CHAPTER 1

1 1 0
                                    

GWYNEIRA's POV

Nagising ako na basang-basa ng pawis dahil naka jacket pala ako kagabi dahil malamig, ngayon ay tirik na tirik na ang araw at napakainit na.

Mabilis kong tinanggal ang jacket at babalik na sana ulit sa pagtulog ng mapagtanto kong may klase pa pala ako.

Kinapa ko ang cellphone ko para tingnan ang oras pero wala. Doon ko lang naalala na hindi ko pala nadampot iyon mula sa lamesa ko kanina.

Bumalikwas ako ng bangon at muntik pang matumba dahil doon saka patakbong umuwi ng bahay.

Pagkarating ko sa bahay ay sumalubong sa akin si Auntie na mukhang papasok sa trabaho.

"May naluto nang almusal doon. maaga pa, kumain ka muna bag ka pumasok" sabi niya sa akin.

"Salamat po" pasalamat ko at nagpaalam na sa kaniya bago ako pumasok ng bahay.

Sanay na siya, ganto kasi lagi kapag nangyayari ito. Noong una, tumawag pa siya ng pulis para lang hanapin ako pero nang magtagal ay nasanay na din siya at alam na niya kung saan ako nagpupunta.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay tahimik na ang loob at malinis na din na parang walang nangyari. Pagdaan ko sa sala ay nakita ko si Uncle doon na mahimbing pa din ang tulog. Humihilik pa nga ito ng malakas habang nakataas ang isang kamay niya sa ulunan niya. Masama ko siyang tiningnan at hiniling na sana mabulunan siya ng sarili niyang laway.

Nagtungo ako sa kusina at doon ko nakita ang niluto ni Auntie na almusal. Itlog iyon na ginisa niya ng kamatis at sibuyas.

Matapos kong kumain ay pumasok ako sa kuwarto ko para kunin ang mga damit ko bago pumasok ng cr para makapagbihis na.

Natapos na akong magbihis at paalis na ako papuntang school ay nakita ko pa din si Uncle na natutulog sa sofa.

Napakuyom ang kamao ko at pinigilan ang sarili ko sa pagsuntok sa kaniya dahil alam kong kapag ginawa ko iyon ay si Auntie ang pagdidiskitahan niya.

Bumuntong-hininga nalang ako at pinling umalis na baka hindi ko pa mapigilan ang sarili ko at masapak ko siya habang natutulog.

My class is at 8am and it's currently 7:26. Alam kong kapag hindi ako nagmadali ay ma le late ako kaya tinakbo ko ang sakayan ng bus na buti nalang ay hindi ganoon kalayo.

I'm a senior high school student, grade 11 to be exact. isang sakayan ng bus ang layo ng school ko which usually takes half an hour kung mabiils yung bus pero kung swerte ka sa pagkamalas magiging isang oras.

Buti nalang mukhang nagmamadali din si manong driver kaya saktong sakto lang ang pagdating ko sa school. Patakbo akong nagtungo sa classroom, nasa hallway na ako nang makita ko ang homeroom teacher namin na naglalakad sa kabilang side kaya pinili kong tahakin ang kabilang dulo papunta sa room habang tumatakbo pa din.

Pagkadating ko sa pintuan at sakto namang pagliko ni Miss kaya mabilis akong pumasok. Ramdam ko pa ang tinginan ng mga ka klase ko pero hindi ko na pinansin pa iyon at nagtungo sa upuan ko.

Nakapagpunas pa ako ng pawis bago tuluyang pumasok si Miss.

Bingyan niya ako ng makabuluhang tingin dahil alam kong nakita niya ako kanina, siguro? Pero iyon lang naman ang alam kong ibig sabihin ng tingin niya sa akin.

Napangiwi nalang ako at piniling isubsob ang mukha ko sa lamesa dahil nakaramdam ako ng hiya.

Alam ni Miss ang sitwasyon ko at hanggang ngayon ay nagiging considerate pa din siya sa akin kapag minsan ay late ako kaya nahihiya na din ako dahil ang minsan na iyon ay nagiging parati na.

Mabait si Miss sa lahat ng estudyante, ito din siguro ang dahilan kung bakit malaki ang respeto namin sa kaniya bilang isang guro.

Pagtayo pa lang ni Miss sa harap ay naging tahimik na kanina ang magulo at maingay na classroom.

Embraces Of HavenWhere stories live. Discover now