LIFE WITHOUT HIM
———
"Mommy, I'm sad." nakasimangot na sabi ng anak ko. Mabilis na nagbago ang reaction ko. Kung kanina todo ngiti pa ako nang salubungin ko siya, ngayon ay tila may kaunting kirot na ito knowing that my daughter is sad.
"Why baby, what's wrong?" mahinahon kong tanong sa kanya.
"My classmates teased me, they said I'm adopted because I don't have a daddy." nagsimula nang mangilig ang mga luha niya pagkatapos niyang sabihin iyon. Tila pinipiga ngayon ang puso ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Parang gusto ko na lang din umiyak ngayon sa harapan ng anak ko. But no, I have to be strong for her.
"I'm sorry, baby. Don't worry, I'll talk to your teacher tomorrow, okay? Kakausapin natin ang mga nang-aasar sa 'yo." I told her.
"It's okay, Mom. I already told them that Daddy is just busy working and he's going to attend on our Family Day!" she said. Bigla rin nagliwanag ang mukha niya habang sinasabi niya iyon.
Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa ang sinabi ng anak ko. Paano mangyayari ang gusto niya gayong anim na taon na akong walang contact kay Rades.
"Eury, anak. . ." tawag ko sa atensiyon niya.
"Yes, Mom? I am right, 'di po ba? Daddy is going to be there?" she said excitedly. I don't want her to be upset kaya hindi na lang ako nagsalita. I don't know how to tell her that what she wants is impossible to happen.
It's been six years since that day happened. Nang malaman kong buntis ako ay sakto rin ang muling pagpapakita ni Cindy. Ginamit ko ang senyales na iyon para tuluyang lumayo kay Rades. Akala ko kasi ay tuloy-tuloy na ang pagiging masaya namin lalo na at mabibiyayaan kami ng anak, pero nagkamali ako. Dumating lang si Cindy ay nakalimutan niya na kaagad ako. Kaya wala na akong rason para manatili pa roon.
Sa anim na taon na 'yon, nagpakalayo-layo ako. Nagtungo ako sa lugar na alam kong hindi nila ako mahahanap. Nagsimula akong muli, ngunit hindi mag-isa dahil kasama ko ang anak ko.
Kung ako lang ang tatanungin, ayoko nang magkaroon ng kahit na anong ugnayan sa nakaraan ko, lalong-lalo na kay Rades at Cindy. Pero sa sitwasyon ko ngayon, mukhang malabong mangyari ang gusto ko.
As a mother of Eurydice Ellaine, I don't want to see her unhappy. Kung pwede lang, gusto kong ibigay sa kanya lahat ng bagay na makakapagpasaya sa kanya, as long as I can.
Now that she's asking for her father, kaya ko ba 'yung ibigay sa kanya? It was a simple question, actually, pero bakit ang hirap nitong sagutin?
"Eury, do you really want to see your Dad?" I asked her. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko dahil sa tanong kong iyon sa anak ko. Kailangan ko pa ba talagang itanong sa kanya ang bagay na alam ko na mismo ang sagot?
"Yes, Mommy! I really want to see him po. I want to play with him and asks him many questions!" while saying those, I can see how genuine her happiness is. Ngayon, paano ko matitiis ang batang 'to?
I guess, it's time.
———
RADE'S POV:
"Sir, negative po ulit." malungkot na saad ng personal investigator ko. Ang tinutukoy niya ay ang lugar kung saan may nakapagsabi kung nasaan nakatira ngayon si Luna.
Bigla na lang bumagsak ang balikat ko maging ang excitement na halos isang Linggo kong naramdaman ay biglang naglaho.
I did everything to searched for her for six years pero wala akong makuhang impormasyon tungkol sa kaniya. Marahil tama nga ang kasabihan na hindi mo mahahanap ang taong ayaw magpahanap. Gayunpaman, hindi dapat ako sumuko at panghinaan ng loob dahil kasalanan ko kung bakit niya ako iniwan. Kung kinakailangan kong gugulin ang buong buhay ko para lang mahanap siya ay gagawin ko.
"It's alright, please check all the information that you gathered about her. Kung kinakailangan mong puntahan lahat ng sulok ng bansa, or even abroad, please do it for me. I'll triple your salary, just please, find my wife." I begged him. I know I sounds desperate saying those to Diego, but I don't really care.
"I will, sir." he said. Mapait akong ngumiti sa kanya bago siya tuluyang nagpaalam sa akin.
Nang makaalis si Diego ay napahilot ako sa aking sintido. I can't take it anymore. Isang buwan na lang at kapag wala pa ring nangyayari ay mapipilitan na akong i-broadcast siya sa National TV.
"Saang lupalop ka ba kasi nagtatago, Sierra Luna Cruz?"
"Sir, Ma'am Cindy is here. Papapasukin ko po ba siya?" my secretary asked. Tumango lang ako sa kanya para ipayahag ang pagpayag ko.
"What brings you here?" I asked her when she entered my office. Instead of answering my question, mabilis siyang lumapit sa akin ay niyakap ako.
"I missed you." sabi niya habang nakasubsob ang mukha niya sa balikat ko. Napa iling na lang ako sa pagiging clingy niya. Pero naiintindihan ko, dala lang siguro ito nang pagbubuntis niya.
"Nagkita pa lang tayo kanina, 'di ba?" natatawa kong sabi sa kanya. Sumimangot siya at marahan akong pinalo sa dibdib.
"Ang arte mo! Pasalamat ka nga kahit buntis na ako ay nag-i-effort pa rin akong makita ka. Bahala ka nga d'yan!" parang bata niyang sabi sabay padabog na lumabas sa opisina ko.
Natatawa na lang ako habang sinusundan siya ng tingin palabas na tila batang nagtatampo sa tatay niya. Wala pa rin siyang pinagbago, hindi, ang laki pala ng ipinagbago niya simula nang magbuntis siya.
———
LUNA'S POV:
"I thought you're going to talk to him?" naguguluhan na tanong ni Anikka nang bigla akong umatras sa plano kong dapat pagkausap kay Rades.
"Paano ko naman gagawin 'yon ngayong buntis si Cindy? Ayokong maging sanhi ng gulo sa kanilang dalawa. Kahit papaano kasi, itinuturing ko pa ring pinsan si Cindy." malungkot na sabi ko. Ever since, alam ko na kung gaano ka-selosa si Cindy. Baka pag kinausap ko si Rades ay magwala na lang bigla itong si Cindy, ayoko namang may mangyari sa kanya at sa magiging pamangkin ko.
"Girl, it's been six years and you're still prioritizing her? Iniisip mo pa rin ang magiging feelings ng impakta mong pinsan kaysa sa 'yo at sa anak mo?" may katarayan na sabi ni Anikka. Napabuntong-hininga na lang ako.
"Di ba nga sabi mo, gagawin mo 'to para kay Eury? Ano na? Nandito ka na, oh! Chance mo na 'to para mapasaya ang anak mo, tapos ngayon aatras ka? Gumising ka nga!" kulang na lang ay kurutin ako ni Anikka habang pinagsasabihan ako.
"Hindi ko pa kasi siya kayang harapin, eh. Hindi ko kaya, Anikka. Pwede favor na lang? Pa-sekreto mo na lang itong ibigay sa sekretarya niya, please? I can't stay here any longer, masama ang kutob ko." sabi ko at saka inabot kay Anikka ang puting sobre na naglalaman ng invitation para sa gaganaping family day ng anak ko sa school nila.
"Fine." kinuha ni Anika ang sobre pagkatapos ay dumiretso siya sa sekretarya ni Rades. Habang nagmamadali naman akong naglakad palabas ng building.
I am wearing a blonde hair wig and a sunglass to disguised myself. Ayokong may makakilala sa akin dito dahil kapag nagkataon ay baka magulo na naman ang tahimik kong mundo.
This is for my daughter, Eury. Nothing else.
———
TO BE CONTINUE . . .
BINABASA MO ANG
When A Faithful Wife Gets Tired
LosoweAno kaya ang mangyayari kung ang babaeng nagtiis ng isang taon sa lalaking mahal na mahal niya ay bigla na lang natauhan isang araw? Sierra Luna Cruz-Montero, ang babaeng handang tiisin lahat ng kawalanghiyaan ng asawa niya sa kanya dahil sa sinump...