CHAPTER 11

1 0 0
                                    

GWYNERIA' s POV

Nanatili kami sa rooftop hanggang matapos ang araw. Ngayon ay pauwi na ako sa bahay. Inaya pa akong kumain ni Aira kanina pero sabi ko ay kailangan kong umuwi ng maaga. Hindi naman na siya nagtanong pa at sinabing sa susunod nalang daw.

Pagdating ko sa bahay ay tahimik ito, parang walang tao. Naramdaman kong tumaas ang mga balahibo ko dahil ito ang unang araw na uuwi ako ng bahay mula nang ma discharge si Auntie. Bigla kong naalala ang nangyari noong araw na iyon. Ang pinagkaiba lang ngayon ay maayos ang bahay kaya't nakahinga ako ng maluwang.

Pagpasok ko ay walang tao sa loob na ipinagpasalamat ko dahil hindi ko pa masisikmurang makita ulit ang mukha ng lalaking iyon.

Dumiretso ako sa kuwarto ko para ibaba ang mga gamit ko pagkatapos ay naligo na ako't nagbihis. Matapos iyon ay nanatili ako sa kuwarto ko para gawin ang mga pinauwi nilang assignment sa amin.

Hindi ko namamalayan ang oras hanggang sa marinig ko nalang ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng bahay. Napatingin ako sa dingding malapit sa pintuan ng kuwarto kung nasaan ang wall clock ko at doon nakitang alas otso na pala.

Tumayo ako at lumapit sa pintuan saka pinakinggan kung anong nangyayari sa labas pero mukhang wala namang kakaiba kaya binuksan ko na ang pintuan saka lumabas ng kuwarto.

Dumiretso akong kusina dahil mukhang nandoon si Auntie base na din sa ilaw na nakabukas doon.

"Auntie" tawag ko sa kaniya. Nakangiti siyang lumingon sa akin habang abala pa din ang kamay niya sa paghahalo sa niluluto niya.

"Ria, gutom ka na ba? Tapusin ko lang ito, maupo ka muna" sabi niya sa akin. Imbes na maupo ako ay naglakad ako patungo sa direksyon niya at tumayo sa tabi niya para panoorin siya sa ginagawa niya.

Kasalukuyan siyang nagluluto ng gulay na repolyo.

"Hmmm" sabi ko nang maamoy ko iyon, nilingon ako ni Auntie at nginitian.

"Tikman mo nga, eto" inabutan niya ako ng kutsara pagkatapos ay nilagyan niya iyon ng sabaw ng niluluto niya. Hinipan ko muna iyon bago ko sinubo.

"Woah, it's so good. Dapat talaga nag chef ka Auntie" sabi ko rito habang naka thumbs up at nakatakip ang isang kamay ko sa bibig ko para ipakitang manghang-mangha talaga ako sa lasa ng luto ni Auntie.

"Asus, tigilan mo ako, Ria." Sabi niya pero alam ko naman na gustong-gusto niyang marinig ang mga iyon.

"Talaga naman a, I mean, where's the lie though" sabi ko na sanhi upang makatanggap ako ng hampas mula kay Auntie. Hindi naman masakit iyon dahil pabiro lang naman.

"Hay nako, ihanda mo nalang ang hapag" sabi nito.

"Opo" sagot ko at kumuha na ng kobyertos tsaka inayos ang mga iyon sa lamesa.

Hindi naman nagtagal ay natapos na din sa pagluluto si Auntie kaya't kumain na kami.

"Kamusta naman ang eskwela, Ria?" Tanong ni Auntie habang nasa gitna kami ng pagkain.

"Okay naman, Auntie. May friend na ako actually, yung pangalan niya ay Aira." sagot ko.

"Aba, balak mo na atang magtagal diyan a" natawa ako sa sinabi niya.

Oo, hindi ako nagtatagal sa mga pinapasukan kong school dahil palagi akong naki kick out. Mahirap mang aminin pero basagulero ako noon. Ngayon lang ako nagtino dahil ngayon ko lang naman napapagtanto ang dulot nito kina Auntie. Nakakailang lipat na din kami ng bahay dahil sa pagiging ganito ko dahil walang tumatanggap sa aking school sa iisang probinsya kapag naki kick out ako.

Kaya nga, ngayon ay ingat na ingat na ako pero mukhang ayaw talaga akong patahimikin ng nakaraan ko. Lalong-lalo pa't may isang Xiamara sa school namin.

Embraces Of HavenWhere stories live. Discover now