HINDI niya naiwasan ang makaramdam ng guilt dahil sa ginawang pag-walk out kanina. Inuusig siya ng kaniyang konsensya habang nakikita niya kung gaanong nag-alala sa kaniya ang iba nilang kasama nang makabalik sila sa kubo. Una siyang sinalubong ni Lope at paulit-ulit na humingi ng pasensya dahil siya raw ang nagluto ng adobong palakang bukid dahil iyon ay paborito ni Gabriel. But she dismissed her right away. Iniisip niyang hindi nito dapat gawin iyon at sinabing siya ang dapat na humingi ng pasensya sa lahat dahil sa kaniyang iniasta.
"Mabuti na ba ang pakiramdam mo, senyorita?" tanong ni Tiya Nelia nang makabalik siya sa dating pwesto kasunod si Gabriel.
"Opo, huwag niyo na po akong alalahanin."
"Ikaw naman kasi pare. Bakit hindi mo sinabi agad sa senyorita kung anong klaseng adobo iyon?" natatawa na ngayong anas ni Anton na kay Gabriel nakatuon.
Iiling-iling naman ang ulo ng huli at nakangisi.
"Nakita niyo naman kung paano ko siya pinigilan. Si Eli lang itong mapilit," sagot nito na nasundan ng tawa ng lahat at pati siya ay natawa rin.
"Pero nasarapan ka naman 'di ba, senyorita? Narinig namin lahat nang sabihin mong masarap ang adobong palakang bukid," ani Anton. "Kaya nga paborito ni Gabriel eh dahil panalo kung magluto ang utol kong si Lope!" pagmamalaki pa nitong dagdag at inakbayan ang natatawang babae.
"Oo, masarap nga. Pero hindi ko na yata makakayang kumain pa no'n after kong malaman na... palaka iyon," naroon man ang hiya ay nagawa niyang sabihin ang niloloob sa magalang at maayos na paraan.
"Huwag kang mag-alala at masasanay ka rin. Araw-araw ay iyon ang ipahahanda ko kay Lope habang narito ka sa rancho. Mula umaga, tanghali at hanggang gabi ay iyon ang ulam natin," biro nanaman ni Gabriel na umani ng tawanan.
"Ano? Aba at gusto mo yata akong maging palaka na rin, Gabriel?" nakataas ang isang kilay na birong tanong niya rito.
"Naku! Mukhang nakahanap ka nang katapat senyor," sali rin sa pagbibiro ni Mang Dado.
Muling nagtawanan ang lahat maliban na lamang sa lalaki na ngayon ay tahimik na lamang nakangiti at umiiling-iling ang ulo. Hindi natapos ang ganoong biro nang dugtungan iyon ni Anton na tila ipinapaalala kung gaano ka-mapagbiro si Gabriel at na hindi ito kailanman titiklop.
Pero kabaliktaran yata noon ang nakikita niya ngayon? Tuloy ay malawak ang ngiti niya sa buong oras na pagkain nila. Iyon nga lang ay halos maiyak naman siya nang makakain siya ng sili! Napaubo-ubo siya dahil sa anghang dahilan upang muling malipat sa kaniya ang atensyon ng lahat.
"Oh! Ayos ka lang?" nag-aalala ang boses ni Gabriel nang hawakan siya nito sa magkabilang balikat niya at ipinaharap sa kaniya.
"M-Maanghang!" naluluha na ang mga mata niyang sabi at pinapaypayan ang sarili gamit lamang ang mga kamay. Sa kabila noon ay lihim niyang pinagagalitan ang sarili. Wala na talaga siyang tamang nakain! Lahat sila ay nag-aalala nanaman sa kaniya.
"Maanghang?" parang natataranta pang sabi ni Gabriel at pinaypayan na rin siya gamit ng kamay nito.
"Tubig! Bigyan mo ng tubig pre!" boses ni Anton ang narinig niya.
Mabilis na tumugon si Gabriel at tila hindi magkandaugaga sa pagkuha ng tubig. At hindi lang isang baso ang ibinigay nito sa kaniya kung hindi ay isang pitsel!
Pero dahil na rin sa hindi niya matiis na anghang at init sa palibot ng kaniyang bibig ay mabilis at taranta niyang tinungga ang tubig mula sa pitsel. Hindi niya na inalintana kung tumutulo iyon sa damit niya basta ang gusto na lamang niya ngayon ay mawala ang anghang sa bibig niya.
"Anong nangyari?" tanong ni Tiya Nelia nang makabalik matapos nitong umalis kanina.
"Nakakain po ng maanghang eh," si Lope ang sumagot.
![](https://img.wattpad.com/cover/362870025-288-k308497.jpg)
BINABASA MO ANG
Heredera Series: Langit Sa Piling Mo
RomanceEleonor Costello had everything in life. As the sole proprietor of Hacienda Costello she is expected to take over her family estate and continue her family's legacy of wealth and power. Kaya lubos siyang iniingatan ng kaniyang papa at nagtalaga ito...