PROLOGUE

18 2 0
                                    

INCIDENT 15 YRS AGO.

"Nagsasabi kami ng totoo Hudson. Walang kinalaman ang pamilya namin sa apoy na kumalat sa inyong palasyo" sambit ni Lord Arden

"At sa tingin mo ay paniniwalaan ka namin? Pulang apoy ang naging dahilan ng pagsabog ng kanlurang bahagi ng palasyo. Sa inyo lamang matatagpuan ang kapangyarihan na 'yon" Matigas na sagot naman ni Lord Hudson. Bakas sa mukha nito ang galit dahil sa nagtatangis na bagang nito.

"Ngunit nagsasabi kami ng totoo. Wala samin ang nasa palasyo ninyo nang mangyari ang krimen" depensa naman nito.

Ang lahat ng nasa bulwagan ay nanatiling tahimik at pinagmamasdan ang dalawang haring nagpapalitan ng salita.

"Nais naming imbitahan ang pamilya mo sa bulwagan, Arden" utos ni Lord Hervan. Agad namang napabuntong hininga si Arden

"Paumanhin, Hervan ngunit hihilingin ko sanang 'wag nang madamay ang pamilya ko dito. Masyado pang bata ang mga anak ko para rito"

"Naiintindihan ko ang punto mo Arden, pero intindihin mo rin na buong pamilya mo ay sangkot sa usaping ito. Hindi lang ikaw ang may kapangyarihang apoy" sambit nito

Napabuntong si Arden, tinatanggap na kailangan nyang sundin ang pinakamataas na hari ng Vesperia

Pag-uwi nito sa kaharian ay sinalubong siya ng mga kawal, agad na nagsitanguhan ang mga ito. Lumapit sa kanya ang kanyang kanang kamay na si Viden

"Lord Arden" nag-aalangang tawag nito, bakas sa mukha nito ang kaba dahil sa butil-util na pawis nito

"Nasan ang asawa ko?" tanong ni Arden  dito

"Nagkaron ng pagsugod sa palasyo. Hindi namin nakilala ang mga ito dahil sa bilis ng pangyayari. Nagkaron ng biglaang pagsabog at huli na nang malaman naming si Rylexia ang pakay ng mga ito--" hindi na nito natuloy ang sasabihin nang putulin ito ng sigaw ng hari

"Nasan ang asawa ko Viden?!"  umugong sa buong palasyo ang sigaw ng hari

Imbis na sumagot ay gumilid lamang si Viden at yumuko. Sa likod nito ay dahan-dahang naglakad ang tatlong kawal habang hawak ang sunog na katawan ni Rylexia

Napaluhod ang hari nang tuluyang mailapag ang bangkay ng asawa sa harap nito

"Rylexia..." natatawang tawag ng hari sa asawa at unti-unti ay bumagsak ang mga luha sa nag-aalab na mata nito "Bumangon ka na riyan at aminin saking isa lamang ito sa mg biro mo" nakangiting sambit nito habang marahang hinahaplos ang mukha nito "Kailangan tayo sa bulwagan ni Hervan, bumangon ka na riyan at ihanda ang ating mga anak." Sa isang iglap ay tila nag-iba ang Arden na nasa harap nila, nawala ang emosyon sa mukha nito

"Arden, ilang oras na lamang ay darating na ang mga susundo sa iyong asawa. Kailangan na natin siyang ihanda." malungkot sambit ni Viden

"Walang ihahanda at susunduin Viden. Buhay pa ang asawa ko Tigilan nyo na itong mga paglalaro nyo." matalim nitong tinignan ang kaibigan

"Gustuhin man nating maging biro ito ay wala tayong magagawa. Nakatadhana na ito. Magpalakas ka para sa iyong mga anak." pag-aalo nito kay Arden

"Nasan ang mga anak ko?" tila ay nabuhayan ang hari sa narinig

"Itinago sila sa silid ng iyong asawa."

Di na nag-aksaya pa ng oras ang hari at tumayo na ito para tumungo sa silid kung nasan ang kanyang mga anak.

Nang makarating roon ay labis siyang natuwa nang makitang masayang naglalaro ang mga ito. Nakaramdam sya ng awa para rito dahil sa murang edad ay nawalan na agad ito ng ina. At ang mas masakit pa rito ay tila wala silang alam sa sinapit ng ina

Their Strongest WeaknessWhere stories live. Discover now