Chapter 14

41 1 0
                                    

IDIIN NI Eleonor ang pagkakasara ng pinto at napasandal doon. Hinawakan niya ang didbdib at dinama ang malakas at mabilis na pagpintig ng kaniyang puso. Dahil ba iyon sa pagtakbo niya o sa ginawang paghalik sa kaniya ni Gabriel? Alinman sa dalawa ay malinaw sa kaniya na mas higit ang naging epekto ng huli.

Para siyang naglalakbay sa alapaap nang maglakad siya. Lumubog ang malambot na kama nang maupo siya roon at tila nananaginip pa rin ng gising na nakatingin siya sa kawalan habang himas-himas ang labi. Pakiramdam niya ay naroon pa rin ang mamasa-masa at malambot na labi ni Gabriel, nakadampi at hinahalikan siya. Hanggang sa kusang sumilay ang matamis na ngiti niya dahil sa kilig na nararamdam habang paulit-ulit sa isip niya ang nangyari.

She had always dreamed to have her first kiss in the most special way. Katulad ng mga nangyayari sa napapanood niyang romantikong drama sa telebisyon. Pero sa ganoon kadaling paraan lamang nakuha iyon ni Gabriel. Imbes na mainis o magalit ay halos mamatay pa siya sa kilig. Ganoon nga siguro kapag gusto mo iyong tao. Luka-luka siya kung itatanggi niya iyon.

Para man siyang baliw na nakangiting mag-isa ay ipinagsawalang-bahala niya iyon. Wala na siyang pakialam lalo at wala namang nakakakita. Mas pinili niyang namnamin ang magandang pakiramdam niya. At halos hindi na lubuyan ng ngiti ang kaniyang labi habang pakanta-kanta siyang nag-aayos ng sarili bilang paghahanda sa pagsapit ng gabi.

"ELI!" bahagya siyang nagulat nang bigla siyang hinawakan ni Lope sa braso. Hinila siya upang magdikit silang dalawa. "Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap!"

Hindi niya inintindi ang parang naiinis na tono ni Lope at pag-irap. Mahinahon pa rin niya itong kinausap at inalayan ng magaan na ngiti.

"Kalalabas ko lamang mula sa aking silid. Bakit?"

"Anak ka naman ng nanay mo," naiinis nitong anas sabay pumameywang. "Bakit ka ba nagkukulong doon sa kwarto mo? Alam mo bang kaninang-kanina pa pinapalibutan ng mga babae si Gabriel? Lalo na iyong tatlong mahaderang palaka na sina Aida, Lorna at Fe. Hindi na nila siya nilubayan! Papayag ka ba namang maunahan ka nila?" halos tumirik ang mga mata nito sa pag-irap.

Siya namang pagkunot ng noo ni Eleonor. "Ano?"

"Oo!" anas nitong may konbeksyon. "Nilalandi nila si Gabriel. Kaya ikaw, kung ayaw mong maunahan nila igalaw mo na rin ang baso dahil may gusto rin siya sa'yo!"

Kusang nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa narinig na sinabi ni Lope. Gulat at hindi niya inaasahang marinig iyon. Pakiramdam nga niya ay nanigas siya at hindi halos makaapuhap ng salitang sasabihin.

"W-What did you say?" nininyerbos niyang tanong. Kailangan niyang kumpirmahin kung tama ba siya ng dinig o baka imahinasyon niya lamang ang lahat.

Ngunit tanging irap ang ganti ni Lope tapos ay pinilit siyang pinatalikod at itinulak palabas ng pinto.

"S-Sandali–"

"Sige na! Labas na!" pagtaboy nito sa kaniya na pinanlalakihan pa siya ng mga mata.

At hindi na rin siya nagkaroon pa ng pagkakataong bumalik nang eksaktong pumailanlang sa paligid ang isang romantikong tugtug at sumentro sa kaniya ang pinasadyang ilaw na tulad ng spotlight. Wala sa oras siyang napalunok. Bigla ang pagbundol ng kaba sa kaniyang dibdib dahil nabaling sa kaniya ang atensyon ng lahat. Ngunit ang talagang sisira sa dibdib niya ang malalim at malagkit na titig sa kaniya ni Gabriel.

Ang inosente at kumikislap na mga mata ni Eleonor ay tila magnet at may hatid na mahika dahilan upang tumigil sa pag-ikot ang mundo ni Gabriel. Sa rami ng mga babaeng nakapalibot sa kaniya ay tila wala na siyang ibang nakikita pa bukod kay Eleonor. Dama niya ang mabilis na pagtibok ng puso habang hindi napuputol ang magkahinang nilang mga titig sa isa't isa. Hanggang sa isang silweta ang humarang sa harap niya.

"Gabriel halika sayaw tayo!" nakangiti at halatang nagpapa-cute na sabi ni Fe. Impit namang kinilig sina Aida at Lorna sa kaniyang likuran at pabirong tinutulak-tulak upang ipagduldulan siya kay Gabriel.  Pero hindi niyon nagawang pagtuunan siya ng pansin ng lalaki. Kaya naman nagtatakang nagpalitan silang tatlo ng mga tingin.

"Gabriel?" untag nitong ulit.

Sandaling sinulyapan ito ni Gabriel at nginitian. "Pasensya na, Fe. Mamaya na lang," pagkatapos ay nilampasan niya ang mga ito. Busangot ang mukha ni Fe na nakasunod ang tingin sa likod ni Gabriel habang papalapit ito sa pwesto ni Eleonor.

Halos hindi naman magkamayaw sa mabilis na pagtibok ang puso ni Eleonor habang nakikita niya ang paglapit ni Gabriel. Para yatang magigiba ang dibdib niya sa lakas ng pagkabog doon dahil sa kaba lalo pa at hindi rin siya nito nilulubayan ng malalalim at nakakatunaw nitong mga titig. Ang bawat paghinga niya ay tila isang ritmo sa bawat paghakbang ni Gabriel. Mabigat na parang mas ibanabaon siya sa kaniyang kinatatayuan at hindi na makaalis pa. Kaya hindi na rin siya nagulat nang tumigil ito sa kaniyang harapan.

"Hi."

Halos pigilan niya ang paghinga nang umasulto sa kaniyang ilong ang pabango nito. He always smells nice and masculine. Bagay na gustong-gusto niya. Mahinhin siyang ngumiti at inipit ang ilang hibla ng buhok sa likod ng kaniyang kanang tainga.

"Hi," parang nahihiyang sagot niya. At gusto niyang kutungan ang sarili dahil umaakto siyang parang teenager sa harap ni Gabriel. Pero masisisi ba naman niya ang sarili lalo na at hindi rin niya kinakayang labanan ang intensidad ng mga titig nito.

"Pwede ba kitang yayaing sumayaw?" narinig niyang tanong nito. Ang kumikislap at nangungusap nitong mga mata ay tila may hatid ng hipnotismong kay hirap tanggihan. Natagpuan niya ang sariling sumasagot ng oo habang nakatango ang ulo.

Hindi halos siya huminga nang kuhanin ni Gabriel kamay niya at dinala siya sa gitna. Agad na nag-init ang kaniyang pisngi nang humarap na ito sa kaniya at iniangkla ang pareho niyang kamay sa batok nito. At ganoon na lang din ang kaniyang paninigas nang maramdaman niya ang mga kamay ni Gabriel na sumakop sa baywang niya.

"Ayos ka lang?" halos bulong na lamang na tanong nito. Napalunok siya. Bakit ganoon? Bakit parang mas naging kaakit-akit sa pandinig niya ang boses ni Gabriel? At ang kislap sa mga mata nito ay tila nais daigin ang ningning ng mga bituin.

"Y-Yeah," napa-ehem siya nang parang sumabit ang boses niya sa kaniyang lalamunan. "Oo naman! Bakit mo naitanong?"

"Wala lang. Para kasing nate-tense ka. Naiilang ka ba sa akin?"

Hindi niya inaasahang itatanong nito iyon. Masyado ba talaga siyang obvious? Kaya naman kahit nagulat siya ay pasimple niyang itinago iyon sa isang ngiti.

"H-Hindi ah! Nahihiya lang ako kasi hindi ako marunong sumayaw eh."

Sinungaling! Tudyo ng utak niya. Gusto yatang ipaalala sa kaniya na miyembro siya noon ng cottillion. Pero walang ginawa si Gabriel kung hindi ang lalo pahangain siya.

"Ayos lang. Akong bahala sa'yo," at sa ganoon lang kasimpe ay muli nanaman siyang nahulog para rito.

Habang tumatagal ang pagsasayaw nila kasabay ng malamyos na musika ay tila mas tumitindi ang nararamdaman niya para rito. Lahat na lang yata ng tungkol kay Gabriel, ano man ang gawin o sabihin nito ay gusto niya. Wala siyang maipipintas.

Hindi pa man lubos na natatapos ang tugtug ay huminto si Eleonor kaya napatigil din si Gabriel. Nagtataka agad ang mga tingin niya ipinukol sa dalaga ngunit isang sinsero at matamis na ngiti ang inialay nito bago ito tumingkayad at halikan siya sa bandang pisngi. Sa gulat niya ay hindi kaagad siya nakahuma.

"Happy birthday, Gabriel."






Itutuloy...

Heredera Series: Langit Sa Piling MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon