Chapter 2
Art and Film
Last week of September, year Two Thousand and Twenty Two. A month after the start of the post-pandemic classes.
Like any other typical classes, I got to have fun within that short time. With kaunting bardagulan with the sets, I still manage to enjoy it.
I kinda enjoy watching them being irritated at each other. Nandito kasi kaming dalawa ni Cy, nanonood lang sa asaran na naririnig namin from sets A and B.
For the weeks na lagi kaming nag uusap, I get to say na she's really fun to be with. Invested din siya sa mga kwento ko.
First time that happened to me, someone got really interested sa mga hilig ko. Things that I never experienced with my friends since they aren't into what I enjoy.
We talked about things, like pasts and memories, likes and dislikes, jokes that we always laugh about. May boyfriend na nga raw ako, sabi ni mama.
[may boyfriend na raw ako HAHAHAHAHA]
[kanina pa kasi ako tumatawa rito]
Message ko sa kaniya.
[cy : tumawa lang nagka boyfriend na HAHAHAHAHA]
I never had this kind of nights where I am talking to someone. Nasanay ako na kapag tapos na lahat ng gagawin sa bahay ay diretso tulog na since I also have sleeping schedules to obey. I need to sleep before ten in the evening.
[sleep na ako, goodnightt]
[cy : goodnight, lods]
We would do that everytime na nag uusap kami, ako ang laging nagpapaalam since iba talaga ang nakasanayan ko.
Thursday, Esp and subject namin ngayon.
Ang ingay pa rin ng room.
"Okay class, may short film making tayo. That film should contain a content where 'freedom' is involved. I g-group ko pa ba kayo?" Marami agad ang nag react sa sinabi ng teacher namin.
As for me, I am excited na hindi rin. Knowing my classmates, karamihan sa kanila ay maaarte. Idagdag mo pa na baka ayaw nilang na v-video-han.
"Ma'am, by sets nalang!" Angal ng isa kong kaklase, Dane.
"Ma'am, mahirap kapag by group. Kailangan ng madaming characters." Sagot naman ni Jasen na sinang ayunan ng lahat.
Pumayag naman ang teacher namin dahil sa mga sinabi ng iba naming kaklase.
"Ako na director." Iyon agad ang narinig sa buong classroom nang pumayag si Ma'am. It was Jasen's.
Decided to not to take any character roles, isa kasi siya mga maaarteng nilalang na nasa section na 'to.
"Sino gagawa ng script?" Tanong naman ni Cy.
Jasen being Jasen, he looked at me and smiled. Alam niyang I was a writer, my friends knew. They trust me much for this project.