HIS CONFESSIONS
———
"Luna, let's talk, please?" pakiusap ni Rades habang kumakatok sa pintuan ng kuwarto ko. Ano bang gusto niyang mangyari? Hindi pa ba malinaw sa kanya ayoko na?
"Rades, wala na tayong dapat pag-usapan!" malakas na sigaw ko mula sa kama ko upang marinig niya kahit na nasa labas siya.
"Please, Luna. I'm begging you, pakinggan mo lang ako at pagkatapos nitong sasabihin ko ay hindi na kita kukulitin pa." sabi niya. Dahil sa sinabi niya kaya pinagbigyan ko siya. Bumaba ako sa kama at nagtungo sa pintuan ng kuwarto ko para pagbuksan siya.
"Ano ba ang sasabihin mo?" diretsong tanong ko pagkatapos ko siyang pagbuksan.
"Gusto ko lang sabihin sa 'yo na lahat ng babaeng dinala ko sa bahay na 'to—" bago niya pa masabi ang sasabihin niya ay pinigilan ko na siya.
"Wala akong oras para makinig sa explanation mo, Rades. Besides, tapos na ang lahat ng 'yon, wala na akong pakialam pa." sabi ko sa kanya.
"Let me finish first," he said. Kinuha niya rin ang kamay ko at dahan-dahang pinisil. Nakatingin lang ako sa kamay ko na hawak-hawak niya.
"They're all actresses." sabi niya. Napakunot ako ng noo.
"Anong ibig mong sabihin?" kunot-noong tanong ko sa kanya.
"I didn't s*x them. Plano ang lahat ng 'yon para saktan ka. I know from the very start that you love me, and hiring an actress to make you jealous is one of the plan. I want to punish and torture you. Gusto kong paiyakin at saktan ka para lang huwag mo akong mahalin lalo." he explained. Gusto kong matawa dahil sa sinasabi niya pero hindi ko magawa. Naguguluhan ako.
"Alam kong mali na sinisi kita sa pagkamatay ni Cindy. It wasn't your fault, nando'n ako nang barilin ni Cindy ang sarili niya. I wasn't mad at you, I was mad at myself for doing nothing to stopped her from what she's planning to do." he's now crying while saying those confessions.
"I was too scared that time that I can't even move. It was my fault, and I can't accept it that's why I blamed you. I'm sorry, I was a coward and an assh*le." tila pinipiga ang puso ko habang pinapakinggan si Rades sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya hindi ako makapagsalita.
"You know how much I love her. At hindi ko matanggap no'ng una na mas minahal na kita kaysa kay Cindy! Ginawa ko ang lahat para hindi kita mahalin, pero sa bawat pag gising ko, lalo lang lumalalim ang pagmamahal ko para sa 'yo, Luna. Alam kong kahit anong gawin kong pagpapanggap na wala akong pagmamahal para sa 'yo, ay wala akong magawa para pigilan ito. The harder I tried to stopped it, the stronger it grows. I can't lose you, Luna. I just can't, so, please? Let me love you this time." he pleaded.
"Ba—bakit ngayon mo lang sinabi lahat ng 'to?" umiiyak kong tanong habang nakatitig sa mga mata niya.
"Dahil natakot ako, natakot akong baka mawala ka rin sa akin. Lahat kasi ng minamahal ko, iniiwan ako. Pasensiya na, Luna." he said while still crying. Gusto kong punasan ang mga luha niya at sabihing hindi ko siya magagawang iwanan kahit kailan dahil mahal ko siya. Pero hindi ko magawa. Nanatili akong nakatayo lang habang wala man lang ginagawa para sana pagaanin man lang ang nararamdaman niya.
"—bakit ngayon lang kung saan napagod na ako?" nanghihina kong sabi habang tuloy-tuloy pa rin ang pagdaloy ng mga luha ko.
"Alam mo namang lumaki ako sa bahay ampunan, hindi ba? Lumaki akong nangungulila sa pagmamahal ng totoong mga magulang ko. Hindi ko alam kung ano ang dahilan nila kung bakit ako nila iniwan doon, pero kahit na gano'n 'yung nangyari matiyaga pa rin akong naghihintay hanggang ngayon sa pagbabalik nila para sa akin. Just like how much I love you—before. I tried so hard to understand you, nagpakatanga ako, nagpaka-faithful ako sa 'yo kahit na harap-harapan mo na akong ginagag* ng paulit-ulit, Rades! Mahal na mahal kita, pero pinagod mo ako, eh. Napagod ako at ayoko nang mas mapagod pa." I said before pushing him away.
"Please, Luna. Just give me another chance, please? Ayusin natin 'to, let's fix our marriage. I'm begging you—" hindi ko na kaya 'to. Hindi na kinakaya ng puso kong nakikita si Rades na nagmamakaawa sa akin para lang maayos kami.
I am out of words. Hearing his explanations lightens my heavy heart. Lumaki man akong salat sa pagmamahal, pinalaki naman ako ng mga taong nakapalibot sa akin ng may mapagpatawad at mapagmahal na puso. Sino ba naman ako para ipagkait sa asawa ko ang bagay na alam kong kaya ko naman ibigay sa kanya?
Hinila ko si Rades palapit sa akin at saka siya siniil ng halik.
"I love you, my Sierra Luna Cruz-Montero." he whispered. Napangiti ako at niyakap siya ng mahigpit.
"I love you too." nakangiti kong tugon sa matamis niyang ‘i love you’.
Isang mainit at punong-puno ng pagmamahal na gabi ang pinagsaluhan namin Rades. We made love like it was our first time. Ramdam na ramdam ko rin ang pagiging maingat niya sa akin, tanda ng kanyang pagmamahal na kay tagal ko ring inasam na makamtan.
KINAUMAGAHAN, nagising ako na wala na si Rades sa tabi ko. Kaagad na gumuhit ang ngiti sa labi ko nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi pa rin ako makapaniwala na mahal niya rin ako, na sa wakas, nagawa niya ring suklian ang pagmamahal ko para sa kanya. Tila walang mapaglagyan ang labis na tuwang nararamdaman ko ngayon.
"Good morning, wife!" lalong gumuhit ang ngiti ko nang makita ko si Rades. May dala-dala siyang pagkain dito sa kuwarto ko.
Ang guwapo-guwapo niya ngayon, he's only wearing a white shirt and a boxer that suits him perfectly. Sunod-sunod na paglunok ang ginawa ko habang pinagmamasdan siya.
"Good morning too, husband!" bati ko sa kanya pabalik.
Nang tuluyan na siyang makalapit sa akin ay dahan-dahan niyang ibinaba ang maliit na table sa may paanan ko pagkatapos ay doon niya inilapag ang tray ng pagkain na dala niya.
"Wow! Ikaw ang nagluto?" malambing kong tanong sa kanya. Awtomatiko naman siyang ngumiti at siniil ako ng halik sa labi.
"Grabe, hindi ko akalain na marunong ka rin palang magluto." natatawa kong biro ko sa kanya.
"Wala yata akong hindi kayang gawin, 'no," biglang pagyayabang niya na mas ikinatawa ko.
"Thank you." sweet kong sabi sa kanya sabay halik sa pisngi niya.
"No, ako dapat ang magpasalamat sa 'yo. Thank you for giving me another chance. I promise to be the best even though I am not the best." he said sweety before kissing me on my forehead. Napangiti na lamang ako.
I never thought this day will come. Akala ko ay habambuhay niya akong kasusuklaman at hindi niya magagawang mahalin. But look, I'm finally getting the treatment that I deserve.
———
TO BE CONTINUE. . .
BINABASA MO ANG
When A Faithful Wife Gets Tired
RandomAno kaya ang mangyayari kung ang babaeng nagtiis ng isang taon sa lalaking mahal na mahal niya ay bigla na lang natauhan isang araw? Sierra Luna Cruz-Montero, ang babaeng handang tiisin lahat ng kawalanghiyaan ng asawa niya sa kanya dahil sa sinump...