Chapter 6: Way To Freedom

81 4 0
                                    

WAY TO FREEDOM

---

Pagdating na pagdating namin sa Maynila, sa bahay ni Anikka kami dumiretso ni Jacob. Madilim na nang dumating kami kaya naman sobrang dilim na rin sa bahay nila nang datnan namin ito.


"Anikka?" tawag ko sa kaibigan ko ngunit nakakabinging katahimikan lamang ang sumalubong sa amin ni Jacob.

"Anikka!" si Jacob naman ngayon ang sumubok na tawagin ang kaibigan namin gamit ang malakas niyang boses. Ngunit kagaya nang una, walang ingay kaming narinig.



Bukas ang pintuan ng bahay kaya naman malaya kaming nakapasok ni Jacob. Nang akmang pipindutin ko ang switch ng ilaw para magkaroon ng liwanag sa loob ay sakto naman ang pagbukas ng lahat ng ilaw na nagbigay ng liwanag sa buong silid.


"Anikka!" naabutan naming nakatali si Anikka sa silya. May takip rin ang bibig niya kaya hindi siya makagawa ng ingay. Habang sa kabilang silya naman ay nakaupo si Rades. He's holding a g*n.



"Sinasabi ko na nga ba at babalik ka rin!" he said angrily. Mabilis siyang tumayo at naglakad patungo sa direksiyon ko. Halos malagutan rin ako ng hininga nang itutok niya kay Jacob ang bar*l na hawak niya.




"Don't you dare to make any move or I'll sho*t you!" pagbabanta niya kay Jacob. Hindi gumawa ng kahit na anong kilos si Jacob, itinaas niya rin ang dalawang kamay niya para ipahiwatig kay Rades na hindi siya lalaban. Pero sa nakikita ko, mukhang may binabalak siyang gawin.



"Jacob, please? Gawin mo na lang kung ano ang gusto niya!" pagmamakaawa ko kay Jacob. Ayokong madamay siya sa rito. Kung tutuusin, hindi dapat sila damay ni Anikka rito kung hindi lang ako nagtangkang umalis sa poder ni Rades at lumapit sa kanila.


Ibinaling ko ang tingin ko kay Anikka. Mula nang dumating kami hanggang ngayon ay umiiyak lang siya.



"I'm sorry, Anikka. I'm so sorry." napapailing kong sabi habang nakatingin lang sa kanya.



"You! How dare you to runaway, huh?" galit na sabi ni Rades bago niya ako hinawakan ng marahas sa leeg ko. Hindi na ako umalma sa ginawa niya. Gusto ko na lang na matapos na 'tong problema na ito at wala nang ibang madamay pa.




"Umuwi na tayo, pakiusap." sabi ko sa kanya habang umiiyak.




"Ito lang naman ang gusto kong marinig mula sa 'yo, Luna! I want you to beg and cry like there's no tomorrow coming!" nanlilisik ang mga matang sabi niya bago niya ako hinagkan sa likod ng tainga ko. Napapikit na lamang ako habang wala pa ring humpay sa pag agos ang mga luha ko.



"Now that she's back, aalis kami rito na parang walang nangyari. Kaya kung ako sa inyong dalawa, huwag na huwag niyong susubukan na gumawa ng bagay na ikakagalit ko dahil hindi niyo alam kung ano ang kaya kong gawin. Kuha n'yo?" pagbabanta niya kay Anikka at Jacob.



"You! Lapitan mo ang babaeng 'yon at kalagan mo." utos niya kay Jacob. Dali-dali namang tumakbo si Jacob palapit kay Anikka at ginawa ang sinabi ni Rades.




"Luna, bakit bumalik ka pa?" umiiyak na tanong ni Anikka nang sa wakas ay natanggal na ni Jacob ang tali sa bibig niya.




"In the first place, hindi dapat ako umalis. Problema naming mag asawa 'to kaya hindi ko na dapat kayo dinamay rito." sabi ko.


"Luna, naririnig mo ba ang sarili mo? Wala na sa sarili 'yang lalaking 'yan-ahh!" halos malaglag si Anikka sa kinauupuan niya ng kasahin ni Rades ang bar*l na hawak niya at itutok iyon sa kanya.



"Rades!" malakas na sigaw ko para lang huwag niyang ituloy ang binabalak niya.



"Sinasabi ko na nga bang ikaw ang nagsusulsol sa asawa ko para gawin ang lahat ng 'to! Do you want to d*e?" galit na galit niyang sabi.




"Anikka, please! Tumahimik ka na lang. Let's end our friendship here. Kalimutan mo na ako at kakalimutan na rin kita!" sigaw ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Anikka dahil sa sinabi ko. Magsasalita pa dapat siya pero mabilis ko nang hinila palabas ng bahay niya si Rades.



"Umuwi na tayo!" sabi ko kay Rades hawak hawak-hawak ko siya sa kanang kamay niya. Hindi siya nagsalita. Tahimik lang siyang nakasunod sa amin.



Nang makauwi kami sa bahay ay doon na naman siya parang bal*w na nagwawala.


"Sino ang Jacob na 'yon?" galit na galit niyang tanong.



"Rades, hindi kita maintindihan!" bulyaw ko kaya natahimik siya.


"You're making me crazy!" muling sigaw ko habang nakasabunot ang dalawang kamay ko sa buhok ko.



"Ano bang gusto mong mangyari, ang tuluyang mamat*ay ako? Kapag ba nawala na ako, babalik ka ba sa dati? Hindi na ikaw 'yung Rades na nakilala ko!" umiiyak kong sabi. Nakatingin lang siya sa akin na tila ba wala siyang balak magsalita.




"Ito, ito ba ang gusto mong mangyari?" inilabas ko ang bar*l niya na palihim kong kinuha kanina sa kanya habang busy siya sa pagmamaneho ng sasakyan pauwi. Ipinikit ko ang mga mata ko at dahan-dahang itinutok sa ulo ko ang bar*l na hawak ko.



"Luna!" naitapon ko ang bar*l nang bigla akong sugurin ni Rades. Dahil sa ginawa niya kaya nawalan ako ng balanse sa katawan dahilan para tuluyan akong bumagsak sa sahig. Napapikit na lamang ako dahil siguro akong tatama ang ulo ko sa sahig. Ngunit nagulat na lamang ako ng sa matigas na braso niya ako bumagsak. Hinarang niya ang braso niya sa posibleng pagbagsakan ko. Nasa ilalim ako at nakapatong siya sa akin, hindi nga bumagsak ang ulo ko pero nadaganan niya naman ako.



"Don't you dare to scare me again like that!" mahina niyang sabi bago niya inilapat ang labi niya sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko. Hindi ako humalik sa kanya pabalik, nanatiling dilat ang mga mata ko.



"I miss you so much," he whispered. Hindi ko alam pero tila libo-libong drums ang nasa dibdib ko ngayon dahil sa lakas ng ingay at kalabog nito.



"I miss you so much, Cindy." muling sabi niya na tuluyang nagpagising sa diwa ko. Napapikit ako kasabay ng pagpikit ko ay ang muling pagdaloy ng mga luha ko. Ang assuming ko naman masyado na inakala kong para sa akin ang mga katagang binanggit niya.


"What the h*ll!" he shouted pagkatapos ko siyang itulak ng malakas.


"Maghiwalay na tayo. Tapusin na natin ang kahibangang 'to, Rades!" sabi ko kanya.


"Hindi ako papayag. Walang maghihiwalay, Luna!" pasigaw na sabi niya bago niya ako tinalikuran.


"Ano ba talagang gusto mong mangyari? Hindi ka pa ba napapagod sa mga pagpapahirap mo sa akin? Ano pa ba ang gusto mong mangyari, Rades? Kasi sa totoo lang, pagod na pagod na ako! Ngayon, kung ganito lang din naman, mas mabuti pa talagang mawala na lang sa mundong 'to!"



B A N G !




"LUNA!" huling sigaw na ni Rades na narinig ko matapos kong kalabitin ang gatilyo ng bar*l na hawak ko. Napangiti ako sa isiping sa wakas ay makakalaya na rin ako sa kanya.



---

TO BE CONTINUE. . .

When A Faithful Wife Gets TiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon