GWYNERIA's POV
Napakuyom ako sa mga palad ko nang marinig ko ang mga sigaw ni Uncle mula sa labas. Kasalukuyan ako ngayong gumagawa ng assignment ko habang hinihintay na makapagluto si Auntie. Sa tingin ko ay kararating lang ni Uncle at hindi ko alam kung ano na naman ang dahilan kung bakit sumisigaw siya ngayon.
Nang makarinig ako ng pagbagsak ng kung ano ay napatayo ako at agad na lumabas ng kuwarto ko. Nakita ko ang ilaw sa may kusina at doon ko din naririnig ang komusyon kaya doon ako nagtungo. Naabutan ko si Auntie na nakatulala sa lapag kung nasaan ngayon ang pan at nagkalat sa sahig ang pagkain na sa tingin ko ay kasalukuyan niyang niluluto kanina.
"Ano pong nangyayari dito?" ginawa ko ang lahat ng makakaya ko upang hindi sumigaw. Sawang-sawa na akong makitang palagi nalang ganito ang nangyayari sa loob ng bahay.
"Ria" nilingon ako ni Auntie at mabilis na nagtungo sa direksyon ko. Napatingin ako kay Uncle na nakatingin din sa amin. Lasing na naman siya at bakas na bakas sa mukha niya ang inis habang nakatingin sa amin.
"Huwag kang makialam dito" si Uncle iyon na sinipa ang palayok na nasa sahig. "Ikaw naman, linisin mo ito, napakatanga mo kasi" tukoy niya kay Auntie, napakagat labi ako at mas humigpit ang pagkakakuyom ko sa kamao ko. "Magluto ka ulit, gutom yong tao tapos ambagal-bagal mo pa kumilos" sabi niya nang matapat siya sa direksyon namin at saka tinulak si Auntie. Dito ko na hindi napigilan ang sarili ko.
"Gutom ka naman pala, bat hindi ikaw ang magluto" bulong ko pero sinigurado kong rinig niya iyon.
"Anong sabi mo?" lingon niya sa akin.
"Kung gutom ka naman po pala, bakit hindi nalang ikaw ang magluto?... Po" sa isang kisap mata ay nasa sahig na ako mula sa malakas na pagkakasampal niya kasabay ng pagtawag ni Auntie sa pangalan ko.
"Wala kang karapatang pagsabihan ako, wala kang utang na loob. Matapos ka naming kupkupin, ito ang isusukli mo sa amin?" ramdam ko ang kirot sa kanang pisngi ko kung saan dumapo ang likod ng palad niya pero mas nag-uumapaw ngayon ang inis at galit ko sa taong nandito ngayon sa harapan ko.
Agad akong tumayo at pinakatitigan siya sa kaniyang mga mata. Naramdaman ko ang mga kamay ni Auntie na sinusubukan akong pakalmahin pero alam kong hindi na ako kakalma hangga't nasa harap ko ang taong ito.
"Ako ho? Ako ang walang utang na loob? Bakit ako magkakautang ng loob sa inyo kung ang ginawa niyo lang naman ay bugbugin si Auntie. At, sa harap pa ho namin ng anak niyo. Pano ako magkakautang na loob sayo kung puro trauma ang binigay niyo sakin?" itinaas niya ang kamay niya sa ere at handa na akong tanggapin ang sampal mula sa kaniya pero humarang sa harapan ko si Auntie sanhi upang siya ang masampal ni Uncle.
"Auntie!" tawag ko sa kaniya kasabay ng pagbagsak niya sa sahig. Kita ko din ang pagdudugo ng gilid ng labi niya dahil sa sampal ni Uncle. Masamang tingin ang tinapon ko kay Uncle.
"Kita mo? Pano ako magkakautang na loob sa demonyong katulad mo!?" Nanggagalaiting sabi ko sa kaniya kasunod nito ay ang pagsipa niya sa paa ko. Napakagat labi ako para hindi ako mapahiyaw dahil sa sakit non kasabay ng paghawak ko sa bandang paa ko na sinipa niya.
"Ingatan mo yang pananalita mo, isa pa at puputulin ko na yang dila mo" napatingala ako sa kaniya dahil sa sinabi niya, nakahawak pa din ako sa hita ko habang iniinda ang sakit mula doon. Ito ang unang pagkakataon na bugbugin ako ni Uncle dahil ito din ang unang pagkakataon na sagut-sagutin ko siya.
"Tama na! Umalis ka na dito!" Si Auntie iyon at itinulak si Uncle. "Lumabas ka na dito at magluluto na ako" sabi ni Auntie, napapikit ako sa nararamdamang inis magsasalita na sana ako nang hawakan ako ni Auntie sa kamay ko. "Ria, please, tama na" napanguso ako upang pigilan ang nagbabadyang pagatak ng luha ko. Wala akong ibang nagawa kundi ang itikom ang bibig ko at panoorin si Uncle na lumabas ng kusina.
YOU ARE READING
Embraces Of Haven
Teen FictionIn a world where chaos reigns, there's a safe haven with his embrace