PROLOGUE

3 1 0
                                    

GWYNERIA's POV

It's 3am and I am still wide awake. The shattering of thrown glasses, the thuds from I don't know what, and shouts from furious voices kept me up until now.

For crying out loud, I still have school tomorrow but I haven't even get even a wink of sleep.

Napabuntong-hininga ako at padabog na bumangon saka masamang tiningnan ang pintuan ko na kahit na nakasara ay rinig na rinig ko pa din ang sigawan nila sa labas.

Kinuha ko ang jacket ko mula sa silya na nasa study table ko at isinuot iyon bago lumabas ng kuwarto. Pagkalabas ko ay bumungad kaagad sa akin si Uncle na nakaupo sa may sofa na alam kong lasing na lasing na naman. May hawak pa itong kalahati ng isang boteng basag. Sa harap nito ay si Auntie na nililinis ang mga nagkalat na bubog sa lapag. Mga bubog na alam kong kagagawan ni Uncle.

Napakagat-labi ako nang makita ang sitwayong iyon pagkalabas ko ng kuwarto ko. Naramdaman ko ang pamumuo ng tubig sa mga mata ko kaya napanguso ako para pigilan iyon.

Bumuga ako ng hangin bago ko napagdesiyonang lumapit kay Auntie.

Walang salitang marahan kong kinuha mula sa kaniya ang walis at dustpan para ako na ang maglinis ng mga bubog.

Pagtingin ko sa kaniya ay hindi ko na kailangang aninagin ang mukha niya dahil kahit nakayuko siya ay alam kong umiiyak siya.

"Ako na, matulog ka nalang, may pasok ka pa bukas" sabi nito sa akin.

"Paano pa ako makakatulog kung ganto kayo?" sabi ko sa kaniya. "Ako na ho" saad ko pero umiling siya at inagaw mula sa akin ang walis.

"Ako na" mariin akong napapikit at hindi na pinigilan pa ang sarili ko.

"Hindi naman kasi dapat ganto, Auntie. Kung sana pinakiggan niyo ako noon pa na iwan yang lalaki na yan. Sana masaya ka na, sana masaya na tayo. Tingnan mo tayo ngayon Auntie." mariin ang bawat pagkakasabi ko ng mga salitang iyon.

"Anong sabi mo?" si Uncle iyon na sinubukang tumayo pero dahil sa kalasingan ay natumba ulit sa sofa. 

Hindi ko na siya pinakinggan pa at naglakad na paalis ng bahay na iyon. Rinig na rinig ko ang galit na sigaw niya sa pangalan ko mula sa loob pero wala na akong pakialam. Ang gusto ko nalang ay makalayo sa bahay na iyon at kahit saglit lang at maging payapa ang lahat.

Habang naglalakad ay sinisipa-sipa ko ang mga malilit na batong nadadaanan ko. Tanging ilaw lang na nagmumula sa buwan ang sumisinag sa dinadaanan ko dahil ni isang street lamp ay walang makikita dito sa amin.

Nakatira ako sa puder ng kapatid ng tatay ko, si Auntie Lorna, yung lasing kanina ay ang asawa niyang wala nang ginawa sa buong buhay niya kundi ang maging pabigat kay Auntie.

Mula bata pa lang ako ay nasa kanila na ako. Wala akong ala-ala ng mga magulang ko dahil ayon kay Auntie dalawang taong gulang daw ako nang iwan ako ng mga magulang ko sa kaniya at hindi na din daw niya alam kung nasaan sila.

They were running away from those loan sharks that's why and we've heard no news from them since then.

Hindi na din ako nag-abalang hanapin sila dahil sa totoo lang wala na akong panahon sa mga iyon, andami ko nang problema, ayoko na iyong dagdagan.

May isang anak na lalaki sina Auntie, Si Kuya Harvey wala siya ngayon dito dahil matapos niyang makapag-aral ay nag abroad siya para matulungan niya si Auntie at mapag-aral niya ako.

Sinubukan naming kumbinsihin si Auntie na iwan nalang si Uncle pero ayaw niya dahil naniniwala siya na magbabago pa daw si Uncle pero kami ni Kuya ay matagal na siyang sinukuan.

Napapabilib na lang kami kay Auntie dahil sa paniniwala niyang iyon. Dapat nga inuuna niya yung sarili niya kesa sa lalaking yon.

Hayst, ewan ko ba.

Tumigil ako sa isang palaruan at lumapit sa pinakamalaking slide. Pumasaok ako dito at nahiga saka pinikit ang mga mata ko kasabay ng pagpatong ko ng braso ko sa noo ko.

Hindi nagtagal ay nakatulog na ako.

Ganito palagi, halos gabi-gabi ako dito, basta umuuwing lasing si Uncle at inaaway niya si Auntie, dito ako palagi pumupunta para maayos na makatulog. Dahil sa palaruang ito, tanging katahimikan at kapayapaan ang naririto. Hindi gaya sa bahay na puro sigawan.

Embraces Of HavenWhere stories live. Discover now