CHAPTER 22

0 0 0
                                    

GWYNERIA's POV

Mag-a-alas sinko na ng hapon at kasalukuyan kaming nakaupo dito sa may function hall habang hinihintay pa namin ang iba pa naming mga ka klase. Nasa tabi ko si Aira at nakasandal sa may balikat ko habang hinihintay naming magsimula ang program.

Nag-abala talaga si Pres na gumawa ng isang program para sa gabing ito. Nasa harap siya ngayon at may hawak na mic na nakakonekta sa isang speaker hindi kalayuan sa kaniya. Nakangiti siya at bakas ang galak at tuwa sa mukha niya habang nakatingin sa aming lahat.

"Good evening everyone, I hope you are enjoying your stay here so far." tinugunan siya ng mga kaklase namin sa pamamagitan ng pag cheer kasabay ng pagpalakpak, pumalakpak din kami ni Aira bilang tugon. "Before we get into the event, I just want to thank you all for helping us decorate the place and for your presence tonight. Thank you, everyone" nag bow siya sa amin.

"You're always welcome, Pres" sagot ng mga ka klase namin na sinang-ayunan ko naman sa pamamagitan ng pagtango at nang magtama ang paningin namin ni Pres ay ngumiti ako sa kaniya, ganon din siya sa akin.

"And now, for the performance of our talented and skillful classmates. I proudly present to you the first performer for tonight, Maven Martinez" nagpalakpakan ulit kami nang lumabas mula sa backstage si Maven. Hawak niya ang isang gitara at sa isang kamay naman niya ay isang mataas na upuan. Ipinuwesto niya ang upuan niya sa gitna ng stage bago naupo.

Tinulungan naman siyang nag-ayos ng isang kaibigan niya. Inayos niya yung mic stand sa mismong harap ni Maven, tapos ay may sinaksak din sa speaker na cable bago inabot ang isang dulo niyon kay Maven na sinaksak naman niya sa gitara niya.

"Hello, mic check, hello" umingay ulit ang paligid galing sa mga cheer ng ka klase namin. Mahiyain kasi si Maven pero aaminin ko, magaling siyang kumanta. Kapag kasi magpapa talent show yung mga guro namin kapag may spare time kami laging si Maven ang sinasabak nila.

Nang marinig niya ang mga hiyawan ng mga ka klase namin ay nahihiyang ngumiti ito saka yumuko. Kinantyawan din kasi siya ng mga kaibigan niya kaya mas nahiya tuloy siya.

Nang maayos na niya ang gitara at mic niya ay nagsimula na siyang kumanta.

'Dilaw' by Maki is what he sings.

Naagaw lahat ng atensyon namin nang kumanta siya. Pati nga yung mga maingay na nagkukwentuhan sa may likod namin napatahimik nang magsimula ma siyang kumanta.

He have this voice that could really get anyone's attention, that really wants you to listen to. How do I put it into words. Hindi ako critic o singer para pumasang judge pero bilang isang taong mahilig sa music, hindi talaga nakakasawa ang boses niya. Napakalinis ng pagkanta niya at talaga namang masasabi mong, born with talent.

Kapag nga kumakanta siya sa room, pagkatapos non puno na ng estudyanteng mula sa kabilang room ang mga bintana namin na nakikisilip at nakikikinig sa pagkanta ni Maven. Sinasabi pa nga ng mga ka klase namin na bakit hindi siya mag audition sa mga singing competitions pero ayon nga mahiyain talaga siya at nagpa panic din daw siya kapag napakalaking audience na yung pinagpe performan niya.

Mukhang di naman delikado
Kasi parang ngumingiti na naman ako
Kaya ngayon di na 'ko mangangamba
Kahit anong sabihin nila...

Everybody is singing along when that part of the song came. Pati kami ni Aira ay hindi na din napigilang makisabay sa pagkanta nila.

Ngayong nandiyan ka na, 'di magmamadali
Ikaw lang ang katabi
Hanggang sa ang buhok ay pumuti
'Di na maghahanap ng kung anong
Sagot sa mga tanong
Dahil ikaw ang katiyakan ko

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 2 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Embraces Of HavenWhere stories live. Discover now