CHANGE OF HEART
---
Nagising ako dahil sa nakakasilaw na liwanag na tumatama sa mata ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, puting kisame at paligid ang bumungad sa akin. Muli akong pumikit para kumpirmahin kung nasa langit na ba ako.
"Luna? Thanks God!" kinunutan ko ng noo ang babaeng umiiyak habang direktang nakatingin sa akin.
"Rades! Gising na ang asawa mo." muling sabi nito habang mahigpit na nakahawak sa mga kamay ko.
Isang lalaki ang dali-daling lumapit sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yakap. "Thanks God, you're awake." he whispered.
"Tatawag lang ako ng doctor!" paalam ng babae at saka nagmamadaling umalis.
"How are you? Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa 'yo?" sunod-sunod niyang tanong. I can see that he's worried about me.
"Si-sino ka?" I asked him. Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na nagsibagsakan ang mga luha niya. Maya-maya pa ay dumating na ang babae kasama na nito ang doctor.
"Doc, bakit hindi niya ako kilala?" umiiyak na tanong niya sa Doctor.
"Ill check her first, mas makakabuti kung sa labas na lang muna kayo maghintay." suhestiyon ng doctor na kaagad naman nilang sinunod. Nang makalabas na sila ay saka ako umayos ng upo.
"Calm down, hija. Ano ang nararamdaman mo?" he asked after checking everything on me.
"Impossible ang sinasabi ng asawa mo na hindi mo siya kilala. Hindi naman gano'n kalalim ang sugat mo. Huwag mo na rin uulitin ang ginawa mo, napakadelikado. Magpasalamat ka at daplis lang ng bala ang naging tama mo." mahaba nitong litanya.
"Doc, please, sabihin niyo sa kanila na may amnesia ako. I want to forget him." umiiyak na pakiusap ko sa doctor.
"Hindi maganda 'yang suhestiyon mo, hija. Ikakasira ito ng pagiging doctor ko." seryosong sabi nito.
"Nakikiusap po ako sa inyo, tulungan niyo po ako." I pleaded. Ngunit nanindigan ang doctor. Hindi raw pwede ang gusto kong mangyari kaya naman wala na akong nagawa. Sana talagang nakalimot na lang ako. Ayoko nang maalala ang lahat ng pighati at pagdurusa na dinanas ko sa kanya.
Pagkatapos akong i-check ng doctor ay tinawag niya na ang pamilya ni Rades na naghihintay sa labas ng kuwarto ko. Sinabi lang ng doctor sa kanila na nasa mabuting kalagayan na ako at anytime ay puwede na akong i-discharge.
"Luna, anak. Masyado mo akong tinakot sa ginawa mo. Ano ba ang nangyari?" umiiyak na sabi ng Mom ni Rades. Hindi ako nagsalita, nakatingin lang ako kay Rades.
"Rades, alagaan mo naman itong asawa mo. Tignan mo, ang laki ng ipinayat niya!" ang Dad niya naman ang nagsabi no'n.
Dali-daling lumapit sa akin si Rades. Umupo siya sa tabi ko dahan-dahang pinisil ang kamay ko.
"I'm sorry. I'm so sorry, Luna." mahinang sabi niya. Gusto kong magulat nang makita siyang umiiyak, pero naalala ko na nandito nga pala ang parents niya, marahil ay palabas niya lang na talagang nag aalala siya sa akin. Sarkastiko akong tumawa habang nakatingin sa malayo. Napakahusay niya talagang magpanggap.
"Hija, pasensiya ka na at mahuhuli na kami sa flight namin papuntang Paris para sa bagong kliyente namin ng Daddy Darius mo. Kailangan na naming umalis, babawi na lang kami sa susunod na Linggo." nahihiyang pakiusap ni tita Camille.
BINABASA MO ANG
When A Faithful Wife Gets Tired
DiversosAno kaya ang mangyayari kung ang babaeng nagtiis ng isang taon sa lalaking mahal na mahal niya ay bigla na lang natauhan isang araw? Sierra Luna Cruz-Montero, ang babaeng handang tiisin lahat ng kawalanghiyaan ng asawa niya sa kanya dahil sa sinump...