MABILIS na dinamba ng akbay ni Lope si Eleonor at hinila palayo kay Gabriel. Sa isang sandali ay maririnig ang masayang tugtugin at nagsimulang sumayaw ng masigla ang mga bisita. Tuluyang nawala sa paningin niya ang dalawa. Nais pa sana niyang sundan ang mga ito ngunit agad din naman siyang napatigil ay napalingon nang mula sa gilid niya ay sumulpot si Anton sabay hawak sa kaniyang balikat.
"Saan ka pupunta? Nagsisimula pa lang ang kasiyahan. Tara rito!" tapos ay tinapik nito ang balikat niya.
Tumango siya ng ulo. At bago sumunod kay Anton ay nilingon niya ang dinaanan ni Eleonor. Bumuntong-hininga siya. Sa susunod na lamang siguro niya ito kakausapin.
Sumunod siya kay Anton. Sa isang mesang pabilog ay naroon ang ilang matatandang lalaki rito sa Rancho Guerrero. Kaagad siyang binati ng mga ito at litaw na litaw ang malakas na boses ni Anton. "O, para sa iyo ito. Maligayang kaarawan!"
"Salamat pero ito lang ang iinumin ko," aniya nang tanggapin ang inalok na basong may lamang alak pagkatapos noon ay kantyaw nila ang inabot niya na sinuklian niya ng tawa.
SAPILITANG pinihit ni Lope si Eleonor upang paharapin. Dinala siya nito sa loob ng kusina upang komprontahin. Litong-lito siya sa inaasta nito pero batid niyang hindi naman ito nagagalit.
"May sinabi na ba sa iyo si Gabriel?" naghihisteryang bulong nito na may madiing hawak sa kaniyang mga braso.
"Sinabi?" naguguluhan niyang tanong. "Wala. Ano ba dapat ang sasabihin niya?"
Halos tumirik ang mga mata nito sa pag-irap. "Hindi pa rin niya ipinagtapat ang nararamdaman niya para sa'yo?"
Tinanggal niya ang mga kamay ni Lope mula sa pagkakahawak nito sa kaniyang mga braso. Naglakad siya palampas dito. Bukas ang sliding glass door ng verenda sa kusina at mula roon ay nakikita niya si Gabriel kasama si Anton at iba pang matatanda rito sa rancho. Nagkahulihan silang dalawa ng tingin ngunit mabilis ding naputol ang sandaling iyon ng umakbay dito si Anton at tumingin sa gawi niya sabay ngisi. Nauna siyang bumawi ng tingin at muling bumaling kay Lope.
"Tingin ko ay nagkakamali ka, Lope. Walang gusto sa akin si Gabriel," iiling-iling ang ulo niyang sabi. Masarap sana ang pakiramdaman na ganoon pero ayaw rin niyang umasa.
"Pero Eli-"
"Oh! Lope, mabuti at nariyan kayo," mula sa likuran nito ay dumating si Tiya Nelia kaya hindi nito natapos ang dapat sanang sasabihin pa.
"Bakit po?" si Eleonor ang nagtanong.
"Tulungan nga ninyo akong ihatid ang mga pagkain doon sa labas, aba't ako ay nahihilo na sa pabalik-balik dito sa loob," patuloy ito sa pagsasalita kahit pa noong tumalikod. Sumunod naman si Lope at Eleonor at tinulungan ang pagod at kaawa-awang matanda.
"Saan po dadalhin ang mga ito, Tiya?" anas niyang tanong pagkatapos na kunin ang isang bowl ng tuna kilawin.
"Doon na lamang iyan sa mesa nila Señor Gabriel," sagot nito.
PARANG sasabog na ang dibdib niya sa sobrang kaba na nararamdaman habang tinitiis ang malalim na tingin ni Gabriel. Bawat galaw niya ay sinusundan ng kumikislap nitong mga mata. Gayunpaman ay pinilit niyang huwang ipahalata ang kaba rito. Ngumiti pa rin siya sa lahat ng kaniyang ilapag ang bowl sa mesa.
"Salamat Eli, ah!" anas ni Mang Dado.
"Wala pong anuman," aniya pagkatapos ay nagpaalam na aalis na. Muli pang naglandas ang kanilang mga titig ni Gabriel. Umalay siya ng maliit na ngiti bago tuluyang umalis.
Tumayo naman si Gabriel. At mabilis na pinigil siya ni Anton sa akmang pag-alis. Pero wala naman itong nagawa nang binigyan niya ng palusot na may kailangan siyang asikasuhin.
Ang totoo ay sinundan niya si Eleonor. Walang anumang senyales siyang ibinigay nang bigla niyang higitin sa braso ang dalaga at dalhin sa likod ng bahay niya upang mapag-solo silang dalawa.
"Gabriel? Anong ibig sabihin nito? Bakit mo ako dinala rito?" bakas ang pag-aalala sa boses ni Eleonor. Ang mga mata niya'y nakikitaan ng takot at pangamba.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Gabriel. Pinapakalma ang sarili. Pagkatapos binitawan niya ito at humingi siya ng pasensya sa dalaga dahil sa iniasta niya.
"Gusto lang kitang makausap. Nang masinsinan," halos hindi niya maarok ang lalim ng mga titig nito. Seryoso ang mukha ni Gabriel at labis ang kaba sa dibdib ni Eleonor.
"Bakit? Ano ba ang pag-uusapan natin?"
Nilingon siya nito. Diretso ang titig ni Gabriel sa kaniyang mga mata dahilan upang mapalunok siya ng laway. "Bakit mo ako hinalikan kanina?"
Napamaang siya at hindi alam ang sasabihin. Bakit nga ba? Muli siyang lumunok at matapang na sinalubong ang mga mata ni Gabriel na halos hindi na kumukurap sa paghihintay ng sagot niya.
"Bakit? Ginawa mo rin iyon sa akin hindi ba? Ninakawan mo rin ako ng halik. Ginantihan lamang kita," pinilit niyang maging matapang habang sinasabi ang mga iyon. Pero ang totoo ay halos mawarak na dibdib niya sa sobrang kaba. Nang hindi na niya halos kayanin ay naglakad siya palampas kay Gabriel upang makaiwas.
"May rason ako kung bakit ko ginawa iyon," anas nito sa seryosong tinig dahilan upang matigilan si Eleonor at muli itong lingunin.
"At ano ang iyong dahilan?–"
"Mahal kita Eleonor," singit nito sa gitna ng kaniyang pagsasalita. Seryoso ang hitsura nito at walang bakas ng pagbibiro. Naiwan siyang nakamaang at hindi na nagkaroon pa ng pagkakataong makaiwas nang lapitan siya ni Gabriel.
Kinuha nito ang kanang kamay niya at dinala iyon patungo sa dibdib nito. Doon ipinaramdam sa kaniya ni Gabriel ang malakas na pagtibok ng puso nito. Mula sa kamay niyang nakapatong sa dibdib nito ay nagtaas siya ng tingin at huli na upang bawiin iyon sapagkat si Gabriel ay kanina pang nakayuko at tinititigan siya. Sa pagtama ng kanilang mga mata ay siyang pagsalita nito.
"Minamahal kita, Eli. At hindi ko alam kung papaano ko pa mapipigilan ang nararamdaman ko para sa iyo," mababa at kalmadong pagtatapat ni Gabriel. Hindi niya alam kung kailan nagsimula pero batid niyang iniibig nga niya ang dalaga.
Si Eleonor naman ay hindi agad nakapagsalita. At nagulat na lamang si Gabriel nang magsimulang umagos ang mga luha nito mula sa kaniyang mga mata.
"Bakit ka umiiyak?" gamit ang hinlalaki niya ay pinunasan niya ang nabasang pisngi ng dalaga.
Umiling si Eleonor. Napapikit ng mga mata bago umiwas kay Gabriel at pinanusan ang sariling mga luha.
"Wala ito. Masaya lang ako," matamis ang ngiti niya nang muli niya itong lingunin. "Natutuwa akong malaman na mahal mo rin ako."
Sa kabila ng mga narinig ay kumunot ang noo ni Gabriel. Bumakas ang pagkalito na siyang ikinatawa ng mahina ni Eleonor.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Oo, Gabriel. Minamahal na rin kita," pagtatapat niya.
Halos tumalon si Gabriel dahil tuwa. Hindi man siya halos makapaniwala sa sinabi nito ay nakikita kung gaano siyang natutuwa. Ni hindi na nawala pa ang ngiti sa labi niya nang lapitan niyang muli si Eleonor upang hagkan at yakapin.
"Mahal na mahal kita, Gabriel."
Dama at naririnig niya ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso nito habang nakadikit ang tainga niya sa dibdib ni Gabriel habang sila ay magkayakap. Ang ritmo ng puso niya ay sumasabay sa pintig ng puso nito. Naramdam niya ang paghigpit ng yakap nito at paghalik sa buhok niya.
"Mahal kita, Eli. Tanging ikaw, Tanging akin."
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Heredera Series: Langit Sa Piling Mo
RomanceEleonor Costello had everything in life. As the sole proprietor of Hacienda Costello she is expected to take over her family estate and continue her family's legacy of wealth and power. Kaya lubos siyang iniingatan ng kaniyang papa at nagtalaga ito...