GWYNERIA's POV
Kasalukuyan akong nagliligpit ngayon ng mga gamit ko para makauwi na. Katatapos lang mag dismiss ng huling subject teacher namin para sa araw na ito.
Paglagay ko ng panghuling gamit sa bag ko ay tumingin ako sa katabi ko na ngayon ay nakatayo na at handa nang umalis.
"Keifer" tawag ko sa kaniya, tumayo na ako at akmang susundan na siya nang may humila sa laylayan ng damit ko kaya napatigil ako. "Hmmm...?" Patanong na sabi ko pagkabaling ko sa kung sino man ang may gawa non.
"Uhm..." Nakatungong paninula nito.
Hinintay kong dugtungan niya ito, nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kaniya at kay Keifer na papalabas na ngayon ng pintuan.
Bumalik ulit ang tingin ko sa kaklase ko, nang bumaba ang tingin ko sa kamay niya ay bahagya itong nanginginig. Napaawang ang bibig ko nang mapagtanto ang sadya niya kung bakit niya ako nilapitan.
"Uuwi ka na?" Tanong ko sa kaniya, dito lang siya nag-angat ng tingin.
"Oo" sagot niya kasabay ng marahan niyang pagtango.
"Tara na" sabi ko kasunod ng paghawak ko sa kamay niyang nasa laylayan ng damit ko. Marahan ko siyang hinila at patakbo kaming lumbas ng silid.
"Uhm... Sorry but, to be honest I still uhm, you know uh.... I still..." Napakamot ako sa gilid ng kilay ko dahil hindi ko alam kung paano sasabihin ang gusto kong sabihin nang hindi ko siya na o-offend. Ngayon ay naglalakad na lang kami dahil tanaw ko naman na si Keifer.
"My name?" tanong niya, napangiwi ako at nahihiyang tumango, narinig ko naman ang munting tawa niya.
"Sorry" nahihiyang paumanhin ko.
"Aira, my name's Aira" sabi niya.
"Aira, hmmm... Cute name" sabi ko na ikinatungo niya.
"Thanks" pabulong na wika niya.
Pagkalabas ng gate ay nakita ko si Keifer di kalayuan sa amin kaya hihilain ko na sana ulit si Aira patakbo para mahabol namin si Keifer pero tumigil siya kaya napatigil din ako.
"Uhm, sa ibang direksyon yung bahay namin. Thank you" sabi niya kaya marahan kong binitawan yung kamay niya.
"Ah, s...sige, bye, ingat" tumango siya bago tumalikod, ako naman ay tumingin kay Keifer saka patakbong hinabol siya.
"Hah!" I sighed when I finally got close to him. Hindi ako sumabay sa kaniya maglakad at nanatili sa likuran niya.
"Pupunta ka din bang sakayan?" Tanong ko sa kaniya na tinanguhan lang niya. "Taga san ka ba?" Tanong ko rito. Napasinghap ako at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya nang sabihin niya sa akin kung saan ang bahay nila. "Malapit lang don yung bahay namin, sa kabilangs top diba?" Hindi pa din makapaniwalang tanong ko.
"Oo" sagot nito.
"Bakit hindi kita nakikita?" Tanong ko ulit.
"Hindi kasi ako masyadong lumalabas ng bahay" sagot niya.
"Bat ngayon mo lang sinabi" siniko ko siya na mukhang napalakas kaya bahagya ko siyang natulak. "Sorry" paumanhin ko at hinawakan ang braso niya para tulungang bawiin ang balanse niya.
"Ngayon ka lang din naman nagtanong" napangiwi ako dahil sa sagot niya, naiilang naman akong natawa at napakamot sa likod ng ulo ko.
"Hindi ka ba nauumay sa bahay niyo, labas tayo minsan?" alok ko sa kaniya, saglit siyang napaisip at dahan-dahang tumango. "Yay, sabi mo yan a" sabi ko at siniko ulit pero naging maingat na ako at mas mahina na iyon.
YOU ARE READING
Embraces Of Haven
Teen FictionIn a world where chaos reigns, there's a safe haven with his embrace