HE LOVES ME
———
"Anikka!" tawag ko sa kaibigan ko na kakapasok lang sa café kung saan ako naghihintay sa kanya.
"Luna!" bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala at pangungulila sa akin. Siguro ay iniisip niya pa rin ang kalagayan ko sa poder ni Rades.
"Miss na miss kita!" mangiyak-ngiyak niyang sabi bago ako niyakap ng mahigpit. Sinuklian ko rin ang yakap niya sa akin.
"Miss rin kita." sabi ko habang pinapahid ang mga luhang namumuo sa mga mata ko. God! I miss this girl so much.
"Kumusta ka? Okay ka lang ba? Sinasaktan ka pa rin ba ng gag* mong asawa?" sunod-sunod na tanong niya.
"Maupo na muna tayo bago ko sagutin ang mga tanong mo." nakangiti kong sabi. Nang makaupo na kaming pareho ay saka ako nagsalita para sagutin ang mga tanong niya.
"To be honest, after what happened, hindi ko alam pero biglang nagbago ang pakikitungo sa akin ni Rades. Hindi na rin siya nagdadala ng kung sino-sinong babae sa bahay. Bigla siyang nagbago sa hindi ko maipaliwanag na dahilan." mahabang kuwento ko kay Anikka. Sandali siyang natahimik, siguro ay nagulat rin siya.
"Se—seryoso?" tanging nasabi niya lang. Tinanguan ko siya bilang tugon.
"Baka naman takot siyang iwanan mo siya?" she asked. Sandali akong napaisip sa sinabi niya.
"Hindi, eh. Hindi gano'n 'yon, si Rades ay walang kinakatakutan 'yan kaya imposibleng dahil doon." sabi ko.
"Baka naman mahal ka na talaga niya, at na-realized niya lang 'yon nong iniwan mo siya. Come to think of it, Luna." suhestiyon ni Anikka. I can't agree with her. Alam kong si Cindy lang ang mahal niya at hindi niya ako magagawang mahalin dahil iniisip niyang ako ang dahilan kung bakit nawala sa kanya ang babaeng pinakamamahal niya.
"I don't think so, Anikka. Alam naman natin kung gaano niya ako kinamumuhian, hindi ba?" I said. Napatangu-tango naman si Anikka bilang pag sang-ayon.
"Ang mabuti pa ay isantabi na lang muna natin ang tungkol d'yan. Let's talk about us. Pagkatapos nang huling nangyari sa atin, gusto kong humingi ng paumanhin sa ginawa ni Rades. Si Jacob, kumusta pala siya?" sabi ko.
"Wala 'yon, Luna. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo. About Jacob, he's fine. Sobrang nag-alala nga 'yon sa 'yo, eh. Kung alam mo lang kung gaano ka niya kagustong agawin sa Rades na 'yon." kuwento niya.
"Agawin?" natatawang tanong ko.
"Yes, girl. He's in love with you." pagtatapat ni Anikka. Tinawanan ko na lang ang sinabi niya at hindi sineryoso.
"Anong plano mo? Mag-i-stay ka pa rin ba kasama ang Rades na 'yon?" biglang tanong ni Anikka.
"For now, I'm still processing our annulment paper kaya wala akong choice kundi pakisamahan pa rin siya. Kapag siguro naayos na ang lahat at tuluyan na kaming ma-annul, ay doon na ako aalis." paliwanag ko.
"Alam ba ni Rades ang tungkol sa annulment paper niyo?" umiling ako bilang tugon sa tanong ni Anikka.
"Hindi niya dapat malaman. Isa pa, buo na ang pasya ko. Gusto kong magbagong buhay, malayo sa kanya." napangiti si Anikka sa sinabi ko. Hinawakan at bahagyang pinisil niya rin ang mga kamay ko. Showing that she's there for me.
"I'm glad you're finally thinking of yourself now. I'm proud of you, Luna." masayang sabi niya sa akin. I just smiled to her too.
"Is it okay if I ask you one last question?" she asked. I smiled to her.
"Yes, sure."
"Do you still love him?" she asked.
"Of course, I still do. Pero sa sitwasyon namin at sa mga nangyari, hindi na sapat 'yung pagmamahal ko sa kanya para manatili pa rin ako sa tabi niya. Hindi niya lang ako basta sinaktan, pina-realized niya rin sa akin na mas makakabuti sa aming pareho kung tuluyan kaming maghihiwalay." sabi ko sa kabila ng pagpipigil ko na hindi maiyak.
"Napagod ka. That's all." Anikka said. Kapag napagod ka pala talaga kahit sobrang mahal mo pa 'yung tao, susuko at susuko ka.
"Thank you for today, Luna." nakangiting sabi ni Anikka pagkatapos naming kumain at magkape.
"No, thank you. Pinagaan mo ang loob ko." sabi ko sa kanya.
"That's friends are what for," she said. Kahit kailan talaga, she's the best.
Pagkatapos naming mag-usap ni Anikka ay nagpaalam na rin ako na uuwi na, gano'n rin siya dahil may tatapusin pa raw siyang trabaho.
"Surprise, wifey!" halos malagutan ako ng hininga pag-uwi ko dahil sobrang dilim ng buong bahay. Iyon pala ay may inihandang pakulo itong si Rades.
"Ano 'to?" inis kong tanong sa kanya habang nakahawak pa rin ako sa dibdib ko. Sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko dahil sa takot na naramdaman ko sa ginawa niyang panggugulat.
"I prepared foods for our dinner, ako ang nagluto." nakangiti niyang sabi. Pagtingin ko sa table maraming pagkain nga ang nakahain, he even lit a candle and put it in the center of the table. May pa red wine rin siya.
"I see. Para saan 'to?" sunod na tanong ko.
"For us—"
"Kumain na ako." putol ko sa sasabihin niya pa.
"Hi—hindi mo man lang ba titikman?" halos mautal niyang tanong.
"Pasensiya na talaga, Rades. Busog pa ako, eh." sabi ko. Tatalikuran ko na dapat siya pero mabilis niya akong nahawakan sa braso ko.
"Luna, ano ba talagang problema?" dismayadong tanong niya nang tuluyan na akong makaharap sa kanya. Mas lalo niya pa akong inilapit sa kanya kaya naman halos magkadikit na ang mga katawan namin.
"Wala namang problema, ah?" sabi ko.
"Why are you doing this to me? Bakit ang hirap mong kunin?" sunod-sunod niyang tanong. Tila hirap na hirap na rin siyang magpigil sa totoong nararamdaman niya.
"Ano bang ginagawa ko sa 'yo? Hindi kita pinapakialaman, Rades!" diin kong sabi. Sa totoo lang, nakakainis na. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya?
"You're making it hard for me each day, can't you see that I'm doing my best just to show you that I really care and love you? Luna, I love you." tila nanghina ang mga tuhod ko dahil sa mga sinabi niya. Pakiramdam ko nawalan ako ng lakas.
"No, you're just guilty—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong siilin ng halik sa labi. Hindi ako tumugon sa halik niya kahit na palalim na iyon nang palalim.
Naramdaman ko na lang ang sunod-sunod na pagdaloy ng mga luha ko. Dahil sa pagluha ko kaya mabilis na tinapos ni Rades ang halik niya. Mataman niya akong tinignan sa mga mata, nangungusap at punong-puno ng emosyon ang paraan ng pagtitig niya. Bigla niya na lang akong niyakap ng mahigpit pagkatapos niya akong tingnan sa mga mata ko.
"I'm sorry, I'm really sorry, Luna." sunod-sunod niyang paghingi ng tawad sa akin. Lalo lang bumuhos ang mga luha ko.
Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko. Ang hirap niyang layuan. Kung bakit kasi ngayon niya pa ako nagawang mahalin kung saan napagod na ako. Pagod na ang puso kong mahalin siya. Pagod na ang kaluluwa kong habulin siya. Higit sa lahat, pagod na ang utak ko na pagbigyan pa siya.
TO BE CONTINUE. .
BINABASA MO ANG
When A Faithful Wife Gets Tired
AcakAno kaya ang mangyayari kung ang babaeng nagtiis ng isang taon sa lalaking mahal na mahal niya ay bigla na lang natauhan isang araw? Sierra Luna Cruz-Montero, ang babaeng handang tiisin lahat ng kawalanghiyaan ng asawa niya sa kanya dahil sa sinump...