GWYNERIA's POV
Pagdating ko sa room kinabukasan ay agad na natagpuan ng mga mata ko si Keifer. Naramdaman kong lumawak ang ngiti sa mga labi ko habang kusang mabilis na naglakad ang mga paa ko patungo sa upuan ko.
"Hi" bati ko sa kaniya. Ngumiti lang ito sa akin at hindi na kumibo. Nagkibit-balikat nalang ako at nangalumbabang pinakatitigan siya.
Napaayos ako ng tayo nang may maalala ako. Kinuha ko yung bag ko pagkatapos ay inilabas ko mula rito ang isang bracelet. Itinago ko muna iyon sa nakakuyom kong kamay bago ako humarap sa kaniya. Pagkaharap ko ay itinaas ko sa pagitan namin ang nakakuyom kong kamao habang siya naman ay tiningnan ako ng nagtataka.
Binuksan ko ang palad ko at pinanood ang reaction niya. Nakita ko kung paano kumunot ang noo niya dahil sa bracelet na nasa palad ko.
Yung bracelet ay parang yung suot nung mga bata na parang lubid lang, kulay itim at asul iyon na may charm na hugis trumpet. Yung bracelet ay yung hinihila mo yung magkabilang tali para masuot.
"Hindi mo alam to?" Tanong ko sa kaniya.
Tumingin siya sa akin at dahan-dahang umiling. Sinimangutan ko naman siya at ikinuyom na ulit ang kamay ko.
"Forget it" nakasimangot na sabi ko at ibinulsa na iyon.
Sabagay, sa tagal ng nangyari ay hindi na siguro ako nito naalala. Isa pa ay, hindi siguro ako ganon ka importante bara mabaon sa ala-ala niya.
Ouch, medyo nasaktan ako doon.
Siya kasi ay nakatatak na sa ala-ala ko simula noong araw na iyon.
You see, people's physical appearance don't easily change in a decade. Oo may mga talagang nag glo glow up kaya hindi na sila minsan nakikilala pero kung titingnan mong maigi ay hindi sila ganoon nagbabago.
That night when my world was spinning too fast, when I was overwhelmed by everything that was happening, he came out of nowhere and stepped on the break to keep it slow and steady.
Noong mga panahong iyon ay panandalian kong nakalimutan ang nga problema, panandaliang naging maliwanag ang madilim kong mundo. Simula noon, kapag nagiging madilim ulit ang mundo ko ay dinadala ako ng isip ko sa ala-alang iyon.
Sinubukan ko siyang hanapin sa kabila ng pagpapalipat-lipat namin ng lugar dahil maliban sa wala noong permanenteng trabaho si Auntie ay nahirapan din sila sa pagpapalaki sa akin.
Bilang batang lumaki sa isang magulong tahanan ay may mga nagawa akong hindi nakaka proud. I did things that I wanted to keep buried no matter what. I did things that I wouldn't want to he part of me but is engraved in my being, parte na iyon ng ako.
Pero nang makita ko ulit siya, nag-iba lahat.
"Makinig" nabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang boses ni Miss sa harap. Umayos ako ng upo at nakinig sa kaniya.
"Sa susunod na linggo ay midterms week niyo na. Ang gusto ko lang sabihin ay mag-aral kayo ng mabuti dahil ayaw niyo namang mag college ng line of 7 ang grade diba?" Nag agree lahat ng mga ka klase ko. "Yon lang naman, good luck everyone!" sabi nito at hinayaan na kaming gawin ang mga kinakailangan naming gawin.
Dito kasi sa school ay may batas na hindi pwedeng mag klase isang linggo bago ang major exam dahil ang linggong iyon ay magsisilbing preparation namin sa major exam. Nasa estudyante na kung gagamitin nila itong review time o kung ano mang gusto nila. Required ang attendance kaya pumapasok pa din kami pero hindi nga lang para mag klase kundi para mag review.
Pumapasok pa din kami kahit review yung ginagawa namin kahit pa pwede naman kaming mag self-learning. Ang sabi kasi nila ay para kapag daw may katanungan kami ay mas mabilis naming ma tawag yung attention ng teacher para masagot ang katanungan namin.
YOU ARE READING
Embraces Of Haven
Teen FictionIn a world where chaos reigns, there's a safe haven with his embrace