Nawala na ang bigat sa paligid na nagagawa ng aura ni Max, pero napalitan naman iyon ng pananahimik ni Arjo. Alas-siyete ang usapan nina Max at Greta. Malakas ang kutob ni Max na aayain siya ng dinner ng babae kaya isinakto sa ganoong oras.
Sigurado naman si Max na naiintindihan siya ni Arjo. Hindi naman ito mananahimik kung hindi nito naiintindihan ang sinabi niya. Kilala naman niya ito na mag-iingay nang mag-iingay kung hindi nito alam kung ano ba ang lumabas sa bibig niya.
Naka-indian seat lang si Arjo sa balcony at nakikipaglaro na naman sa asul nang unan sa bago nilang hotel room. Hindi muna niya ito kinausap para bigyan ito ng space na kailangan nito para maunawaan siya. Binalikan lang niya ito roon nang makitang papalubog na ang araw.
Pagsilip niya rito, nakasubsob na naman ang mukha nito sa unan na nakasilid sa yakap nito habang nakatupi ang mga tuhod.
Nang tanawin niya ang dagat, kulay kahel na ang langit at nangangasul naman ang banda sa itaas nila. Umupo siya sa tabi ni Arjo at idinantay ang ulo niya sa ulo nitong nakayuko.
"Galit ka ba sa 'kin?" maamo niyang tanong dito.
Walang sagot mula kay Arjo. Lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa unan.
"Gusto mong bilhan kita ng teddy bear para may nayayakap kang iba?"
Hindi na naman siya inimik ni Arjo.
"Di ba, sabi mo, maghanap ako ng ibang babae? Isipin mo na lang na parang ganito lang 'yon."
Napadiretso ng upo si Max nang bahagyang lumayo sa kanya si Arjo para makita ang mukha niya. "Gusto mo ba siya, Kuya?" dismayadong tanong ni Arjo.
"Natural hindi," mabilis na sagot ni Max.
"E bakit ko iisipin na parang gano'n 'to?" Mababakas sa mata ni Arjo ang lungkot.
"Kasi sabi mo, di ba, gusto mong maghanap ako ng iba."
Lalong nalungkot si Arjo at tumulis na naman ang nguso saka isinubsob ulit ang mukha sa unan.
"Nagtatampo ka ba?"
Umiling si Arjo.
"E bakit malungkot ka?"
Hindi na naman sumagot si Arjo.
Nagbuntonghininga lang si Max dahil kahit anong hindi ni Arjo, masyado nang obvious ang sagot sa kilos nito.
"We both know she's gonna do something bad tonight. And I can't let that happen," paliwanag ni Max. "If ever I have to do something worse, I don't want you to be there to witness it."
Nag-angat na naman ng tingin si Arjo para makita kung gaano kaseryoso si Max sa sinabi nito.
"I don't like her, that's for sure," pagpapatuloy ni Max. Hinawi niya ang dumikit na buhok sa mukha ni Arjo at sinuklay niya ang hibla ng maikling buhok nitong ginawa na lang pixie cut para bumagay sa hugis ng mukha. "Isipin mo na lang na gaya lang din 'to ng nangyayari kapag may pumupuntang friend mo sa bahay tapos gusto lang akong kausapin."
"Tinatakot mo naman sila e," sabi ni Arjo na nakakunot ang noo.
Matipid na ngumiti si Max. "Exactly."
Kinuha niya ang kaliwang kamay ni Arjo at inalis ang unan sa yakap nito. Inilapit pa niya ito sa kanya at siya na ang umakbay rito para bahagyang yakapin sa gilid. Idinantay niya ang gilid ng ulo ni Arjo sa balikat niya at sinuklay-suklay nang marahan ang ilang hibla ng buhok nito sa kanang gilid.
"Trust me on this one, alright?"
Tango lang ang isinagot ni Arjo sa kanya.
****
BINABASA MO ANG
Herrings Eyes (Book 10)
AksiyonPagkatapos ng kasal nina Max at Arjo, kailangan na nilang kaharapin ang bagong buhay bilang mga natitirang dugo ng mga Zordick at Zach. _______________ Lena0209 All Rights Reserved June2015