GWYNERIA' s POV
"Keifer" tawag ko sa pangalan ng taong ngayon ay nasa harapan ko at nakasilip pa din sa loob ng slide.
"What are you doing here?" Tanong nito sa akin.
"Uhm..." Dumausdos ako palapit sa bukana ng slide para mas makita ko siya at makapag-usap kami ng mabuti. "...may hinihintay lang" sagot ko nang sa wakas ay makalabas na ako sa slide. Naupo ako sa mismong bukana ng padulasan habang siya naman ay naupo sa kabilang padulasan. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Tiningnan lang niya ako at umiling na siyang sanhi upang mangunot ang noo ko.
"I needed somewhere to think and my feet took me here" sagot niya. Pinakatitigan ko siya habang nilalaro niya ang kamay niya at nanatiling nakatungo ang ulo niya.
"Did something happened?" Umiling siya pero hindi pa din siya nagtataas ng tingin. I know he's always like this at school. Hindi ako tinitingnan, hindi ako pinapansin but something's different with him today. His eyes is not the usual cold eyes, they're... sad. Pero imbes na usisain ko siya ay nanatili na lamang akong tahimik dahil kung ako ang nasa sitwasyon niya ay nanaisin ko ding hindi mausisa.
Unti-unti ay nakakaramdam na ako ng pagkailang dahil sa humahabang katahimikan sa pagitan namin.
Nanlaki ang mga mata ko at agad na lumipad ang mga kamay ko sa tiyan ko nang tumunog iyon. Napakagat labi ako at napapikit dahil alam kong narinig niya iyon, nakakahiya. Hindi ako makatingin sa kaniya lalo pa at naramdaman kong tumingin siya sa akin.
"Uhm..." I cleared my throat and stood up, pinagpag ko ang palda ko at nahihiyang ngumiti sa kaniya "...malamok dito..." sabi ko habang iwinawagayway ang kamay ko na para bang may itinataboy akong lamok kahit alam naman naming dalawa na wala. "...una na ako" paalam ko at naglakad paalis, napatigil ako nang maramdaman kong hawakan niya yung kamay ko nang mapadaan ako sa harapan niya. Tiningnan ko siya mula sa balikat ko pero nakatungo pa din siya.
"Do you wanna eat?" nakaramdam ako ng tuwa sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. Agad na nawala ang hiyang nararamdaman ko at mabilis na humarap sa kaniya.
"Libre mo?" nakangiting tanong ko na sinagot naman niya ng isang 'tsk' kasunod ng pagtango niya.
Tumayo na siya kasabay ng pagbitaw niya sa kamay ko saka na kami nagsimulang maglakad papunta sa convenient store.
Pagdating namin doon ay kumuha na ako ng mga gusto kong kainin, siyempre hindi ko nilubos, may kaunting kahihiyan pa din naman ako kahit papaano. Ang kinuha ko ay isang meal set at isang sprite. Siya naman ay kumuha ng meal set at isang bote ng tubig.
Matapos niyang magbayad ay pumuwesto kami sa isang bakanteng upuan sa labas ng convenient store at doon kumain.
Tahimik lang kaming kumain at walang gustong magsalita. Wala pang limang minuto ay natapos na kaming kumain. Inabot ko ang tissue sa may paper bag at pinunasan ang bibig ko.
Nang tumingin ako sa kaniya ay nagtama ang paningin namin, saglit kaming nagkatitigan bago kami sabay na natawa.
"Halatang gutom" sabi ko. "Ice cream?" Tanong ko sa kaniya. "Libre ko" dagdag ko, tumango ito sa akin kaya pumasok ulit kami sa loob para kumuha ng ice cream.
Tumayo kaming dalawa sa may harap ng freezer, mabilis lang akong pumili dahil nakita ko agad yung gusto ko pero siya ay mukhang nahihirapang pumili dahil iniisa-isa niya yung bawat klase ng ice cream. Matiyaga lang akong naghintay sa kaniya hanggang sa wakas ay nakapili na din siya.
Pagkatapos kong magbayad ay lumabas na kami, habang kinakain namin iyon ay napagpasyahan naming maglakad-lakad.
Nakakailang na katahimikan ang bumalot sa pagitan namin habang tahimik lang kaming naglalakad.
YOU ARE READING
Embraces Of Haven
Ficção AdolescenteIn a world where chaos reigns, there's a safe haven with his embrace