Chapter 8: He's A Liar

86 4 0
                                    

HE'S A LIAR

---

"I'm sorry if I have to leave you here alone, wife. I need to go to the office now because of the urgent meeting for the monthly update of sales." mahabang litanya ni Rades. Tinignan ko lang siya at hindi ako nagsalita. Wala naman kasing dapat sabihin, eh. Isa pa, nakakapanibago pa rin kasi na bigla niya na lang ginagawa ang mga bagay na hindi niya naman dati ginagawa.


"Wala ka man lang bang sasabihin?" alanganin niyang tanong. Umiling lang ako bilang tugon sa kanya.

"Okay, I have to go. Please take care." he said. Nanlaki rin ang mga mata ko nang bigla niya akong halikan sa pisngi bago siya tuluyang lumabas ng bahay. Magrereklamo pa dapat ako pero hindi ko na nagawa dahil sa labis na pagkabigla.



It's been a week since the accident happened. After everything that happened, talagang naging weirdo si Rades. Iba na 'yung kilos niya, maging ang pakikitungo niya sa akin ay tuluyang nag iba. Bagay na hindi ko alam kung totoo ba o napipilitan lang siyang gawin dahil nagi-guilty siya sa nangyari. Hindi ko alam, wala talaga akong ideya.


Nang tuluyan nang makaalis si Rades ay sinubukan ko pa siyang silipin sa bintana kung talaga bang umalis na siya. Nang makumpirma kong nakaalis na nga siya ay saka ako nag isip ng puwedeng gawin. Pakiramdam ko kasi ay mababaliw na ako kakaisip kung pinaglalaruan niya lang ba ako kaya naman kahit na labag sa loob ko itong gagawin ko ay kailangan ko pa ring gawin.




Napagdesisyunan kong ipagluto siya ng lunch at hatiran sa opisina niya. This is the very first time na gagawin ko 'yon.


Dali-dali akong nagtungo sa kusina para ihanda ang mga ingredients ng naisip kong lutuin. Pork adobo was his favorite, kaya naman iyon ang lulutuin ko. Chineck ko 'yung freezer kung may available ba na karne pang adobo, nang makita kong mero'n ay napangiti na lamang ako habang inilalabas ko iyon sa freezer.


Nang maihanda ko na lahat ng ingredients ko ay nagsimula na akong magluto. It took me almost two hours bago ko natapos lahat, from cooking to preparing the food. Sakto at lunch time na rin.



Pagkatapos kong magluto at maghanda ay dali-dali akong umakyat sa taas para magbihis at para makaalis na rin kaagad ako. Nang ready na ang lahat ay sunod ko namang kinuha ang susi ng aking sasakyan. Habang nagmamaneho patungong office ni Rades ay hindi ko maiwasan ang hindi kabahan, ito kasi ang unang beses na gagawin ko 'to; ang pumunta sa opisina niya.






Bumuntong hininga muna ako ng ilang beses bago ko napagpasyahang lumabas na ng sasakyan ko bitbit ang lunchbox na pinaglagyan ko ng pagkain niya. Sunod-sunod rin na pagbuga ng hangin ang ginawa ko bago ako humakbang papasok sa entrance ng Montero's Group of Companies kung saan si Rades ang kasalukuyang CEO.





"Excuse me, sino po ba ang sadya niyo?" magalang na tanong sa akin ng guard sa entrance pa lang. Ngumiti ako sa kanya bago ko sinabi kung sino ang sadya ko.



"I'm here for Mr. Alexander Rades Montero." sabi ko.


"Sandali lang ho, tatawagan ko lang ang secretarya niya. Kaano-ano niyo po si Boss?" muling tanong nito.


"I'm his wif-"


"Okay na ho, ma'am. Puwede niyo na siyang puntahan sa office room niya." aniya.



Ngumiti ako sa guard bago nagmamadaling nagtungo sa pinakamalapit na elevator para kaagad na makarating sa 24th floor kung nasaan ang office room ni Rades.





When A Faithful Wife Gets TiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon