CHAPTER 10

0 0 0
                                    

GWYNERIA'S POV

Na discharge na si Auntie at ngayon ay nandito na kami sa bahay. Pagkapasok namin ay napakuyom ako ng kamao at napahigpit ang hawak ko sa bag na hawak ko nang makita ko si Uncle na nakaupo sa may sofa at nanonood ng TV.

Nilingon lang niya kami saglit bago ibalik ulit ang tingin sa TV na para bang normal na lang ito sa kaniya.

Mukhang naramdaman ni Auntie ang galit ko dahil marahan niyang pinasadahan ng haplos ang braso ko saka umiling sa akin. Hindi makapaniwalang bumuga ako ng hangin.

"Pasok na ho tayo sa kwarto ko" sabi ko sa kaniya at inalalayan na siya papunta sa kuwarto namin.

Pagkarating namin doon ay humiga agad si Auntie sa kama. Matapos ko siyang maayos sa kama ay naupo ako sa tabi niya.

"Bakit, Auntie? Paano mo nasisikmurang makit ang mukha ng lalaking iyon?" Tanong ko sa kaniya.

"Asawa ko pa din siya, tatay pa din siya ng Kuya mo" sagot nito sa akin.

"Asawa? Tatay? Kelan Auntie? Kelan siya naging asawa't ama?" tanong ko ulit sa kaniya. "Noong mga panahong may trabaho pa siya pero binubugbog na niya kayo? Kelan, Auntie?" Hindi siya nakaimik. "Lumaki ho ako sa puder niyo at saksi ako sa lahat ng nangyari. Alam ko kung anong klase siyang nilalang, alam ko kung gaanong hirap ang naranasan niyo sa kamay niya. Isa lang naman ang hinihingi ko, ang palayain niyo ang sarili niyo mula sa mga kamay niyang unti-unting pumapatay sa inyo. Bakit hindi niyo magawa?" katahimikan, wala akong ibang natanggap na tugon kundi katahimikan.

"Auntie, kelan kayo magigising na wala na hong mababago sa lalaking iyon. Ganyan na po siya noon, bat hindi niyo makita iyon?"

"Sinabi mo ba sa Kuya mo ang nangyari?" Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.

"Iyan po ba ang mas importante sa inyo? Muntik na ho kayong mamatay tapos iyan pa ang tatanungin niyo!?" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko.

"Ria, maririnig ka ng Uncle mo" mapahilamos ako sa mukha ko dahil sa sinabi niya.

"Aunti, sa tingin mo may pake pa ako?" I felt a surge of frustration in my chest. Tumayo ako at nagsimulsng humakbang paalis ng kuwarto.

Pagkalabas ko ay tahimik na ang labas, mukhang umalis na si Uncle, ganitong oras kasi siya palaging umaalis ng bahay para mag-inom, alas sais ng hapon.

Kumuha ako ng isang silya mula sa loob at inilabas iyon saka ako naupo. Ayoko munang iwan si Auntie mag-isa sa bahay kaya hanggang dito muna ako. Para kung may masama mang mangyayari ay nandito ako agad.

*****

Nasa bus ako ngayon papuntang school, buti nalang at makakapasok na si Auntie ngayong araw para naman kahit papaano ay mabawasan ang aalalahanin ko.

Nang makababa na ako ay dumiretso na akong school. Pagpasok ko ay nandito na halos ang mga ka klase ko dahil late na talaga ako pumasok. Pinauna ko kasing umalis si Auntie para sa trabaho niya bago ako umalis, hindi ko alam pero parang may kaunti akong trauma sa nangyari noon.

"Hi" bati ko kay Keifer nang makaupo ako sa tabi niya. "Namisa moko no?" Pabirong tanong ko sa kaniya. He just clicked his tongue in response bago namulsa at ibaling sa kabilang side niya ang tingin. "Asus, na miss din naman kita" sabi ko at siniko siya pero hindi niya ako kinibo. Nadako ang tingin ko kay Aira na malayo din ang tingin.

"Aira!" Tawag ko sa kaniya pero mukhang hindi niya ako narinig kaya tinawag ko pa ulit siya, hindi pa din niya ako nililingon. Nang akmang tatayo na ako para lapitan siya ay siya namang pagdating ng guro namin. Napasimangot nalang ako at bumalik na sa pagkakaupo para makinig sa klase.

Embraces Of HavenWhere stories live. Discover now