iyon nagustuhan. Gustuhin man sana niyang maging maayos ang hitsura niya para sa araw na iyon ay tila sumusuko na siya ngayon dahil hindi naman niya alam kung ano ang mga tipo ni Gabriel.

"Eli. Ito subukan mo," tawag nito at ipinakita ang puting bestida. Ito na rin ang mismo ang nagtapat ng damit sa kaniyang katawan upang tingnan kung bagay sa kaniya at kung kasya ba.

"Oh! Bagay na bagay sa iyo," malawak ang ngiting anas nito sabay taas ng tingin sa kaniya dahilan upang magtama ang kanilang mga mata. At tila sa maikling sandali ay sa kanila lamang umikot ang oras hanggang sa naunang umiwas ng tingin si Eleonor at kinuha ang damit mula kay Gabriel.

"Kukunin ko na ito."

Mabilis siyang tumalikod at naglakad patungo sa counter. "Magandang araw po ma'am."

"Magandang araw. Kukunin ko ito," kausap niya sa kahera.

"499 po ma'am."

"Ako na ang magbabayad miss," anas ni Gabriel mula sa likod niya. Akma pa lang siyang tatanggi pero mabilis na nitong inabot ang bayad sa kahera. Matapos niyon ay ibinigay nito sa kaniya ang paper bag at sabay na silang lumabas ng boutique.

"Salamat, pero hindi naman kailangan pang ikaw ang magbayad nito Gabriel. May naipon naman na akong pera mula sa pagtatrabaho ko roon sa rantso," sabi niya.

"Huwag mo nang intindihin. Ayos lang sa akin."

"Pero kasi nakakahiya na," sabi pa niya. "Babayaran na lang kita,"

"Bahala ka kung gusto mong ipilit. Pero hindi ko tatanggapin ang perang ibabayad mo."

Napamaang si Eleonor. Ang mga kilay niya ay halos magdikit dahil sa pagkakakunot ng kaniyang noo dahil sa narinig niyang sinabi ni Gabriel. Kung ganoon, ano ang gutso nitong kabayaran sa halip na pera? Hindi kaya ay ang katawan niya ang nais nitong kabayaran?

Mariin siyang napalunok at bahagyang napaatras na siyang ikinanuot ng noo ni Gabriel. Ang hindi niya alam ay nabasa na nito ang kaniyang iniisip. Pero bago pa man nito malinaw sa kaniya lahat ay nauna naman siyang magsalita.

"A-Ano ang–?" naroon ang pag-aalangan sa boses niyang tanong. Pero bago pa man iyon ay kaagad na itong pinutol ni Gabriel.

"Gusto kong makitang suot mo ang damit na iyan sa aking kaarawan."

Hindi niya alam kung saan nanggaling ang awtoridad sa boses ni Gabriel pero natagpuan niya ang sariling tumatango. Ganoonpaman ay iyon naman talaga ang plano niya kaya walang dahilan upang tanggihan niya ito.

"S-Sige," sa likod ng isip niya ay sinaway niya ang sarili dahil sa pagkautal. "But hrace yourself dahil baka magulat ka sa hitsura ko."

Isang multo ng ngisi ang gumuhit sa labi ni Gabriel bago nito iyon basain ng laway at tinitigan si Eleonor nang may nangungusap na mga mata.

"Gusto ka 'yan. Gulatin mo ako Eleonor. Pahangain mo ako," sabi nito sa tila namamaos na tinig.






Itutuloy...

Heredera Series: Langit Sa Piling MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon