07

4 2 0
                                    

Chapter 7

Back to School

First weeks of January, year Two Thousand and Twenty Three. Back to school.

Klase na naman ang pag uusapan namin ni Cy.

"Hi!" She greeted.

Kinikilig na ako ng sobra. Kapag kasi nag 'hi' na siya, tuloy tuloy na ang saya.

One time, after ng class. We decided na tumambay nalang muna sa harap ng room namin habang naghihintay na mag open yung gate ng school.

We always do random kwentuhan kapag tapos na lahat ng responsibilities. Kwentuhan hanggang asaran.

"Talikod ka." Agad akong nagtaka nang sabihin iyon ni Cy.

"Bakit?" I asked, confused.

She smiled and grabbed my bag. Niyakap niya pa ang ko at pilit akong pinapatalikod.

Sana all niyayakap.

Wala na rin akong ibang ginawa kung hindi ang sundin siya. Tumatawa siya habang nakatalikod ako kaya sinubukan kong humarap.

"Talikod!"

After a minute, she let me have my bag. Hindi ko alam kung anong ginawa niya pero mamaya ko na sisilipin.

We continued teasing each other.

"Sino ba kasing crush mo, Cy." Hindi ako ang nagtanong niyan. It was Dane.

Cy just shrugged and laughed. Wala talaga siyang balak sabihin kung sinong crush niya. Kahit pala si Dane ay sobrang curious na rin.

"Sabihin mo na, sasabihin ko rin yung akin." Dane tried to trade.

But Cy, a decided one, never accepted his offer.

Super secretive naman crushiecakes.

My peripheral view was filled by Misha, looking to Cy, teasingly. May alam siya, siya ang bff e!

"Buti pa kay Misha, sinabi." pekeng pagtatampo ko.

Pero tinawanan niya lang ako.

Cy diverted her focus on something else. I took the chance, binuksan ko ang bag ko tsaka sinilip ang loob.

I saw something, in a pack. Mas sinilip ko pa 'yon and I saw a watch.

It was the watch she was talking about.

Kaya niya ako pinapili if I prefer watch or bracelets. It was supposed to be her Christmas present for me, pero hindi umabot noong Year-End Party kaya ngayon niya lang binigay.

I smiled, wide.

Mas lumaki ang ngiti ko nang makitang nakatitig na siya sa akin. Parang nahihiya pa siya.

Ang cute.

'Thank you.' I mouthed.

This is the first time someone gave me a present. The first time I received a gift.

Nang makauwi ay agad ko iyong tinry. Papa even saw me taking a picture of it and said na sa kaniya na lang daw. Agad akong umayaw.

[sent a photo.]

[thank you, luv!!]

[ang pretty so muchh]

[thank you so muchh]

[Cy : hi, late na nga e]

[Cy : buti nagustuhan mo]

Hey, Lover.Where stories live. Discover now