6: Seduction

2.6K 160 20
                                    

Panibagong alas-dose ng gabi, at hindi pa rin makatulog nang maayos si Max kahit na komportable naman ang hinihigaang kama. Katabi niya si Arjo na nakayakap pa rin sa puting unan dahil mas kumakalma raw ito roon. Iniisip niyang masama pa rin ang loob ni Arjo sa kanya kaya mas pinili nitong yakapin ang unan imbis na siya.

Hinawi niya nang marahan ang nakaharang na hibla ng buhok nito sa pisngi at inipit iyon sa likod ng tainga nito. Naalala niya noong una itong ipakilala sa kanya ni Armida. Trese anyos, at may isip na siya noon.

Ang sama ng tingin niya noon kay Arjo dahil alam naman niyang hindi iyon anak ng mama niya. At ayaw pa naman niya ng kapatid kung tutuusin.

"Max, I want you to meet Arjo," sabi ng mama niya habang ipinakikilala ang batang babaeng nakasuot ng magandang pink ball dress at may yakap-yakap na teddy bear. "She's your sister."

Hindi nga rin nakaligtas si Armida sa matalim niyang tingin. "Ma, this is not a good joke. You hate kids. Ibalik mo na 'yan kung saan mo 'yan kinuha."

"Will you stop throwing hates on me, Soldier?" sagot ng mama niya sa kanya. "She's your sister and she'll live with us from now on."

"Why?"

"Anong why?" di-makapaniwalang tanong ni Armida. "Kapatid mo siya tapos magtatanong ka ng why?"

"Ako na'ng magpapaliwanag," sabi ni Josef at hinayaan nang makapasok ng bahay si Arjo at ang mama niya. "Max, kailangan ng mama mo si Arjo."

"Pa, ano na naman 'to?" inis nang tanong ni Max. "No'ng nakaraan, nagpatira ka rito ng babaeng di ko kilala, tapos ngayon, ito? May kapatid akong hindi ko alam?"

"Max, ipapaliwanag namin ng mama mo, okay? Mahalaga si Arjo para sa mama mo at sa pamilya natin. Don't argue with us. Just follow."

Hindi siya tanga sa math para hindi maisip na paano siya magkakaroon ng kapatid na tatlong taon lang ang agwat sa kanya kung sa loon ng limang taon, sila lang ni Armida ang magkasama at ni minsan ay hindi nabanggit ng mga nasa paligid nila na nagbuntis ang mama niya sa ibang bata. Ayaw niya kay Arjo, at buwan din ang inabot bago niya ito kinausap. Naalala pa niya noon ang palaging paalala ni Armida sa kanya.

"Huwag na huwag mong hahayaang masugatan si Arjo, naiintindihan mo?" mahigpit nitong utos sa kanya.

"Ma, she can take care of herself," irita niyang tugon dito habang nagbabasa siya ng libro.

"She can't. And that's your only job for this family, Maximillian."

"Bakit n'yo ba kasi dinala 'yan dito?" inis niyang tanong at padabog na isinara ang binabasang libro. "Ni hindi nga kayang isulat yung pangalan niya nang maayos. And she's already ten, Ma! I could write my name in cursive when I was five! Mag-aampon ka na lang, yung tanga pa!"

"Max, I don't like your attitude. Bakit sagot ka nang sagot sa 'kin?"

"Kasi kinakausap n'yo 'ko, Ma. Obvious ba?"

Natatandaan niyang natapos ang araw na iyon na talagang nagkapasa siya sa sentido dahil nasapok siya ni Armida nang malakas sa ulo. Hindi naman siya nagtanim ng sama ng loob sa mama niya dahil sanay naman siyang nabubugbog nito dahil sa talas ng dila niya. Mas malupit pa naman ito sa physical training dahil walang anak-anak pagdating kay Armida.

Hindi rin naman kasi niya alam kung ano ba ang pakinabang ni Arjo noon sa mama niya. Kinse anyos na siya nang malaman niya ang tungkol sa dugo nito.

Pinasadahan niya ng hawak ang pisngi nito. Kapareho iyon ng kinis ng balat ng sa mama niya. Hindi pa niya nakitaan ng kahit isang tigyawat si Arjo mula noong lumaki sila. Naririnig nga niya noon ang mga kabarkada nito na naiinggit sila kay Arjo dahil parang wala itong ibang kapintasan sa katawan maliban sa hindi naman ito katangkaran gaya nila. Parehong matangkad ang mga magulang niya pati siya. Ito lang ang hindi man lang nakaabot kahit sa dulo ng ilong ng mama niya.

Herrings Eyes (Book 10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon