LIVING WITH HIS MISTRESS
---
KINAUMAGAHAN ay hindi ako nakapasok sa trabaho ko dahil sa sobrang taas ng lagnat ko. Hindi ko akalain na lalagnatin ako dahil sa ginawa sa akin ni Rades kagabi.
Kahit na hirap na hirap akong bumangon dahil sa labis na sakit ng ulo ko ay minabuti ko pa ring makabangon. Ngunit natigilan ako nang maramdamang pati buong katawan ko ay nanakit rin.
"It's his fault!" inis kong sabi sa sarili.
Nang magtagumpay ako sa pagtayo ay paika-ika akong naglakad papuntang pintuan. Nang makarating ako sa pintuan ay dahan-dahan kong binuksan iyon.
"What the!" reklamo ko nang bumungad sa labas si Rades.
"What took you so long to open your fvckin' door?" galit niyang sabi.
"I didn't know that you're knocking. Kakagising ko lang at masama ang pakiramdam ko." malamig kong sabi.
"Arte mo! Bumaba ka na at ipaghanda mo kami ng pagkain ni Ashley. I-akyat mo rin sa kabilang kuwarto ang mga gamit niya, she's living here." utos niya. Pero natigilan ako nang ma-realize ang huling sinabi niya.
"What? Who's Ashley? Bagong babae mo? Talagang dito mo patitirahin sa bahay?" sunod-sunod at galit kong tanong.
"Yes. My decision is final. Wala kang karapatan para pigilan ako." he said as if it's really okay.
"Hindi ka ba nag iisip? Rades naman! Kaunting respeto naman d'yan!" nangingilig ang mga luhang pakiusap ko sa kanya.
"Respect? You don't look like respectable, Luna." pagkasabi niya no'n ay tinalikuran niya na ako.
Kahit na hirap na hirap akong kumilos dahil may sakit ako ay ginawa ko pa rin ang utos ni Rades. Bumaba ako at pinaghanda sila ng pagkain. I even arranged his mistress' belongings sa bakanteng kuwarto, katabi lang ng kuwarto ni Rades.
"Thanks." maarteng sabi ng babae pagkatapos ko siyang ihatid sa magiging kuwarto niya.
"Wala ka bang bahay?" inis kong tanong sa kanya. Ang kapal naman ng mukha niya para ipagsiksikan pa rito ang sarili niya.
"I own a condo. But since Rades offer me to live with him who I am to refuse, right?" tila kinikilig niyang sabi.
"Aware ka namang asawa ako ni Rades, hindi ba?" I asked.
"Yes." nakataas ang kilay niyang tugon.
"Yes? Pero nandito ka pa rin? Alam mo bang puwede kayong makulong sa ginagawa n'yo?" pagbabanta ko sa kanya.
"I know. But Rades told me that you can't do such thing to him. I know how much you love him, kaya nga handa kang magpaka-martir at magpakatanga sa kanya, hindi ba?" mapang-asar niyang sabi. Dahil sa sinabi niya kaya naikuyom ko ang kamao ko. Gusto ko siyang saktan, kung alam niya lang.
"Alam ko rin na halos magkakaibang babae ang dinadala niya rito sa bahay niyo araw-araw. Take note, they're doing s*x in front of you. Because of that, na-excite ako! Gusto ko ring mag s*x kami ni Rades sa harapan mo! Ang exciting no'n, for sure." nahihibang niyang sabi.
Bago pa tuluyang tumulo ang mga luha ko ay tumalikod na ako. Sakto paglabas ko ng kuwarto ng Ashley na 'yon ay kaagad nagsibagsakan ang mga traydor kong luha.
"Ano na namang drama 'to, Luna?" tanong ni Rades nang madaanan niya akong umiiyak na naman. I didn't bother to answer his question. Diretso akong naglakad at nagtungo sa kuwarto ko.
I can't take it anymore. Gusto ko nang makawala sa impyern*ng buhay na 'to. But, how? How can I leave this miserable life? I have no one to run with. Hindi ko kilala ang mga magulang ko. Lumaki ako sa bahay ampunan at tanging pamilya lang ni Cindy ang mero'n ako. His uncle adopted me when I was 10 years old, but when he passed away four years ago, ang pamilya ni Cindy na lang ang natitirang pamilya na mero'n ako. Pero dahil sa aksidenteng nangyari, lahat tuluyang nawala sa akin.
Nang talikuran ako ng pamilya ni Cindy, si Rades ang sumalo sa akin. Akala ko totoo siya at tunay ang intensyon niya nang alukin niya ako ng kasal. But right after our wedding, lumabas ang totoong pakay niya sa akin. He wanted to take revenge. He wanted to torture me for the crime that I didn't commit.
"Luna!" napabalikwas ako ng bangon nang boses na naman ni Rades ang narinig kong tumatawag sa labas ng kuwarto ko. Hindi ko na dapat siya papansinin at hahayaan na lang sa pagsigaw niya hanggang sa matuyo ang lalamunan niya, pero halos sirain niya na ang pinto dahil sa lakas ng pagkalampag niya rito.
"Ano na naman ba?" inis kong tanong matapos ko siyang pagbuksan. Kasama niya si Ashley na daig pa ang ahas kung makalingkis sa kanya.
"I told you, I want you to watch us while doing it!" maland*ng sabi ng Ashley. I know what she's pointing out. Dahil do'n kaya napairap ako.
"Rades, pwede ba? Masama ang pakiramdam ko at wala akong panahon sa kabab*yan n'yo!" galit kong sabi.
"At sinong nagsabi sa 'yo na may karapatan kang tumanggi?" nanlilisik ang mga matang tanong ni Rades. But I don't care. I acted like I am not affected with his words or to what he had just said.
"Babe, I want her to watch us." nakangusong sabi ni Ashley kay Rades. Ang sarap niyang tirisin at ipakain sa pating, kung alam n'ya lang!
"Luna!" sigaw ni Rades sa akin. Ang kapal-kapal talaga ng mukha niya.
"Ganyan ka na ba talaga kahina at ka uto-uto, Rades? Mga babae ba talaga ang kahinaan mo? Grabe, nakakaawa ka naman. Pinalaki kang matino ng mga magulang mo pero lumaki kang uto-uto at wala na sa tamang pag-iisip-"
"Shut up!" he shouted. He was about to slap me pero mabilis siyang napigilan ni Ashley.
"From now on, hindi na kita susundin! Hinding-hindi na rin ako magpapakatanga at magpapakahibang sa 'yo! Ngayon, kung gusto mo talaga akong pilitin, sige. Pilitin mo ako at baka mapilitan na talaga akong lumapit sa mga pulis!" buong tapang kong sabi dahilan para matigilan siya. Maging si Ashley ay natahimik rin at napatakip na lang ng bibig niya.
"Isang taon akong nagtiis sa 'yo, isang taon kong tinanggap lahat ng pambabab*y mo sa akin, sa pamamagitan ng pagdadala ng kung sino-sinong babae rito! Lahat ng 'yon, pinalagpas ko pero hindi ibig sabihin na nakalimutan ko 'yon o kakalimutan ko 'yon! Idagdag mo pa 'tong pagpapatira mo sa bahay ng kab*t mo, tignan natin kung hindi ka makulong!" pagkasabi ko no'n ay pinagsaraduhan ko na sila ng pintuan.
Buo na ang desisyon ko. At iyon ay ang lisanin ang bahay na 'to at kalimutan nang tuluyan si Rades.
---
TO BE CONTINUE. . .
![](https://img.wattpad.com/cover/366259056-288-k440786.jpg)
BINABASA MO ANG
When A Faithful Wife Gets Tired
AléatoireAno kaya ang mangyayari kung ang babaeng nagtiis ng isang taon sa lalaking mahal na mahal niya ay bigla na lang natauhan isang araw? Sierra Luna Cruz-Montero, ang babaeng handang tiisin lahat ng kawalanghiyaan ng asawa niya sa kanya dahil sa sinump...