Chapter 14
Two days
Second week May, year Two Thousand Twenty Three. Malapit na ang quarterly recognition.
Cy came to me and smiled. Palagi ulit kaming magkasama. We made up after a day of ignoring her, namiss ko kaagad e. Mas kumulit siya, but I find her adorable with that.
Nang magsimula ang klase ay bumalik ulit siya sa upuan niya, sa harap. We have different groups, nasa group one siya at ako ay nasa fourth. Ang layo ng upuan namin.
Lalo na at bawal ang umupo sa ibang upuan. Wala namang klase sa estudyante yon, masyado lang silang strikto.
I pouted a bit. Kinikilig na naman ako aa iniisip ko.
I stared at the back of Cy.
I really like her.
That's when I remembered how I confessed to her. With my real feelings.
(Flashback)
The whole class began to utter their side comment. I was lost in thought kaya hindi ko napakinggan ang nangyayari sa klase. The next thing I knew, I was also shocked sa naka flash na activity sa monitor.
For five points. Say 'I like you' to your crush and send the screenshot to me.
Ten points if your crush replied.
Eto si Sir, joke time.
I glanced in front, where Cy is located. And I saw her smiling at me. Pareho kaming grade conscious e.
Syempre gagawin namin 'to mamaya.
Nang matapos ang klase ay agad naming pinagplanuhan iyong mga gagawin namin. Nakikisingit pa itong dalawang kaibigan ko na kesyo may magpalit ng name sa facebook para kunwari chinat nila mga crush nila.
Mga hayok sa grades.
[Cy : lods gawin na natin]
[Cy : para sa grades]
[Cy : HHAHAHAHHAHAHAHAHA]
[para sa ten points e HAHAHAHAHHAA]
[Cy : dali na, ten point rin yonn]
[oo na, okay actionn]
[i like you]
I smiled at my message. Hindi ko sinend 'yon para sa grades, I sent it because I am already sure. I am sure that I like her.
[Cy : just marry me bruh]
[romantically]
-
"Chi, cheerdance raw." Napatingin ako sa kanila nang simulan nila 'yon.
Nagsisimula na nga iyong cheerdance, and ang kukulit ng mga kaklase ko.
I stood up from my seat and looked at Cy. I spread my arms.