NAKAUWI na ang mga bata nang magdesisyon si Eleonor na ligpitin ang mga kagamitang ginamit nila sa pag-gawa ng obra. Ang mga iginuhit nila'y ipanabaon niya sa mga ito. Isa-isa niyang isinalansang sa maliit na kahon ang mga lapis at krayola. Nang matapos siyang mag-ayos ay inilibot niya ang paningin upang masigurong wala siyang nakalimutan. Ngumiti siya nang makitang maayos na ang lahat.
Tumalikod na siya at hindi niya inaasahan ang pagkakauntog ng kaniyang noo sa dibdib ng kung sino. Sapo ang nasaktang parte ay napaatras siya at muntik pang mawalan ng balanse na kung hindi dahil sa mga kamay nitong humawak sa magkabilang braso niya ay tiyak niyang matutumba siya.
"Sorry. Nagulat yata kita."
"Gabriel?" anas niya nang mapagsino ito.
"Nasaktan ka ba?" mahina subalit sinserong tanong nito na ang mga tingin ay nasa noo niya. At hindi niya naiwasan ang mabilis na paglatay ng kuryente sa kaniyang katawan nang himasin nito ang namumula niyang noo.
"I-I'm okay," tipid siyang ngumiti at hindi niya ipinahalata ang pag-iwas na ginawa. Kailangan sapagkat hindi niya nakakayanan ang bigat ng mga titig nito na para bang ano mang oras ay gigiba sa kaniyang dibdib ang malakas na pagtibok ng kaniyang puso.
Hindi naman siya ganito katensyodo dati sa tuwing nasa paligid si Gabriel ngunit bakit tila ngayon ay hindi niya alam kung ano ang gagawin? Kahit kasi wala naman na siyang aayusin sa mga gamit roon ay nagkunwari pa siyang abala sa pag-aayos para lang iwasan ang lalaki. Kung sana lang ay hindi niya ito nakitang nakatitig sa kaniya kani-kanina lang ay marahil hindi siya akward ngayon.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "Kamusta ang mga bata?"
Muli niya itong nilingon pero sandali lamang iyon at pinagdiskitahan ang maliit na kahon ng mga lapis at krayola. "They are very talented, Gabriel. Magugulat ka sa galing nilang gumihit base lamang sa kanilang mga imahinasyon."
Mahinang tumawa si Gabriel. "Sabi ko naman sa iyo na makukulit lang sila pero mababait at napaka-talentado," halata niyang natutuwa ito para sa mga bata. Nahihimigan niya ang pagmamalaki para sa kanila kaya parang may kung ano namang mainit na bagay ang siyang humaplos sa puso ni Eleonor. "Nakita kong nandito rin si Lope kanina. Umalis na ba siya?"
Sa pagkakataon ito ay pumihit siya paharap kay Gabriel. "Kaaalis lang niya. Hindi ba kayo nagkasalubong?"
Umiling ang ulo nito. "Hindi na bale. Hindi naman importante," anas nitong nakatitig nanaman sa kaniya at tila may malalim na iniisip.
"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" naitanong na lamang niya dahilan upang ngumiti ito.
"Wala. Pero ganda meron."
Kumunot ang noo niya. At hindi niya malaman kung mangingiti siya o ano dahil kinilig siya sa simpleng banat nito. Pinilit niyang pigilan pero kumikibot-kibot ang mga labi niya.
"Ewan ko sa iyo!" kunwari'y pagmamaldita niya pero wala namang epekto dahil tuluyan siyang napangiti nang tumawa ito.
"May gagawin ka pa ba?" kapagkuwan ay tanong nito.
"Hmm..." umakma siyang nag-iisip. "Ililigpit ko na lang ang mga ito. Siguro pagkatapos ay magluluto ako para sa tanghalian. Bakit?"
"Wala naman. Iniisip ko lang kung gusto mong sumama sa akin sa bayan. Ipapasyal kita," ngumiti ito.
Si Eleonor naman ay muling napakunot ng noo at parang may pagdududang tinitigan si Gabriel. Kilala naman niya ito at alam niyang wala itong gagawing masama o ikapapahamak niya dahil kung mayroon ay sana dati pa.
"Are you asking me out on a date?" birong tanong na lamang niya rito na umani ng tawa mula kay Gabriel.
"Ayaw mo ba? Isang karangalan para sa iyo na maka-date ako mula sa pagkapanalo mo sa ating karera," sabay ngisi nito ng pilyo.
ALAM niyang delikado para sa kaniya ang magtungo sa kung saan lalo pa at nasisiguro niyang patuloy pa rin siyang pinaghahanap ng mga tauhan ng kaniyang papa na si Don Miguel. Gayunpaman ay natagpuan na niya ang sariling sumama kay Gabriel patungo sa bayan.
Isang chevrolet camaro na 1967 ang year model ang ginamit nilang sasakyan at siyang pagmamay-ari rin ni Gabriel. Namangha siya ng makita ang vintage car nito lalo pa at ibinaba nito ang roof dahil iyon naman ay convertible. Maingat siyang tumayo at itinaas sa ere ang parehong mga kamay atsaka niya hinayaan ang hangin na liparin ang hibla ng kaniyang buhok habang patuloy sa pagmamaneho niya si Gabriel.
"Woooo hoooo!" malakas niyang tili na siyang ikinatawa ni Gabriel.
"Umupo ka na rito, Eli."
Nakangiti pa siya nang lingunin niya si Gabriel na humila sa kamay niya upang pababain siya. Patuloy siya sa pagtawa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang nagawa niya ang ganoon ka delikadong stunt at pinabayaan siya ni Gabriel na gawin iyon.
"Masayang-masaya ka ah," anas nito.
Tumango siya ng sunod-sunod. "Ngayon ko lang naranasan ito eh. Kung hindi ako umalis noon sa amin baka hanggang ngayon sunud-sunuran pa rin ako sa mga utos at dikta ni papa. That's why I am glad that I met you. Kasi kung hindi mo ako tinulungan at pinabayaan na lang ako noon sa gubat para mahuli ng mga tauhan ni papa, I would never be this happy," sabay paglingon niya rito at hindi naman niya inaasahan na magtatagpo ang kanilang mga mata.
"Edi kung ganoon, gumawa pa tayo ng maraming masasayang alaala para kapag naisipan mong umuwi na sa inyo may mababaon kang alaala at di mo ako malimutan," bahagya ang pagkunot ng noo ni Eleonor at mabilis naman ibinalik ni Gabriel ang atensyon sa daan. "S-Syempre pati na ng mga taga-rancho."
Napatango na lamang siya ng ulo at itinuon ang atensyon sa daan. Sumilay ang maliit na ngiti sa kaniyang labi. Nakatutuwang isipin na nakita niya kung paanong namula ang parehong tainga ni Gabriel. At nais pala nitong maalala niya. Kinagat niya pang-ibabang labi upang pigilan ang nais kumawalang impit na kilig.
Itutuloy...
![](https://img.wattpad.com/cover/362870025-288-k308497.jpg)
BINABASA MO ANG
Heredera Series: Langit Sa Piling Mo
RomansaEleonor Costello had everything in life. As the sole proprietor of Hacienda Costello she is expected to take over her family estate and continue her family's legacy of wealth and power. Kaya lubos siyang iniingatan ng kaniyang papa at nagtalaga ito...