CHAPTER 12

0 0 0
                                    

GWYNERIA's POV

Habang naglalakad kami sa kung saan man niya ako dadalhin ay nababagabag pa din ako dahil sa nangyari noong araw na iyon. Panay din ang tingin ko sa kaniya dahil pinapakiramdaman ko siya pero parang wala naman akong nararamdamang masamang balak mula sa kaniya. O sadyang magaling lang talaga siyang umarte.

"Uhm..." panimula ko, naramdaman ko siyang lumingon sa akin. "...about what happened yesterday, I'm sorry." tumigil siya kaya tumigil din ako.

"You don't have to, ako yung nakialam. And, I just want you to know that I'm not going to do anything bad to you. If that slap landed on Xiamara, you'd be kicked out by now" napakurap-kurap ako dahil sa sinabi niya. Ni hindi man lang niya ako hinintay makabawi dahil nauna na siyang naglakad na sinundan ko din naman matapos ang ilang segundo.

Tumigil siya sa isang pintuan ng isang medyo may kalumaan nang building. Dalawang palapag ito at parang hindi na nagagamit.

"Luthiería Melodía?" Basa ko sa sign board na nakatabingi.

Inabot niya yung door knob at dahan-dahang binuksan yung pintuan. Sumilip muna siya sa loob bago niya tuluyang buksan yung pintuan.

"Tara pasok" sabi niya. Nag-aalanganin ako na mukhang napansin niya kaya mas niluwangan niya yung bukas nung pinto. "Grabeng trust issue na yan. It's just an abandoned musical instrument shop" sabi nito sa akin. Sumilip ako sa loob at meron ngang mga musical instruments sa loob.

Ipinagsawalang bahala ko nalang ang pag-o overthink ko saka sumunod na sa kaniya sa loob.

Namangha ako dahil sa iba't ibang musical instruments na nasa loob. Sa kanan ay may transparent cabinet na may lamang dalawang acoustic guitar, at isang electric guitar. Sa tabi nito ay may drum set. Sa kaliwa naman namin ay may dalawang electric keyboard, ang isa ay nasa bag pa at nakatayo sa gilid. Ang isa naman ay nakapatong sa stand at may upuan sa mismong tapat nito.

Hindi ganoon kaluwang ang lugar at sakto lang para may panlagyan ng mga instrument at may space para sa mga tao, siguro ay nasa apat o limang katao lang ang saktong kakasya sa lugar.

I wonder what happened to the place. The instruments seems to still be in good condition.

Narinig kong sumara ang pintuan kaya napatingin ako dito. Pinanood ko siya habang naglalakad siya papunta sa upuan na nasa tapat ng keyboard.

Naupo ito doon at kinuha yung saksakan nung keyboard saka ni on. Matapos ay nagsimula siyang pindot-pindotin ang mga keys.

Lumapit ako sa kaniya upang makita ng maayos ang ginagawa niya.

"Paano mo nalaman ang lugar na ito?" Tanong ko sa kaniya.

"Napadaan lang ako isang araw tas nang pumasok ako, bukas yung pintuan. I also tried the instruments and they're still in great shape" sabi niya, ngayon ay tumutugtog na siya.

"Anong nangyari sa lugar, bat inabandona?" Tanong ko ulit.

"Hindi ko din alam" sagot niya.

Tahimik ko lang siyang pinapanood habang ekspertong nagtitipa ang mga daliri niya sa mga keys ng keyboard na naglilikha ng magandang musika na pumupuno sa buong lugar.

Currently Playing: Musika by Dionela

"Ikaw lang mahal laman ng tula.
Tunog ng gitara't himig ng kanta
Kumupas man ang tinig ay hindi mawawala
Hiwaga mong dala
Ikaw ang aking musika"

Bigkas niya sa lirika habang bahagyang gumagalaw ang katawan niya kasabay ng musika.

"Kung dumating ang araw na 'di na maalala
Ng iyong mata ang aking mukha
Mahal, 'wag kang mag-alala, tanda naman ng puso
Ang itsura ng naging pagsinta
Kung oras ay nababalik lang sana
Ay babalik no'ng una kang nakita
Muli kang liligawan nang muli kong maranasan
Ang umibig sa anghel sa lupa"

Embraces Of HavenWhere stories live. Discover now