CHAPTER 20

0 0 0
                                    

GWYNERIA's POV

Naupo ako sa tabi ni Kuya para makinood ng TV. Ang kasalukuyang pinapanood niya ay news kaya hindi ko makuhang manood. Hindi kasi ako mahilig manood ng balita, yung sigurong mga clips lang pwede pa pero yung buong balita ay hindi na kaya ng attention span ko non.

"Ayaw mo ilipat?" tanong ko sa kaniya.

"Diyan muna." sabi niya kaya hinayaan ko na lang muna siya. Sinubukan kong manood pero hindi ko talaga makuhang intindihin yung sinasabi nila dahil nababagot ako. 

Sabay kaming napatingin si phone nitong nasa may hita niya, nakapatong lang kasi ito doon, nang umilaw ito kasabay ng pag pop up ng isang message notification. He just slid it off at doon ko nakita yung wallpaper niya which remind me of someone he used to talk to me about.

"Nga pala Kuya..." panimula ko para kunin ang atensyon niya. "...yung Daniella, kamusta na kayo. I mean, are you still in contact with her?" tanong ko.

"Hmmm, minsan, pag nangangamusta ganon, bakit?" tanong niya.

"Naalala ko lang kasi siya..." sabi ko sabay nguso sa lockscreen niya kaya napatingin din siya dito. Isang ngiti ang bumahid sa mga labi niya nang mapatingin dito. "...she seems nice, base na din sa mga kwento mo." dagdag ko.

"She is..." mahinang sambit nito habang nakatingin pa din sa phone niya seemingly admiring the picture of him in there taken by Daniella. "Wala ka bang assignment?" pag-iiba niya ng usapan.

"Wala na kaming pasok, bakasyon namin ngayon, mental health break." sabi ko saka sinubukang abutin yung remote pero inilihis niya lang iyon palayo kaya hindi ko maabot. Nasa kabilang side kasi niya yung remote.

"Diyan muna, sabi e" sinimangutan ko siya bago itulak para maabot ko yung remote pero hinawakan niya ito at itinago sa likod niya.

"Kuya naman e, am boring niyan. Tsaka, makikita mo naman yang mga clips sa youtube" sabi ko habang sinusubukang kunin mula sa likod niya yung remote.

Tumayo siya at itinaas ang kamay niya kaya ngayon ay hindi ko na iyin maabot.

"Kuya, amin na kasi" naiinis na sabi ko pero dumila lang ito at nagsimulang tumakbo paikot sa buong bahay.

Hinabol ko naman siya at nang makalayo ay mabilis akong nagpunta sa harap ng TV saka pinindot yung button sa baba nito. May controller din kasi yung TV, manual nga lang tapos matagalan pa kasi isa-isang channel yung kayang ilipat. Kasalukuyang nasa channel 7 yung pinapanood ni Kuya e yung gusto kong panoorin nasa 15 kaya hindi pa man din nakakarating sa channel na iyon ay nakabalik na si Kuya sa sala. Para hindi niya malipat ay tinakpan ko yung may parte na pulang light para hindi niya magamit yung remote.

Napangisi nalang ako at pinanatili ang pagkakatakip ng kamay ko doon bago lumingon kay Kuya at nginisihan siya.

"Madaya, tabi diyan" gumulong ako sa sahig nang malakas niya akong tinulak.

"Hoi, masakit yon" sabi ko at tumalon saka sumabit sa likod niya gamit ang isang kamay ko. Sinadya kong sa mismong lalamunan niya ako maglambitin para sakalin siy.

"Mapapatay mo ako, Ria" natatawang sabi niya.

"Yung remote o yung buhay mo?" tanong ko sa kaniya. Hindi siya sumagot, bagkus ay kiniliti niya ako kaya napabitaw ako sa kaniya. Napaupo ako sa sahig dahil doon pero nagpatuloy pa din siya sa pagkiliti sa akin. "Tama na, ako ang mapapatay mo e" sabi ko, saka lang siya tumigil at tumakbo palayo sa akin. Nang makalayo na siya ay inilipat niya ulit yung channel sa news.

Imbes na ilipat ko iyon pabalik ay hinabol ko siya palabas ng bahay. Sakto namang paglabas ko ay nakasalubong ko si Auntie na mukhang kadadating lang.

"Ano na namang ginagawa niyo?" Sabi nito na nagtataka dahil mukhang nakasalubong niya si Kuya kanina.

Embraces Of HavenWhere stories live. Discover now