GWYNERIA's POV
Nagtataka akong nakatingin sa kapatid ni Xiamara habang naglalakad sila palayo ng mga kaibigan niya. I puckered my lips as I tilt my head in confusion.
Why is he like that, why is he acting like that? Maybe he's doing revenge for his sister? Argh, that's childish.
I shrugged my shoulder to brush off those thought, this is not the time to think about those.
Inilinga-linga ko ang paningin ko para hanapin kung nasaan si Aira. Sabi kasi niya sa akin kanina hihintayin daw niya ako dito sa exit. May maganda pa naman akong balita sa kaniya.
Sa halip na si Aira ang makita ko ay si Keifer iyon. Naglalakad siya di kalayuan sa kinaroroonan ko habang nakabulsa ang dalawa niyang kamay. Nakahanda na akong lumapit sa kaniya nang mapatigil ako dahil may lumapit sa kaniya.
Patakbo itong lumapit kay Keiffer saka patalon na inakbayan siya nito. Dahil sa ginawa nung lalaki ay napayuko si Keifer. Ginulo nung lalaki yung buhok ni Keifer, habang nakaakbay a din ito sa kaniya. Pumiglas si Keiffer kasunod ng paghawak nito sa kamy nung lalaki. Itinaas iyon ni Keifer sanhi upang makawala siya sa akbay nung lalaki saka mabilis siyang umikot and then pin the hand of the other guy on his back. Yung lalaki naman na yung nakayuko dahil sa ginawa ni Keifer.
Umaktong parang nasasaktan yung lalaki at nakita ko kung paano bumakas ang pag-aalala ni Keiffer. Nanatili akong nanonood sa kanilang dalawa. I don't know the other guy kasi hindi ko pa siya nakikita, I think he's not from here.
Binitawan agad ni Keifer yung kamay nung lalaki at sinuri iyon. Nakakunot pa din ang noo nung lalaki pero nang makita ang mukha ni Keifer na nag-aalala ay unti-unting bumakas ang ngisi sa labi niya. Hindi nagtagal ay tumatawa na ito.
Umirap si Keifer dahil doon at nagsimulang habulin yung lalaki.
He was smiling.
I never saw him smile that way, not then, not now, never. That was the very first time I saw him like that, the first time I saw him smile like that.
'Boy friend meron' biglang narinig ko ang mga katagang iyon sa utak ko.
Ramdam kong unti-unting lumaki ang mga mata ko dahil sa napagtanto ko.
Kung ganon, hindi talaga niya ako niloloko noon? Does he really have a boyfriend?
Hindi makapaniwalang ibinalik ko ang tingin sa dalawa. Ngayon ay si Keifer na ang nakaakbay sa lalaki habang nagtatawanan sila.
It hurts my pride to admit that they do have chemistry, tangina bagay sila.
"Huy!" Hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ko habang nililingon ko si Aira na siyang sumundot sa tagiliran ko. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakaawang ang bibig ko at nakatakip ang mga kamay ko dito.
"Bakit?" Takang tanong ni Aira sa akin.
Dahan-dahan kong itinuro ang lugar kung nasaan sina Keifer. Sinundan namam niya yung tinuturo ko.
"Anong nandon?" nakakunot noo na siya ngayon.
Tumingin ako sa kung saan huli kong nakita sina Keifer pero wala na sila doon.
"Si Keifer tas isang lalaki" mas kumunot ang noo ni Aira dahil sa sinabi ko.
"Ang labo mo" sabi niya.
"I mean, sabi kasi niya sa akin wala siyang girlfriend..." Panimula ko.
"Oh tapos? Edi okay kasi wala kang karibal" mabilis akong umiling-iling.
"...sabi niya may boyfriend siya" dito naging pareho ang reaksyon namin. Nanlaki din ang mga mata niya, umawang ang bibig niya at lumipad ang kamay niya dito.
YOU ARE READING
Embraces Of Haven
Teen FictionIn a world where chaos reigns, there's a safe haven with his embrace