18: Black Knight

2.7K 143 15
                                    

"Kuya, bakit nakapapapansin mo?"

Iritang-irita si Arjo matapos ang hapunan nila at hindi na natahimik ang daan nila pabalik sa kuwarto hanggang pagtapak doon.

"Kuya kasi, di ka naman kailangan do'n e!"

Pero kahit na ano pang reklamo ni Arjo, hindi talaga siya sinasagot ni Max.

"Kuyaaaaa!"

Wala pa ring sagot at tumuloy na lang si Max sa banyo para mag-asikaso sa pagtulog.

Hindi talaga maintindihan ni Arjo kung ano ang problema ni Max. Mabuti sana kung unang beses iyong nangyari, kaso hindi. Masyadong matalino ang kuya niya. Sapat na para makuha nito ang bachelor's degree dalawang taon na ang nakararaan, samantalang siya, noong nakaraang dalawang taon, kaga-graduate lang din niya sa junior high school. Tatlong taon lang naman ang pagitan ng edad nilang dalawa.

Nagtatrabaho na si Max noong nakapag-enroll siya sa kurso niyang related sa business. Ayaw niya sa math pero doon nagsipag-enroll ang mga barkada niya kaya nakisama na lang din siya. Hindi lang niya inaasahan na bigla siyang lilipat ng university pagdating ng sumunod na semestre. At noong paglipat niya, nag-enroll din si Max.

Maluwag na puting T-shirt at cotton pants na ang suot ni Max paglabas niya ng banyo. Basa rin ang buhok niyang pinatutuyo niya ng tuwalya, halatang bagong ligo.

"Kuya, 'wag ka na kasing sumama bukas!" reklamo ni Arjo habang pinapadyak ang paa sa carpeted na sahig.

At gaya kanina, wala pa ring sagot si Max, nagbibingi-bingihan. Dumiretso lang ito sa maliit na office table nito na malapit sa pinto ng banyo at binuklat doon ang journal na nakuha nito sa opisina ni No. 99.

"Kuya, nang-iinis ka ba?" Padabog na nagmartsa si Arjo palapit kay Max. "Ano na namang gagawin mo ro'n? Bakit sa lahat na lang, nakikialam ka?"

"Ano ba'ng pinoproblema mo, sasamahan lang naman kita?" Sa wakas, sumagot na rin si Max.

"Ba't mo 'ko sasamahan?"

"Pakialam mo?"

"E pakialam mo rin sa klase ko?" sagot ni Arjo at humalukipkip pa. "Di ba, marami kang trabaho, Kuya? Bakit sasama ka pa?"

"Uhm!" Walang pagdadalawang-isip na itinuktok ni Max ang journal sa ulo ni Arjo. "Hindi ka talaga nag-aaral, 'no? Kaya ayaw mo 'kong pasamahin."

"Aray, Kuya!" Wala ring pagdadalawang-isip na sinipa ni Arjo ang hita ni Max habang hawak ang bumbunan. "Pakasama talaga ng ugali mo! Nakakainis ka!" Nagmartsa palabas ng kuwarto si Arjo.

"Hoy, saan ka pupunta?"

"Doon sa di ko makikita mukha mo!"


***


Sa dalas mag-away nina Max at Arjo, hindi na rin nagulat ang mga nagbabantay sa kanila kung talagang umabot sila sa ganoong puntong ayaw nilang makita ang isa't isa. At kung ang mga ito ang masusunod, hindi talaga nila paglalapitin ang dalawa para lang hindi magkairingan.

At dahil pasado alas-nuwebe na, at hanggang alas-otso lang ang paglilingkod ni Jean dahil kailangan nitong magbigay ng update para sa mga Zordick, Guardian na ang pinasama ni Xerez kay Arjo doon sa Matricaria.

Nangangalumbaba lang si Arjo habang inis pa rin kay Max. Nasa harapan niya nakaupo si Sav na sapilitan pa niyang pinaupo dahil sinabi nitong kailangan nitong tumayo para magbantay.

"Milady, kailangan na ninyong bumalik sa silid ng Fuhrer para matulog," paalala ni Sav na halatang ilang na ilang sa inuupuan niya. Bawal ang Guardian doon dahil pag-aari ang puwesto ni Cassandra Zordick, pero mapilit si Arjo.

Herrings Eyes (Book 10)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon