FINALLY LEAVING HIM
---
"Where do you think you're going?" seryosong tanong sa akin ni Rades nang makita niya akong bitbit ang maleta ko at isang kulay puting back pack.
"It's none of your business, Rades!" matigas kong sabi.
"I'm your husband, Luna! Nakalimutan mo na ba?" he said. Lumapit rin siya sa akin at pilit na inaagaw ang maleta sa akin. Hindi ko siya hinayaang gawin ang gusto n'ya, kaya naman nakipag agawan ako sa maleta ko.
"Husband? Sa pagkakaalam ko, hindi gawain ng isang asawang lalaki ang pambabastos sa asawa n'yang babae, hindi ba? A husband should take responsibility of his wife. A husband should treat her wife well. And most importantly, a husband takes care and respect his wife." sabi ko habang titig na titig sa mga mata n'ya.
"Now, tell me, based on how you treated me in our one year marriage; naging asawa ka ba talaga sa akin?" I asked him. Hindi siya nakapagsalita, nanatiling naka awang ang bibig n'ya.
"Hindi ka makasagot dahil hindi, 'di ba? Kaya pakiusap, pabayaan mo na ako!" pagkasabi ko sa kanya ng mga katagang iyon ay unti-unti niya na ring binitiwan ang pakikipag agawan n'ya sa maleta ko. Nang bitawan niya iyon ay kaagad rin akong lumabas ng bahay n'ya.
"Ano ba ang ikinagagalit mo?" he asked. Akala ko ay hahayaan niya na lang ako na makaalis ngunit napatigil ako nang habulin niya na naman ako.
"I am not mad. I just realized my worth." tugon ko sa tanong n'ya.
"Hindi mo na ba ako mahal?" muling tanong niya. Bahagya akong natawa sa tanong n'ya.
"Are you even worth to love?" I asked him. He didn't answer my question, instead he hugged me from the back. Nagulat ako sa ginawa niya. Ito 'yung unang pagkakataon na niyakap niya ako. Nakakatawa. Bakit ganito siya?
"Luna, please? Don't leave me." he said. Hindi ko alam kung pakiusap ba iyon o isang utos mula sa kanya.
"Sabihin mo nga sa akin, Rades. Bakit?" sarkastiko kong tanong sa kanya.
"You're my wife and I'm your husband. Hindi mo dapat ako iwanan dahil asawa mo ako at asawa kita." sabi n'ya na tila ba nagpapatawa talaga siya.
"Enough with this joke, Rades! I'm leaving." sabi ko at tuluyan na akong umalis.
"Oh, bakit mugto 'yang mga mata mo? Don't tell me, binugbog ka na naman ng walangh*ya mong asawa?" nanggagalaiting tanong ni Anikka sa akin nang makarating ako sa bahay niya.
"No, hindi gano'n ang nangyari." sabi ko.
"Then, what happened?" muling tanong niya.
"Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n na lang 'yung reaction niya kaninang paalis ako. He stopped me from leaving him. He's confusing me, Anikka." pahayag ko.
Nagsalin ng tubig si Anikka sa baso na kinuha niya at iniabot iyon sa akin.
"Tubig, oh. Uminom ka muna at ikalma 'yang sarili mo." sabi niya. Mukhang hindi siya natuwa sa sinabi kong naging reaction ni Rades.
"Alam mo? Masaya akong na sa wakas ay nagising ka rin sa kahibangan mo. Pero hindi ako natutuwa na tila ba gusto mong bumalik roon dahil lang sa ipinakita niya sa 'yo kanina? Sinasabi ko sa 'yo, he don't deserve you. Kung sana noon niya pa ipinakita 'yung gano'ng side niya, 'di ba? Isa pa, hindi niya gagawin sa 'yo ang mga ginawa niya kung talagang ayaw ka niyang mawala sa buhay niya." galit na sabi ng kaibigan ko. May point naman siya, eh. Sadyang naguguluhan lang ako.
"So, anong plano mo ngayon?" tanong niya.
"Hindi ko pa alam. Gusto kong magpakalayo na lang muna siguro." tugon ko.
"Kung 'yan ang tuluyang makakapagpagaling sa sugat na dulot niya sa 'yo, I'll support you with that. Puwede kang umuwi muna sa probinsya namin, kung gusto mo? Maganda do'n, malayo sa kanya. May panahon kang mag isip nang maraming beses bago muling gumawa ng mga susunod na hakbang." suhestiyon ni Anikka.
"Talaga? Sige, doon na lang muna ako habang nag iisip." pagsang-ayon ko.
Sa totoo lang, wala rin kasi akong ibang mapuntahan. Kaya laking pasasalamat ko na may kaibigan akong kagaya ni Anikka. Ever since I started working in the company, kung saan ako nag tatrabaho ngayon ay si Anikka na ang pinaka naging ka-close ko. Sa kanya ko lahat sinasabi lahat ng hinanakit at nangyayari sa buhay ko. She's like a sister to me.
"Maraming salamat, Anikka. Hayaan mo at babawi rin ako sa 'yo balang araw." ani ko bago binigyan ng mahigpit na yakap ang kaibigan ko.
"Sus! Wala 'yon, basta ikaw. At saka, hindi mo kailangang bumawi. Sapat na sa akin na makita kang muling maging masaya. Wala akong ibang gustong maging kapalit sa lahat ng kabutihan ko sa 'yo kundi ang tuluyang paghilom ng mga sugat mo at muling pagsaya ng puso mo." sabi niya na dahilan nang pag iyak ko.
"Pinapa-iyak mo naman ako, eh!" natatawang sabi ko habang umaagos ang mga luha ko. Tears of joy for meeting a nice person with a sincere and purest heart. Sa kabila nang mga nangyari sa buhay ko, masasabi kong masuwerte pa rin ako.
--
RADE'S POV:
"Babe, where's Luna?" it was Ashley. Kakalabas niya lang galing sa kuwarto ni Luna.
"Anong ginagawa mo sa kuwarto niya?" malamig kong tanong sa kanya.
"I just checked her, uutusan ko sana siyang linisin 'yung nabasag na vase sa kuwarto ko." nakanguso niyang sabi. Naikuyom ko ang kamao ko nang marinig ko iyon mula sa kanya.
"Luna is my wife, not your maid." sabi ko. Saglit siyang natigilan at napatakip sa bibig niya.
"I thought-"
"I said she's my wife!" bulyaw ko sa kanya. Mukhang bingi ang babaeng 'to at gusto pa niyang inuulit ko ang sinabi ko.
"Babe," humihikbing tawag niya. Napabuntong hininga ako at saka lumapit sa kanya para punasan ang mga luha niya. She's now crying like a baby.
"You're not a baby anymore, Ashley. Huwag kang umasta na parang bata dahil hindi bagay sa 'yo." seryosong sabi ko.
"What's wrong with you? I thought you hate her? Bakit sa akin ka na ngayon nagagalit? Ano bang nangyari, iniwan ka na ba niya? Wala na ang mga gamit niya sa kuwarto niya." sunod-sunod na sabi niya dahilan para mawalan ako ng control at masapak siya.
S L A P !
"When I say shut up, you shut up!" gigil kong sabi sa kanya pagkatapos ko siyang bigyan ng isang sampal.
"I hate you!" she shouted before running away.
"Yan, gan'yan nga! Iwanan n'yo na akong lahat dahil ganyan naman kayong mga babae! Sa una lang kayo magaling, sa una niyo lang ako mahal pagkatapos ay iiwan n'yo rin ako para bang hindi kayo nagkandarapa sa akin!" umiigting ang panga kong sigaw kahit na alam ko namang walang makakarinig sa pag sigaw ko.
---
TO BE CONTINUE. . .
BINABASA MO ANG
When A Faithful Wife Gets Tired
DiversosAno kaya ang mangyayari kung ang babaeng nagtiis ng isang taon sa lalaking mahal na mahal niya ay bigla na lang natauhan isang araw? Sierra Luna Cruz-Montero, ang babaeng handang tiisin lahat ng kawalanghiyaan ng asawa niya sa kanya dahil sa sinump...