11 : PANGKATANG GAWAIN

5 1 0
                                    

"Ayos na ba, Binibining Vyshna?" tanong nito sakin nang matapos siya sa ginagawa

Peste! San niya ba nakukuha ang ganyang kakapalan? tawagin ba naman ako sa aking ikalawang pangalan?

Pilit akong ngumiti rito "Ayos na prinsipe. Salamat sa iyong pagpapatunay na patas ka sa iyong mga nasasakupan" sarkastikong saad ko rito na ikinatawa naman nito

"Oh siya! Prinsipe Rayzeus magtungo ka na sa grupo nila at kulang sila ng isa" anang guro

"Rayzeus lamang binibini. Huwag nating gamitin ang aking titulo sa loob ng klase. Baka magreklamo nanaman si Binibining Vyshna" aniya na ikinatawa naman ng guro

"Oh siya! Simulan na natin ang ating pangkatang gawa--" naputol ang sasabihin ng guro nang may magsalita sa likod nito

Maging kami ay nagulat sa bilis nito. Ni hindi manlang namin ito nakitang maglakad o manggaling manlang sa maliit na metal na silid

"Paumanhin sa aking biglang pagdating. Ngunit ako ay inatasan na lumipat sa inyong klase, binibini." siya iyong gwapong lalaki na nag-abot ng pilak sa akin kanina!

"Oh siya, doon ka na lamang rin sa grupo nila Rayzeus" aniya, naglakad naman ito papalapit sa amin

"Nais ko lamang ianunsyo na ang pangkat na iyan na ang inyong permanenteng grupo. Ililista ko na ang inyong mga pangalan at sa oras na may lumipat ay awtomatikong bagsak sa klase ko" aniya habang nagsusulat sa papel "Ngayon para sa inyong pangkatang gawain. Nais kong hanapin ninyo ang mga nakatagong tela na may kulay, pula, asul, berde, dilaw, at puti sa loob ng isang oras lamang."

"Kapag nakumpleto ang mga kulay na to ay katumbas na agad ng isang daan ang grado ninyo. Kapag ito naman ay apat lamang, siyamnapu. Kapag tatlo ay walumpu't-lima. Kapag dalawa ay pitongpu't-lima. Kapag isa ay animnapu. At kapag walang nakuha ay awtomatikong bagsak sa klase ko" paliwanag nito agad namang nagsibulungan ang iba "Ngunit tigdadalawa lamang bawat kulay ang nakakalat sa gubat. Kung kaya't kailangan nyong maunahan ang iba."

"Guro, nais naming malaman kung maaari ba naming kuhanin ang nakuha na ng iba?" tanong ng isa sa mga kaklase ko

"Oo naman. Hangga't hindi pa nakakabalik sa base ay maaari pang nakawin ito." sagot naman ng guro "Kung malinaw na sa inyo ang inyong gawain. Pormal ko nang Idinedeklara ang pagsisimula ng inyong pangkatang gawain!" aniya bago ipinaputok ang baril nito sa hangin

Agad na nagsitakbukan ang ibang grupo papasok sa gubat. Maging ang mga kagrupo ko ay nagsitakbuhan narin kung kaya't wala akong nagawa kundi sumunod na lamang. Natigil kami nang bigla ay mapatigil din iyong gwapong lalaking kagrupo namin malamang ay hindi ito si Rayzeus.

"Maghanap kayo banda rito, may nararamdaman ako" utos nito na agad naman naming sinunod

"Uyy ikaw ah, ano yung eksena mo kay Prinsipe Rayzeus kanina?" nakangiting tanong ni Luciera sakin habang tinutusok ang tagiliran ko na animo'y kinikilig

"Ewan ko sayo Luciera" sagot ko at tinalikuran ito

Umakyat ako sa isang puno at umupo ron. Ipinikit ko ang mata ko upang hanapin ang mga telang sinasabi ng guro ngunit bigla ay may kamay na humawak sa balikat ko

"Tigilan mo yan, Vyshna." seryosong sambit ni Rayzeus habang nakatingin sa biglang nagdilim na kalangitan. "Mag-ingat ka ng iyong kilos. Baka may makaramdam sa iyo at pagdudahan ka" dagdag pa nito saka nagpaunang bumaba, sumunod naman ako.

Nag-ikot kami nang nag-ikot hanggang sa may matagpuan si Misha na telang dilaw.

"Magaling, apat na lamang ang ating kailangan" nakangiting sambit ni rayzeus

Their Strongest WeaknessWhere stories live. Discover now