"Unang araw mo pa lamang ay andami ko nang naririnig sayo." sermon sa akin ni Jayden
Pano ay pagkauwing-pagkauwi ko pa lamang ay namataan ko na sya sa harap ng bagong tahanan na tinutuluyan ko. Salubong ang kilay at nakapamewang pa.
"Ano Ryiven Vyshna? Nais mo na bang magbalik sa bundok kung kaya't nagpapasaway ka ng ganito?" galit na singhal nito, napaiwas naman ako ng tingin
"Hindi ko naman alam na ganon ang mga studyante roon" bubulong-bulong pang sagot ko
"Tigilan mo ang kakasagot mo" banta nito na ikinatahimik ko naman "Asahan mo nang maya't-maya mong makakasama si Rayzeus. Pinakiusapan ko siyang bantayan ka" aniya na ikinanganga ko!
Iyong demonyong prinsipe na iyon?? Bantay ko? Anong kalokohan iyon?
"Ngunit Jayden, hindi na ako bata upang bantayan pa!" pagrereklamo ko na mas ikinasalubong ng kilay nito
"Hangga't hindi ka nagtitino ay hindi siya mawawala sa paningin mo!" iyon na lamang ang huling sinambit nito bago ako tuluyang iniwang nakanganga parin
Anak ng... Iyong Rayzeus na iyon ay bantay ko? anong.... paano niyang napakiusapan ang demonyong iyon?
Dahil tuloy sa inis ay hindi na ako nakakain pa at maaga na lamang natulog. Ngunit kahit mahaba na ang naging tuloy ko ay nahuli parin ako sa klase!
At tulad kahapon ay nahuli nanaman ako ni Rayzeus na nahuli sa klase. Kahapon ko lamang rin nalaman kay Misha na si Rayzeus pala ay ang Presidente sa paaralang ito. Siya ang naatasang magbantay sa nga studyanteng pasaway at nahuhuli sa klase .... tulad ko. Tuloy ay nagtataka ako kung pano pa siyang nakakasunod sa mga tinuturo ng guro kung ganyang gantong oras ay nag-iikot pa siya imbis na nasa klase na.
"Mukhang nahuli ka nanaman, Vyshna" aniya at naglista nanaman muli sa mahiwagang papel nito. "Nako! Nako! Ano kaya ang gagawin ni Jayden kapag nalaman niyang.." mapang-asar na ngumiti ito
"Paumanhin, Mahal na Prinsipe" pilit ngiting yumuko ako rito.
Nakakainis! Nakakainis! Ke aga-aga ay narito agad sya para painitin ang ulo ko!!
Nabigla ako nang bigla itong umabante papunta sa akin at inilapit ang bibig nito sa bandang tainga ko. Bahagya akong napaatras.
"Sayang. Nais ko na sanang parusahan ka pero tila nagpapaamo ang iyong magagandang mata" aniya na ikinalaki ng mata ko! ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko, tiyak kong napakapula nito!
"Pumasok ka na at ayoko nang mauulit pa ito, hindi na kita muling pagbibigyan sa susunod." aniya at tinalikuran ako
Tumango lamang ako at umalis narin doon. Patakbo akong nagtungo sa silid para sa unang klase ko.
Hindi na nagalit pa ang guro at pinapasok na lamang ako. Mabuti na lamang at nahuli rin ito, kung kaya't magsisimula palang rin ito nang makapasok ako. Sandali akong nagulat nang makitang naroon na sa loob si Ryzeus at malaki ang ngiti habang nakatingin sakin, inirapan ko naman ito.
"Ngayon ay nais kong ituro sainyo ang ilang mga salitang Ingles na maaari nating magamit sa araw-araw." aniya habang palakad-lakad sa harapan.
"Alchemist. Iyan ang tawag sa ating mga naninirahan sa Vesperia. Hindi naman na ito bago sa ating pandinig kaya't tiyak kong ang ilan sainyo ay alam na ito. Pero para sa mga hindi nakakaalam, ngayon ay alam nyo na" aniya na ikinatawa ng ilan
Alchemist? iyon pala ang tawag samin.
Ngayon ko lamang napagtanto. Tama nga si kuya. Base sa mga ensayo kahapon ay masasabi kong mas nangunguna nga ang pinagdaanan kong ensayo ngunit pagdating sa mga ganitong bagay ay hindi. Pagdating sa mga kaalaman ay mas nangunguna sila sakin.

YOU ARE READING
Their Strongest Weakness
FantasiaRyiven Vyshna Velkior. An alchemist that came from the fallen kingdom, Velkins. Let's all witness her journey in seeking revenge for her mother's death and discovering the secrets that was hidden from her. DATE STARTED: 04/29/24