NIGHTMARE
---
"Luna, ano 'to?" galit na tanong ni Cindy, hawak niya rin ang personal diary ko sa kaliwang kamay niya.
"Bakit nasa iyo 'yan?" mahinang tanong ko sa pinsan ko. Lalong gumuhit ang matinding galit sa mukha niya bago binuklat ang bawat pahina ng notebook na hawak-hawak niya.
"You're in love with my boyfriend, talaga ba?" kulang na lang ay lamunin niya ako nang buhay sa paraan ng pagtitig niya sa akin.
"Cindy, akin na 'yan!" sinubukan kong kuhanin iyon sa kanya ngunit iniiwas niya lang ito sa akin dahilan para mawalan ako ng balanse sa katawan at masubsob sa sahig.
"Lahat na lang gusto mong agawin sa akin? Hindi pa ba enough ang uncle ko at ang parents ko? Luna, masyado ka nang maraming inaagaw sa akin!" she shouted in so much anger.
"No, nagkakamali ka, Cindy. Wala akong inaagaw sa 'yo, at hindi ko balak na agawin sila sa 'yo." umiiyak kong sabi. Akala ko okay kami ni Cindy, pero hindi ko alam na may ganitong issue pala siya sa akin.
"Walang balak? Eh, inagaw mo na nga sila sa akin, di ba? Lahat sila ikaw ang gusto, ikaw ang mahal!" she shouted while crying too.
"Tignan natin kung hindi mawawala ang lahat sa 'yo pagkatapos nitong gagawin ko!" nanlaki ang mga mata ko nang ilabas niya ang bar*l at itinutok iyon sa kanyang sarili.
"Cin-dy, please? Huwag mong gagawin 'yan!" pakiusap ko sa kanya.
"At bakit hindi? Ikaw 'yung mabuti dito, hindi ba? Kapag namatay ako, ikaw ang sisisihin ng lahat! Gusto kong maranasan mo rin kung paano kamuhian at maging masama sa paningin nilang lahat!" she said desperately.
B A N G!
Malakas na putok ng baril.
Halos manigas ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin kay Cindy na naliligo sa sarili niyang dugo.
I can't move.
I don't know what to do.
Until. . .
"Cindy!" malakas na pagsigaw ni Rades. Nangungusap at gulong-gulo ang klase ng tingin niya.
"Cindy, anak!" sunod na sumulpot ay si Tito at Tita. Kagaya ni Rades, nakatingin din sila sa akin. They're looking at me as if I am the one to blame.
Hindi ako makapagsalita para ipagtanggol ang sarili ko at sabihin sa kanila kung ano talaga ang nangyari. They're judging me already as if I murdered their daughter and his girlfriend.
"Kapag may nangyaring masama sa girlfriend ko, habambuhay mong pagbabayaran 'to!" matigas na sabi sa akin ni Rades habang niyuyugyog niya ng malakas ang buong katawan ko.
"You k*lled our daughter, you ungrateful b*tch!" It was Cindy's mom. Kulang na lang ay lamunin niya ako ng buhay sa klase ng tingin niya. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko sa mga paratang nila.
"You're a murderer!"
"You'll pay for it!"
BINABASA MO ANG
When A Faithful Wife Gets Tired
RandomAno kaya ang mangyayari kung ang babaeng nagtiis ng isang taon sa lalaking mahal na mahal niya ay bigla na lang natauhan isang araw? Sierra Luna Cruz-Montero, ang babaeng handang tiisin lahat ng kawalanghiyaan ng asawa niya sa kanya dahil sa sinump...