Chapter 5: Escaped

94 4 0
                                    

ESCAPED

---

"Hi!" isang lalaking ahead lang siguro sa akin ng ilang taon ang sumalubong sa akin pagbaba ko ng van na sinakyan ko patungong probinsya nila Anikka dito sa Siargao.




"Hi, you must be one of Anikka's friend?" I asked. Nginitian ko rin siya bilang ganti sa halos abot-tainga niyang ngiti na salubong sa akin.



"Yes, I am." he said. Tinulungan niya rin ako sa mga bagahe ko kaya naman nagpasalamat na rin ako sa kanya at sa pag welcome n'ya sa akin.


"I'm Jacob," pagpapakilala niya nang makarating kami sa resthouse nila Anikka.


"Nice to meet you, Jacob. I'm Luna." pagpapakilala ko rin sa kanya bago ko inabot ang kamay niyang nakalahad sa akin para makipagkamay.


"Yeah, I know you. Anikka already told me about you." he said. Napakamot na lamang ako sa batok ko dahil naiilang ako sa mga titig niya.


"Nagpahanda ako ng makakain para sa pagdating mo. I know you're hungry, sa haba ba naman ng oras ng byahe mo." he said and guided me to the seaside. Sakto dahil gutom na rin talaga ako at pasado alas dose na rin kasi.

Halos mamilog ang mga mata ko sa nadatnan ko. Ang dami niyang pinahandang pagkain, halos puro seafoods iyon at tingin pa lang ay talaga namang matatakam ka na.


"Wow! Ang dami naman nito." sabi ko nang makalapit na kami sa table kung saan nakalatag ang mga pagkain. Shrimp, crabs, seashells, fish and vegetables. May lechon din na nakahain sa table, may tinola at pritong isda rin. Tingin pa lang ay busog na kaagad ako. There's also buko juice as our drinks.


"This is all for you. Alam ko namang na-miss mo ang pagkaing probinsya kaya naman naisip kong ito ang ihanda para sa pagdating mo." nakangiti niyang sabi.


"Gosh! Para namang mauubos ko ang lahat ng 'to, ano?" natatawa kong sabi.


"Sinadya kong damihan ang handa para marami rin ang maka kain." he said. Napatangu-tango na lamang ako. He's kind hearted and generous, based on how he thinks of sharing these foods.



"Thank you for these, and for the effort." I said as I sat down sa in-offer niyang upuan.



Pagkatapos naming kumain ay isa-isa niyang tinawag ang mga manggagawa sa resort para sila naman ang kumain. Nakakatuwa lang na may ganitong klaseng tao pa rin pala sa panahon ngayon. Ang sarap sigurong maging boss ang kagaya ni Jacob. May pakialam siya sa mga tauhan niya.





"How's your life?" tanong ni Jacob habang naglalakad kami sa gilid ng dagat. Pagkatapos kasi naming kumain ay nagpaalam ako sa kanya na maglalakad-lakad na muna ako para magpatunaw ng kinain dahil napadami ako ng kinain, but he insisted that he'll come with me kaya magkasama kami ngayon. Nagulat ako sa tanong niya kaya napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya.

I wonder kung may nasabi ba si Anikka sa kanya. Pero mukhang wala naman yata. Hindi kasi si Anikka 'yung kaibigan na ikukwento rin sa iba kung ano 'yung mga nakuwento mo sa kanya.


"Sa ngayon, siguro okay ako. Salamat sa nakaka-relax na ihip ng hangin at sa magandang tanawin sa Isla na 'to." nakangiti kong sabi. It's true, pagdating ko kanina rito ay tila malaya ako. Parang wala akong problema na pinagdaanan dahil sa sobrang ganda ng place na 'to. Tama nga si Anikka na makakapag relax at makakapag isip ako rito ng maayos.



"That's good to hear. How about your husband?" he asked. Nagulat ako dahil hindi ko alam na alam niyang may asawa akong tao.


"Oh, hindi ko nga pala nasabi, nabanggit kasi sa akin ni Anikka na may asawa ka na. Gusto ko sanang makipagkilala sa 'yo noong huling bisita niyo rito ni Anikka, pero hindi niya ako pinayagan dahil nga may asawa ka na raw." natatawa niyang sabi. Nginitian ko na lang din siya bago ko sinagot ang tanong niya.


"Honestly, we're not okay. Hindi ko nga alam kung nagkaroon ba talaga ako ng asawa o sumabak lang ako sa parusa." natatawa kong sabi.


"I'm sorry, I'm sorry for asking." he said. Nagulat din ako nang bigla niya akong lapitan at punasan ang pisngi ko.


"It's okay, I'm fine." sabi ko bago bahagyang lumayo sa kanya.


"You must be tired, magpahinga ka na muna siguro sa loob." suhestiyon niya. Sumang-ayon na lang din ako sa kanya dahil gusto ko na rin talagang magpahinga. Mamayang hapon na lang siguro ulit ako maglalakad-lakad rito para magpahangin.


"Salamat, mabuti pa nga siguro dahil inaantok rin ako." sabi ko.


Sabay ulit kaming naglakad ni Jacob papuntang resthouse at nang makarating na kami sa entrance ay nagpaalam rin kaagad siya sa akin. May kailangan lang daw siyang asikasuhin sa opisina niya dahil may kaunting problema. He even gave me his calling card para raw kung sakaling kailanganin ko siya ay tawagan ko lang siya.


Pagkaalis ni Jacob ay pinasok na rin ako sa loob. Dumiretso ako sa magiging kuwarto ko kung saan naroon na ang mga gamit ko.


Sakto pag upo ko sa kama para sana sumalampak na ay ang pagtunog naman ng cellphone ko.


R I N G G G . . .


Dali-dali kong dinampot iyon para tignan kung sino ang caller. It was Anikka.



"Anikka?" ako na ang naunang magsalita matapos kong pindutin ang answer button.


"Luna! Where the h*ll are you?" halos maitapon ko ang cellphone ko nang boses ni Rades ang bumungad roon imbes na si Anikka.


"Rades-"



"If you didn't comeback, I will k*ll your fvck'n friend!" he shouted in the other line. Hindi ako makapagsalita. Bigla na naman akong tinubuan ng labis na pagkatakot sa puso ko. Hindi dapat ako matakot sa kanya dahil kapag natakot ako, talo ako. Lalo lang siyang magkakaroon ng lakas ng loob na takutin ako kapag ipinakita kong natatakot ako.



"Don't you dare, Rades!" sigaw ko nang sa wakas ay makabawi ako.


"Try me, Luna. Try me!" he shouted before ending the call.


C A L L E N D E D. . .


Sinubukan kong muling i-dial ang numero ni Anikka pero hindi na iyon ma-contact. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Natataranta ako na hindi ko maintindihan. Natatakot ako para sa kaibigan ko. What if saktan niya si Anikka? Ayoko namang madamay ang kaibigan ko nang dahil sa akin. Hindi pwede.



"Luna!" it was Jacob. Sa sobrang taranta ko ay napayakap ako bigla kay Jacob ng bumungad siya sa labas ng pintuan ng kuwarto ko.


"What's happening? Bakit umiiyak at nanginginig ka?" nag-aalala niyang tanong.


"Si Anikka, pwede mo ba siyang tawagan? I can't reach her number." balisang-balisa na sabi ko. Hindi ako mapakali. Ayokong may mangyaring masama sa kaibigan ko.


"Can not be reached." sabi ni Jacob kaya naman lalo akong nag panic.


"Kailangan ko nang bumalik sa Maynila. Maraming nasa panganib si Anikka, my husband threatened me to k*ll her if I didn't comeback." umiiyak kong sabi.


Bigla naman akong niyakap ni Jacob para pakalmahin. Pero hindi ko magawang kumalma lalo na't hindi ko ma-contact si Anikka.


"Sasamahan kita. Luluwas tayong dalawa." he said. Hindi na ako umalma, buhay ng kaibigan namin ang nakasalalay rito kaya naman hindi na ako tumanggi sa sinabi ni Jacob na sasama siya.



---

TO BE CONTINUE. . .

When A Faithful Wife Gets TiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon