"MAS MABUTING pumasok ka na sa loob Senyorita Eleonor. Hindi makabubuti para sa inyo na lumagi nang matagal dito sa labas."
Nasa may veranda siya. Ang kaniyang kulay brunette na buhok ay nililipad ng malamig at sariwang hangin. May bahid ng lungkot at pangungulila ang mga mata niyang tinatanaw ang malawak na lupain ng Hacienda Costello na matatagpuan sa isang nayon sa lalawigan ng Cebu. Napapalibutan ito ng mga burol at bundok, mga luntiang halaman at makukulay na mga bulaklak. Hindi magtatagal ay mapapasakanya ang lahat ng yaman ng kanilang pamilya. Inaasahang siya ang susunod na mamamahala sa kanilang hacienda pati na sa iba pang mga lupain at ari-arian ng kanilang pamilya bilang nag-iisang heredera. Hindi iyon minsan mang nawala sa kaniyang isipan sapagkat madalas iyong sinasambit sa kaniya ng kaniyang papa na si Don Miguel Costello.
Mababa ang loob at may pang-unawa na nilingon niya ang kaniyang lead bodyguard. "Sandali na lamang, Cris."
Malapit sa puso niya ang hacienda. Mahal niya ang lugar na ito. Dito siya lumaki at nagkaisip. Kung mayroon mang lugar na pakiramdam niya ay ligtas siya ay dito iyon sa Hacienda Costello. But lately she felt suffocated. Pakiramdam niya ay umiikot na lamang ang kaniyang buhay sa loob ng isang malaki at gintong hawla na nagkukulong sa kaniya.
Kaya aanhin niya ang lahat ng makukuhang kayamanan kung hindi rin siya tunay na maligaya?
Mayaman nga siya pero hindi malaya.
Napabuga na lang siya ng hangin nang makita mula sa kinaroroon niya ang mga nagkalat na mga tauhan ng kaniyang papa upang bantayan siya. Lampas sa sampu ka-tao ang itinalaga nito upang maging personal niyang bodyguards.
Ang papa niyang si Don Miguel ay istrikto at masyadong mahigpit sa kaniya kahit noon pa mang namamalagi siya sa España para sa kaniyang edukasyon. Palaging nakasunod ang mga tauhan nito at ang kababata niyang si Rafael, na siya ring inaanak nito ay bantay-sarado siya. Ito ang naging mata at tainga ng Don habang siya ay nasa malayo. At malamang dahil doon ay wala siyang naging kaibigan sapagkat naging mailap sa kaniya ang lahat at itinuri siyang kakaiba.
Noong nagtapos siya ay masaya siyang umuwi pabalik ng hacienda dahil sa pag-aakalang mamumuhay siya nang normal at malaya subalit mas matindi pa pala ang dadanasin niya. Mas lalong naging mahigpit sa kaniya si Don Miguel ngayong nasa puder siya nito. Alam niyang nais lamang ng Don na maging maingat at tiyak ang kaligtasan niya dahil ayaw nitong matulad siya sa mapait na sinapit ng kaniyang nasirang mama na si Donya Lucia.
Isang aksidente ang nangyari na siyang kumitil sa buhay nito subalit mas pinaniniwalaan ng lahat na sinadyang patayin ng mga kalaban ni Don Miguel sa negosyo ang esposa dahil nais nila siyang pabagsakin.
Lubos man niyang nauunawaan ang malalim na dahilan nito, ngunit ang lahat ng ito ay pinangyayaring makaramdam siya ng pagkasakal.
At ngayon ay nais niyang makawala mula sa parang tanikalang nakagapos sa kaniya. She need a break. To breath. To have freedom.
Batid niyang may mas higit pang naghihintay sa kaniya sa labas kaysa marangyang buhay.
Mabilis na naging alerto si Cris nang siya ay tumayo at lumabas ng veranda. Hindi niya ito binalingan ng lingon kahit pa malinaw niya itong nariring na tinatawag siya.
"Senyorita Eleonor! Saan mo balak na magtungo?" Hinawakan pa nito ang siko niya upang pigilan siya.
"Gusto ko lang makalanghap ng hangin sa hardin," rason niya para pabayaan na lamang siya nito.
"Kung ganoon ay sasamahan kita."
Sunod-sunod ang pag-iling na ginawa niya. "Huwag na. I want some time alone, Cris."
"Pero labag iyan sa utos ni Don Miguel. Mahigpit na ipinagbabawal ng iyong papa na huwag kang hayaang lumabas ng mansion nang mag-isa."
"Pero ang hardin ay nasa loob lang ng hacienda. Sino ang maglalakas-loob na gawan ako ng masama?" pinilit niyang ikubli ang pagkairita pero lumabas iyon sa tono ng kaniyang pananalita ngunit parang balewala naman iyon sa kausap.
"Magpapatawag ako ng dagdag na tao para magbantay sa palibot," mariin at walang halong biro nitong sabi pagkatapos ay iniradyo nito sa iba pang kasamahan ang gagawin.
Wala siyang nagawa kung hindi ang hayaan ito. Hindi niya ito magagawang pigilan. Kahit anong gawin o sabihin niya ay hindi ito makikinig sa kaniya. Kahit maglumpasay pa siya sa harapan nito. Ang katapatan ng mga bodyguards niyang sakit sa ulo ay nakaalay lamang sa kaniyang papa. They are loyal as dog to Don Miguel Costello.
Pero hindi niya rin hahayaan na maudlot ang balak niyang pagtakas ngayon. She's been longing for freedom for so long. And she already planned her escape.
It is now or never!
Bagaman ay kinakabahan siya sa binabalak ay nagpatuloy siya sa paglalakad-lakad. Normal lang siyang umaakto at nakikiramdam dahil alam niyang nasa paligid lamang ang kaniyang bodyguards.
Sandali pa ay napansin niyang nalingat ang sumusunod sa kaniya kaya kinuha niya iyong pagkakataon na tumakbo. She run fast towards the labyrinth.
"Nawawala si Senyorita Eleonor!" narinig niyang sigaw nito pagkatapos ay ang sunud-sunod at mabibilis na yapak ng mga paa na wari niya ay mga tumatakbo. Alam niyang naalarma na ang mga ito at ngayon ay nagsisimula na silang hanapin siya.
Binuksan niya ang sekretong daan patungo sa gubat na siya lang ang nakakaalam. Natagpuan niya ito nang minsan siyang nagliwaliw kasama si Cris. Alam niyang hindi ito nakita ng lalaki dahil normal siyang kumikilos sa kabila ng matinding emosyon na nararamdam niya noong araw na iyon.
Nagpatuloy siya sa pagtakbo sa loob ng gubat. Her heart pounding with adrenaline as she navigates through the lush foliage. She glances over her shoulder, at nakita niya ang kaniyang bodyguarda na patuloy siyang hinahabol. Nag-alab ang determinasyon niyang mas madaliin ang pagkilos.
"Ayon siya!" nanlalaki ang kaniyang mga matang muling nilingon ang mga bodyguards niyang patuloy na humahabol sa kaniya.
"Habulin natin!" patuloy sila sa pagtawag sa kaniya, sumisigaw na tumigil siya.
Pero hindi niya ginawa. Bagkus ay itinago niya ang sarili sa likod ng isang malaking puno, disappearing from their sight momentarily. Her bodyguards follow closely behind, their voices echoing through the forest as they call out her name. Abot-abot ang pagtahip ng kaba sa dibdib niya na animo'y nakikipaghabulan siya kay kamatayan.
Malapit sa kaniyang pinagtataguan ay may nakita siyang makakapal na tumpok ng mga damo at halaman at sa mabilis na sandali ay nakagawa siya ng walang-alinlangang desisyon.
Tumalon siya roon upang magtago. Ang matatalim na damo at matutulis na sanga ay sumusugat sa kaniyang balat habang patuloy niyang isinisiksik ang sarili. Hanggang sa lumusot siya sa kabilang bahagi nito.
Sa kabilang banda ay nagpapalitan ng nag-aalalang tingin si Cris at ang mga kasamahan nito na hapong-hapong sa paghabol at paghahanap kay Eleonor.
"Huwag kayong tumigil hangga't hindi natin nakikita si Senyorita Eleonor. Sigurado akong hindi pa siya nakakalayo rito."
"Mahahanap natin siya kahit anong mangyari," paniniguro ng isa pa.
"Maghiwa-hiwalay tayo."
Itutuloy...
![](https://img.wattpad.com/cover/362870025-288-k308497.jpg)
BINABASA MO ANG
Heredera Series: Langit Sa Piling Mo
RomantizmEleonor Costello had everything in life. As the sole proprietor of Hacienda Costello she is expected to take over her family estate and continue her family's legacy of wealth and power. Kaya lubos siyang iniingatan ng kaniyang papa at nagtalaga ito...