LUMULUBOG ang araw sa dulong bahagi ng Rancho de Guerrero na nag-iiwan ng ginintuang kulay sa kalangitan. Sa isang bungalow house sila dumiretso. Tingin niya'y ito na nga ang bahay ng lalaki. Hindi niya kailangan pang itanong ang ganoon ka-obvious na bagay dahil nakikita naman niya sa mga larawang narito.
"Kamusta ang mga sugat mo? Masakit pa ba?" nagtaas siya ng tingin upang balingan ito. Naglapag ito ng isang baso ng tsaa sa ibabaw ng center table, mainit pa sapagkat umuusok. Maliit na aksyon ng pagiging hospitable.
Isang maliit na ngiti ang inialay ni Eleonor. "Mas mainam na ngayon kumpara kanina," sabi niya matapos magpasalamat para sa tsaa. Malinis na ang mga sugat at galos na natamo niya sa katawan. Naampatan na rin iyon ng lunas.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan nito sunod ay naupo sa katapat na sofa. "Tulad ng napag-usapan, bigyan mo ako ng magandang rason kung bakit nais mong tulungan kita, miss...?"
"Eleonor... Eleonor Costello," pagpapakilala niya tapos ay naglahad ng palad for shakehands.
"Gabriel Guerrero," sabi nito. His calloused hand accepted hers. "Ngayon sabihin mo sa akin ang iyong dahilan. Anong atraso ang ginawa mo at kanino ka tumatakas?"
Napakamalumanay man ng boses ni Gabriel, naroon sa tono niya ang pangingilatis. Sa kabilang banda ay mayroong pag-aalinlangan si Eleonor na ipagtapat ang kaniyang dahilan. Ngunit tinatalo iyon ng kaniyang isip. Tingin niya'y mapagkakatiwalaan niya ito matapos siyang tulungan kanina.
Pinakawalan niya ang naipong hangin sa dibdib. Tumayo siya at pumwesto malapit sa bintana kung saan nasisilip niya ang malawak na bakuran ng bahay ni Gabriel.
"Tumakas ako mula sa aking bodyguards. From home. Alam kong mapanganib ang mundo para sa akin. But I had to do it, Gabriel," sabay paglingon niya rito. "Kung hindi ay habang buhay nila akong kokontrolin."
Kumunot ang noo nito. "Anong ibig mong sabihin?"
May pagsukong muli siyang nagpakawala ng hininga. "Maliit na mundo lang ang ginagalawan ko. Umiikot ang buhay ko sa mga idinidikta ng responsibilidad ko sa aming pamilya at pagod na rin akong pilit na inaabot ang mga high expectations ni papa. I can barely breathe living my life like that. It is suffocating. Ang nais ko'y lumaya sa lahat ng iyon at mamuhay sa paraan na gusto ko," punong-puno ng emosyon at pangungulilang sabi niya.
Si Gabriel ay umahon mula sa sofa. Ang ekspresyon ng mukha nito'y lumambot. Humakbang ito palapit sa kaniya at bahagya niyang ikinagulat ang sunod nitong ginawa. Parang huminto ang mga sandali nang hawakan nito ang kaniyang pisngi at marahan iyong hinaplos ng mainit nitong palad habang tinititigan siya sa mga mata.
"Ngayon ay naiintindihan ko ang kalungkutan at pangungulilang sinasalamin ng iyong mga mata," malalim at halos bulong na wika niya.
Nagitla si Eleonor at hindi makaapuhap ng salitang sasabihin habang patuloy na magkahinang ang mga nangungusap nilang mga mata. Paano nitong nakita ang ganoong emosyon niya gayong ngayon lamang sila nagkita samantalang hindi iyon minsan mang napapansin ng kaniyang papa? Nais sana niyang itanong subalit hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makapagsalita dahil ito ay nagpatuloy.
"Huwag kang mag-alala, ligtas ka rito sa aking rantso. At sana'y matagpuan mo rito ang idinidikta at ninanais ng iyong puso."
Nag-alay ito ng maliit at sinserong ngiti na nagpatigil sa pag-ikot ng mundo ni Eleonor. Her heart is beating so fast than its normal pace as she stared and admired this Godly creation in front of her.
Diyos mahabagin!
MARAMING beses siyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Ganap na ang gabi. Pinatuloy siya ni Gabriel sa isang bakanteng silid pagkatapos nilang pagsaluhan ang dinner na inihanda nito. Ang puting t-shirt nitong pinahiram ay nagmukhang bestida ni Eleonor dahil umabot hanggang sa itaas ng mga tuhod niya ang haba niyon. Dahil sa pananabik niyang makatakas sa kaniyang bodyguards ay nakalimutan niyang magbaon ng mga gamit, tuloy ngayon ay pinagtitiisan niyang matulog ng walang suot na underwear. Mabuti na lang din at makapal itong t-shirt ni Gabriel kaya hindi halatang wala siyang suot panloob dahil nilabhan pa niya iyon kasama ng damit niya. Iyon nga lang ay medyo hindi siya komportable sa tuwing gagapang ang lamig mula sa kaniyang talampakan patungo sa kaniyang mga binti't pataas.
BINABASA MO ANG
Heredera Series: Langit Sa Piling Mo
RomanceEleonor Costello had everything in life. As the sole proprietor of Hacienda Costello she is expected to take over her family estate and continue her family's legacy of wealth and power. Kaya lubos siyang iniingatan ng kaniyang papa at nagtalaga ito...