CHAPTER 7

0 0 0
                                    

GWYNERIA's POV

Tahimik na naglalakad si Kiefer habang ako naman ay nakasunod lang sa kaniya. Madalas din akong lumilinga-linga sa paligid dahil maliban sa tinitingnan ko kung may mga gumagalang hindi dapat gumala ay naghahanap din ako ng sobre.

Siyempre nasa kamay namin yung kapalaran ng buong section namin, kung makukuha ba namin yung retreat voucher o hindi. Dikit kasi yung naging score nung kalaban namin kanina which is yung section nina Xiamara. Ang current score ay 82 and 88 sila yung 82 pero hindi kami pwedeng magpakampante.

Pinulot ko ang isang envelope na nadaanan namin at nang tingnan ko iyon ay decoy kaya napasimangot nalang ako. Siguro yung mga matataas ang score yun yung may mga puzzles.

Wala bang score yung decoy, kahit isang puntos lang sana huwag ko lang talaga sanang makita yung mga multong iyon.

Napatalon ako at napatili nang may biglang sumalubong sa amin na parang yung sa walking dead na zombie na rotten na yung mukha. I know it's a mask pero natakot pa din ako dahil napaka realistic nitong tingnan.

"Kuya, wag kang ganyan" sabi ko sa nananakot.

Napatingin ako kay Keifer nang iabot sa akin nung multo yung isang sobre. Nakita kong tinaasan niya ako ng kilay habang nananatili lang na nanonood. Napakagat-labi ako at nanginginig ang kamay na tinanggap sa lalaki yung inaabot niya.

Napatili ako at hindi sinasadyabg nahablot yung sober mula sa kaniya nang takutin niya ako.

"Sorry po" sabi ko at tumakbo na palayo sa kaniya. Nang masiguro kong wala nang mananakot ay binuksan ko ang sobre at tiningnan kung anong laman neto.

Isang papel iyon na pagbukas ko ay may nakasulat na tongue twister 'She Sell Seashells'. Tapos ay may isa pang papel na may lamang direksyon kung saan ay iyon ang station kung saan ko ma kle claim yung isang jackpot.

Matapos kong aralin yung mapa ay nagsimula na akong maglakad papunta sa kung nasaan yung tinutukoy nitong station. Nang lumiko ako sa isang block ay doon ko lang napagtanto na naiwan pala si Keiffer doon sa kung nasaan yung Zombie kanina. Inilinga-linga ko yung paningin ko para hanapin siya pero wala talaga. Napalunok ako at napagdesisyonan nalang na magtungong mag-isa. Sayang yung oras kung hahanapin ko pa siya, tsaka ayokong ma disappoint yung mga ka klase ko pag nalaman nilang hindi kami nanalo.

Dahan-dahan at maingat ang bawat hakbang ko habang pinapakiramdaman ang paligid. Kada liko ko ay bumibilang ako ng tatlo para kung may gumulat man sa akin ay hindi ako masyadong magulat, at least I prepared myself.

Laking pasalamat ko naman nang walang gumulat sa akin hanggang ngayon. Siguro ay hindi ganon kadami yung mga ginustong maging multo.

"H...hi" naramdaman ko ang panginginig ng labi ko habang sinusubukan kong ngitian yung white lady sa station. Oo, nakarating na ako sa station na kahit papaano ay buhay pa naman.

Hindi siya nagsasalita at nanatiling nakatingin lang sa akin. Nakapagitna sa amin ang isang lamesa kung nasaan ang mga buto na sa tingin ko ay sa kaniya nang nabubuhay pa siya. Meron ding mga seashells at sa tingin ko ay tungkol sa kaniya ang tongue twister na ito.

"Uhm, okay, uhm..." I cleared my throat before finally chanting the tongue twister "She sells sea shells by the sea shore. The shells she shells.... AAAAAAHHH ate bat ka nanggugulat" hindi sinasadyang napalo ko sa kaniya yung hawak kong papel nang bigla siyang umakto na parang susunggaban niya ako dahil nagkamali ako.

"Isa pa, wait" nabakas ko ang panginginig ng boses ko. Kasabay nito ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil hindi pa din ako nakakabawi sa ginawa ni ate."

"She sells sea shells by the sea shore. The shells she... sells..." nakahinga ako ng maluwang nang makaya kong lampasan iyon. "...are surely sea shells. So if she shells..." napapikit ako at napatakip sa tenga ko nang magwala siya. Doon ko lang napagtanto na kada magkakamali ako ay tatakutin o magwawala siya.

Embraces Of HavenWhere stories live. Discover now