I LOVE HIM
———
"Ano?!" hindi makapaniwalang tanong ni Anikka, kaibigan ko. Nang ikuwento ko sa kanya kung ano na naman ang nadatnan ko kagabi sa bahay pag uwi ko.
"Hindi ko na alam kung paano ako magre-react. Nagkunwari akong hindi ako nasaktan kagabi, pero nagalit lang siya. Kapag naman nagagalit ako tuwing may babae siya, nagagalit rin siya dahil wala raw akong karapatan." mangiyak-ngiyak kong sabi sa kaibigan ko.
"Girl, sinasabi ko sa 'yo. Wala na sa tamang katinuan 'yang asawa mo! Bakit ba kasi ayaw mo pa rin siyang iwanan? Ayaw mo rin mag demanda, 'yung totoo, tanga ka ba?" sermon niya sa akin.
"Mahal ko siya." tipid kong sabi.
"Mahal? Pagmamahal pa ba ang tawag d'yan? Luna, hindi na makatao ang trato niya sa 'yo! Tapos sasabihin mo sa aking mahal mo siya? Gumising ka nga!" galit niyang sabi.
"Hindi ko na alam. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit patuloy pa rin akong umaasa na isang araw, matututunan niya rin akong mahalin. Umaasa akong mawawala rin ang galit niya sa puso niya para sa akin." sabi ko.
"Umaasa ka lang sa wala. Alam mo naman na sa simula't sapul, pinakasalan ka lang niya para pahirapan, hindi ba? Luna naman! You're beautiful, edukada ka naman at matalino, pero bakit pagdating sa p*steng Rades na 'yon, ang b*bo-b*bo mo?" frustrated na sabi ng kaibigan ko.
Hindi na ako nakasagot sa sinabi ni Anikka. Tama naman talaga siya, bakit pagdating kay Rades ang tanga at ang b*bo ko?
Pagkatapos ng naging pag uusap namin ni Anikka ay nagpaalam na rin siya dahil dumating na ang boyfriend niya para sunduin siya dahil may date ang mga ito. Ako naman ay dumiretso na pauwi dahil pagod na rin naman ako.
Pagdating ko sa bahay wala pa si Rades doon. Himala yata at huli siyang umuwi ngayon.
Habang naglalakad ako paakyat sa kuwarto ko na nasa ikalawang palapag ng mansion ay napadaan ako sa malaking wedding picture namin ni Rades na nakasabit sa wall. Todo smile ako ng araw na 'yan, kitang-kita naman 'yon sa picture. Habang si Rades naman ay seryoso lang.
It was a year ago. Isang taon na kaming kasal ni Rades at halos isang taon niya na rin akong niloloko pero tinitiis ko lang lahat 'yon. Nangako ako sa kanya at sa harapan ng Diyos na mamahalin ko siya sa hirap man at ginhawa. Kaya wala akong karapatan na mag reklamo kung anuman ang nangyayari sa pagsasama namin. Siguro hihintayin ko na lang ang oras o raw na mapagod ako. Sa ngayon, hangga't kaya kong magtiis, hangga't kaya kong mahalin siya, patuloy ko pa rin siyang mamahalin. Alam kong kahibangan na 'to, pero masisisi n'yo ba ako kung gano'n ko kamahal ang asawa ko?
"Luna!" boses iyon ni Rades galing sa labas ng kuwarto ko kaya naman dali-dali akong bumaba sa kama ko para pagbuksan siya.
"Ba-bakit?" kabado kong tanong. He's drunk. Kapag ganitong lasing siya ay natatakot ako dahil hindi ko alam kung ano ang pwedeng gawin niya.
"Ipaghanda mo kami ng makakain ni Rebecca. Bilisan mo!" utos niya sa akin nang pagbuksan ko siya ng pintuan. Kahit na pagod ako at gusto ko nang magpahinga ay ginawa ko pa rin ang utos niya.
Pagbaba ko ay nadatnan ko sa sala ang isang magandang babae. She's wearing a sexy dress and a red high heels. Light lang din ang makeup niya, kaya naman kitang-kita ang kagandahan niya maging ang hubog ng katawan niya ay napaka perpekto.
"Hi." casual niyang bati sa akin. Gustuhin ko mang ngitian siya ay hindi ko magawa dahil tila pinupunit na naman ang puso ko ngayon. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na magselos sa babaeng kasama ngayon ng asawa ko. I wish I was her.
"Ang gandang maid mo naman." sabi niya. Her voice was soft at mukhang mabait siyang babae. Hindi na rin ako nagulat na maid ang pakilala sa akin ni Rades.
"Naka-ready na ang pagkain sa table. Puwede na po kayong pumunta sa dining area, hinihintay na kayo ni sir Rades." sabi ko sa kanya pagkatapos kong mag-prepare ng pagkain.
"Thank you." nakangiti niyang sabi. She looks so nice and sweet. Kaya siguro nagustuhan siya ni Rades.
"Puwede na po ba akong umakyat at magpahinga, Sir?" tanong ko kay Rades nang masiguro kong nasa table na lahat ng kailangan nila ng babae niya.
"Not yet. Hintayin mo kaming matapos rito, magliligpit ka pa." malamig niyang sabi. Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa sinabi niya.
"It's okay. Magpahinga ka na, ako na lang ang magliligpit mamaya." sabi ni Rebecca kaya naman hindi na naka-angal pa si Rades. Umakyat na rin ako dahil hindi ko na kayang magpigil. Gusto nang sumabog ng dibdib ko dahil sa labis na sakit.
I wish I was her. Napaka swerte ng mga nakakasamang babae ni Rades, kahit ilang oras niya lang nakakasama ang mga ito, he treated them well. Hindi kagaya ng trato niya sa akin na daig ko pa ang basura.
"Luna!" malakas na sigaw na naman ni Rades sa labas ng kuwarto ko.
"How dare you!" galit niyang sabi pagbukas ko ng pintuan ng kuwarto ko.
"Bakit mo ako pinahiya kay Rebecca? Wala ka talagang kw*nta!" sigaw niya sa akin. He was about to slap me too. Nakaangat na ang kanyang kanang kamay para ipangsampal sana sa akin, maging ako ay napapikit na rin; waiting for his hand na dumapo sa pisngi ko. But gladly, he didn't do it. Hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay.
"I hate you! Why are you torturing me to death, Luna?" he asked. Nagulat rin ako nang makita kong umiiyak siya. Marahil dala ito ng kalasingan niya.
"Rades—"
"Stop it! Bakit hindi na lang ikaw ang namat*y? Bakit kailangang si Cindy pa? I hate you for k*lling her. I hate you for making me the baddest husband on earth!" he said and left me.
Hindi na ako nakapagsalita. Sa loob ng isang taon naming pagsasama. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng gano'n. Ano ba ang nagawa ko at bakit labis ang galit niya sa akin? Did I really k*lled his lover, Cindy? Pero bakit wala akong maalala? D*MN! I hate this, I hate my life!
———
TO BE CONTINUE. . .
BINABASA MO ANG
When A Faithful Wife Gets Tired
AcakAno kaya ang mangyayari kung ang babaeng nagtiis ng isang taon sa lalaking mahal na mahal niya ay bigla na lang natauhan isang araw? Sierra Luna Cruz-Montero, ang babaeng handang tiisin lahat ng kawalanghiyaan ng asawa niya sa kanya dahil sa sinump...